Kabanata 3

719 27 2
                                    

“So for today's shooting, nandito yung mga influencers natin sa category of writing

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“So for today's shooting, nandito yung mga influencers natin sa category of writing. For example, stories, articles, poems, novels etc.” Saad ni Sol sa harapan.

Natutuwa na talaga akong tawaging Sol si Dwight at hindi ko alam kung bakit. Isinama niya ako ngayon kahit hindi ako kasama sa photoshoot at ang dahilan niya ay,

“You'll be bored if you stay here in your hotel room, sinasabi ko sayo, kaya sumama ka sa photoshoot bukas.”

Napagdesisyonan ko din na sumama kasi napagtanto ko na mag- isa na nga ako sa ibang bansa, magiging mag- isa pa ba ako dito?

Naging smooth ang photoshoot ngayong araw at mas lalo akong natuwa nang sinabi ni Sol na mamayang hapon ay mga influencers naman na ginagamit ang mga talento sa pagpainting.

Mahilig akong mag- painting kung kaya't ganon na lamang ang aking nadarama nang malaman yun. Nag- vlog din ako habang nagpo- photoshoot sila.

Pag- sapit ng tanghali ay nagsikainan na kaming lahat. Napangiwi ako nang nakita ang dala daw nilang dessert.

“Sir, nagdala kami ng pakwan para  kay Ma'am Luna.” Saad ng isang staff kay Sol. Bumaling siya sa akin at sinabi, “Galing po ito, Ma'am sa bukid namin, magugustohan niyo po ito.”

Ngumiti na lang ako ng pilit dahil hindi ako kumakain ng pakwan. Sa totoo lang, choosy ako pagdating sa prutas at hindi ko pa natry kumain ng pakwan at wala akong balak.

Nang makita kong ang excitement sa mga mata ng staffs ay napalunok na lang ako. Kinuha ko ang inoffer ng isa sa kanila na isang hati ng pakwan. Kinagat ko iyon at ngumiti sa kanila.

Biglang tumawa si Sol at tumigil din, parang nang- aasar ang kumag. Kinain ko ang piraso ng pakwan na binigay nila at hindi na ako umulit pa.

Nagsimula na ding magphotoshoot ngayong hapon at nang matapos yun ay nagsiuwian na din ang lahat. Natira na lang kami ni Sol dahil ihahatid niya ako sa hotel.

“Hindi pa pala tayo nagpapakilala sa isa't isa ng maayos.” Saad ni Sol at sinimulan na niyang magmaneho.

“Luna Caison, vlogger. Wala na akong masabi tungkol sa akin.” Sabi ko at nagkibit- balikat.

“Dwight Fernandez, photographer ang mga hobby ko ay mag- picture, syempre, mag- play ng instruments at tsaka minsan nagdrodrawing din ako.” Sabi niya.

“Nagpe- painting ako,” Saad ko naman.

“Tas naririnig ko din na kumakanta ka,” Saad niya.

“Pampalipas- oras lang at tsaka tumigil na ako sa pagkanta kahit nga sa pagpainting,” Kwento ko sa kanya.

“Bakit naman?”

“May naaalala ako,” maikling sagot ko sa kanya.

“Its okay if you don't want to talk about it.” Sabi niya.

“Sorry—”

“Ano ka ba? Hindi ka kumportableng pag- usapan yun kaya wag na nating pag- usapan pa.” Saad niya habang nakangiti. “Alam mo ba kanina, tawang- tawa ako habang kumakain ka nung pakwan.”

“Alam ko, tuwang- tuwa ka pa nga eh.” Saad ko.

“Alam ko kasi na hindi ka kumakain nun, napanood ko sa isa mong vlog kaya pinadala ko si Allan ng pakwan galing sa bukid nila. Sinabi ko pa kay Allan na paborito mo yun.” Kwento niya at tumawa.

“Siraulo ka,” Saad ko at pinalo ang braso niya.

“Aray ha, pero at least nalasahan mo na diba?" Saad niya at hindi na mawala sa labi niya ang ngiti.

“Hindi ko talaga bet,” Sabi ko sa kanya.

“At least nagtry ka,” Saad niya at pinark ang kotse sa harap ng hotel. “Mapadeliver ako ng pagkain sa room mo, ako na din babayad. Sorry kasi hindi kita masasamahan magdinner ha?”

“Okay lang naman,” Sabi ko at tumawa ng konti. ”Sige na, mauna na ako.”

“Salamat ha, ingat ka.” Saad niya.

“Salamat din, magingat ka din pauwi.” Saad ko at bumaba na sa kotse niya.

Nang makarating sa kwarto ko ay inasikaso ko na ang sarili ko. Dumating na din ang pagkain na sinasabi ni Sol. Habang kumakain ay tinransfer ko na lahat ng video mula sa camera ko papunta sa laptop.

Nag- edit na ako ng vlog ko para bukas ay bagong video naman. Sa sobrang saya ko sa pageedit ay hindi ko namalayan ang oras. Tinapos ko ang pag- edit at natulog na din agad- agad.

Dahan- dahan niyang tinugtog ang gitara. Rinig na rinig ko ang kalmadong kantang kanyang tinutugtog na sumasabay sa tunog ng paghampas ng alon sa dagat.

Nagsimula na siyang kumanta at biglang tumaas ang balahibo ko. Sumasabay ang tono ng kanyang kanta sa pagtulo ng aking luha.

Naramdaman ko ulit kung paano ba umiyak. Naramdaman ko ulit kung ano ba talaga ang dapat kong maramdaman.

“Hindi ka nag- iisa, huwag mong solohin ang mga problema mo at huwag mong isipin na palagi kang mag- isa.”

Humagulhol ako bigla at napatingin sa kanya nang bigla akong napabangon, panaginip lang pala iyon.

Tumingin ako sa orasan at nakitang tatlong oras pa lamang akong natutulog. Pumunta ako sa kusina at uminom ng tubig. Humiga ako ulit at natulala na lamang sa kisame.

“Hindi ka nag- iisa, huwag mong solohin ang mga problema mo at huwag mong isipin na palagi kang mag- isa.”

Unti- unting tumulo ang luha ko. Tama siya pero kung di ako nagiisa, bakit sinosolo ko lang ang lahat? Bakit walang taong dumadamay sa akin ngayon?

Ngayon na lang ulit ako umiyak, ngayon na lang ulit. Huling pagkakataong umiyak ako ay ilang buwan matapos mamatay si Papa. Pagkatapos nun ay hindi na ako umiyak ulit kasi alam ko sa sarili ko na kaya ko mag- isa at kakayanin ko.

Pero may pagkakataon talaga na dadating na mapapatanong ka na lang sa sarili mo kung bakit ka nagiisa at kung bakit walang dumadamay sa iyo at para sa akin, iyon ang pinakamasakit sa lahat.

Sa bilyon- bilyong tao sa mundo, naramdaman kong maging mag- isa at lumaban sa laban na ako lang ang nakakaalam. Kinaya ko mag- isa at kakayanin ko pa.

Sana'y Sa Susunod (LADS #1) // (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon