"Pupunta ka ba sa Pilipinas?" Tanong ni Isaiah.
"Definitely," Sagot ko. "Mabuti na lang ay kaclose ko si Attorney Sanchez, madali na lang yun kausapin."
"Paano yung mga bata?" Tanong niya.
"Dadalhin ko,"
"Delikado—"
"Nasa Pilipinas si Eleazar" Pagsisinungaling ko "... at tsaka kailangan na namin tumira sa bahay namin."
Bununtong- hininga na lamang siya at tumango. Ako naman ay dinala ang dalawang bata sa kwarto para kausapin ang mga ito sa para sa pag- alis namin. Inupo ko sila sa kama at lumuhod ako sa harapan nila.
"We're going to Philippines." Panimula ko. Nakita ko ang ningning sa mata nila. "But please behave, okay? Mag- isa lang akong mag- aalaga sa inyo. Wala doon si Tito Isaiah at tsaka Tito Eleazar. Baka busy rin si Tito Oliver."
"Okay, Mom." Sagot ni Apollo at tumango naman si Diana.
"And you'll meet your cousins. May mga kalaro na kayo."
"Really, Mom? Pumunta na tayo doon, now na." Saad ni Diana.
"We need to prepare, of course."
Matapos ang araw na iyon ay inasikaso ko ang mga passports at visa ng mga bata. Kinuha ko na rin ang pina- personalized kong salamin ni Apollo. Bumili rin ako ng mga damit nila. Mainint sa Pilipinas kaya kailangan kong bumili ng maninipis na damit, ang lahat kasing damit nila ay makakapal.
Nang matapos na ay umuwi na ako sa bahay. Hinintay na muna namin ang pagconfirm sa passports at visa ng mga bata. Habang hinihintay ang mga iyon ay nag- impake na ako.
"Sure ka nang aalis na kayo ng mga bata?"
"Oo, Ma." Saad ko.
"Matutuwa si Theo kapag nakita niya ang mga bata." Saad ni Mama.
Napatigil ako sa pagimpake at napatingin sa kanya.
"Sana nga po,"
Dahan- dahang bumukas ang glass door ng airport. Tinulak ko ang cart kung nasaan ang mga maleta namin. Nakaupo si Apollo sa isang cart at si Diana naman ay karga- karga ko.
Sinalubong kami ng mainit na hangin ng Pilipinas. Kumaway sa amin si Oliver at lumapit. Kinarga niya si Apollo at siya na ang nagtulak ng cart. Pinasok niya ang dalawang bata sa kotse niya. Pagkatapos nun ay inilagay niya na ang mga maleta sa likod.
Inilibot ko ang paningin ko. Bigla kong naalala ang mga masama at mabubuting alaala na nangyari dito sa akin. Sumakay na ako sa kotse at ganon din si Oliver.
"Tito Oliver, let's eat po muna." Mahina at malambing na saad ni Diana.
"Sure," Saad ni Oliver. "Do you like Tito Oliver?"
"Yes po, you are the most handsome, Tito Oliver."
Napasapo ako sa noo ko. Sa totoo lang kasi ay si Eleazar ang pinakagwapo sa kanila kaso hindi pa nakikita ni Diana si Eleazar. Hindi niya pa ito nakikita dahil ilang buwan palang sila ay napagpasyahan ni Eleazar na pumunta na sa Pilipinas. Doon na muna siya nakatira sa bahay namin sa Bicol.
"Hayst, ang hirap maging gwapo."
"Hayst, ang hirap maging gwapo." Paggaya ni Apollo kay Oliver.
Natawa kaming dalawa ni Oliver. Pumunta na kami sa isang fast food chain at doon kumain. Si Oliver ang nagpakain kay Diana at ako naman ay kay Apollo. Nang matapos ay doon muna kami tumuloy sa sariling bahay ni Oliver.
"Maghohotel kami bukas—"
"Huwag na, Ate, dito na lang kayo. Namiss ko rin ang mga bata eh." Saad niya.
"Okay," Inilibot ko ang paningin ko. "Asaan pala ang asawa mo?"
Pagkatanong ko nun ay lumapit na siya kila Apollo at Diana. Binalewala ko na lang muna iyon. Naglakad- lakad ang mga anak ko habang pinagmamasdan ang bahay ni Oliver. Nang mapagod ang dalawa ay dinala na namin sa guest room ni Oliver at doon sila pinatulog. Bumaba kami sa sala at umupo sa sofa.
"Anong balak mo?" Saad niya.
"Mamayang alas tres ay magkikita kami ni Attorney Sanchez. Sabi ko sa kanya ay bonding lang pero kakausapin ko siya tungkol doon sa ownership nung branch."
"I see, ako na muna ang bahala sa mga bata. I'll try my best." Saad niya.
"Ayaw mo nun? Prepared ka na," Pagbibiro ko at tumawa naman siya. "Sige na, mag- aasikaso na muna ako."
Nagasikaso ako. Bago umalis ay hinalikan ko sa noo ang mga anak ko.
Mahahanap natin ang sagot, mga anak.
Binilinan ko si Oliver ng ilang bagay at nagets naman niya agad. Umalis na ako gamit ang kotse ni Oliver. Dahan- dahan ko pa iyong minaneho dahil alam kong mahal iyon, BMW.
Pumasok ako sa café at nakita ko doon si Attorney Sanchez kasama ang anak niya. Nagulat ako nang makita na ang anak niya ay ang estudyanteng binilhan ko ng PT kit noon.
"Good afternoon," Saad ko.
"Good afternoon din." Saad nila.
"Thank you so much po, Ate sa pagtulong sa akin nun araw na yun. Alam niyo po ba malapit na po sana akong magpakamatay kaso naalala ko po nung sinabi mo na magingat po ako kaya hindi ko na po tinuloy." Saad niya. Napangiti naman ako.
"Alagaan mo nang mabuti ang anak mo." Saad ko.
"Opo, syempre po. Maraming salamat po talaga. Kasama niyo po ba mga anak mo ngayon?"
"Sinama ko dito sa Pilipinas kaso pag- alis ko ay tulog na sila kaya iniwan ko na muna sa pinsan ko." Saad ko.
"Ah, okay po."
"Uhm— pwede ko bang makausap si Attorney? Yung kaming dalawa lang sana." Nahihiya kong saad sa anak ni attorney.
"Opo, sige po. Uuwi na rin po ako para alagaan ang anak ko. By the way po, ako po si Grace. Nice meeting you po."
"Luna, nice meeting you rin."
Nagpaalam pa siya ulit bago umalis. Maganda sana siyang kausap dahil maboka kaso iba ang pinunta ko dito. Pumunta ako para kausapin si attorney at hindi siya.
"I know what you want to talk about."
"Spill, Sanchez."
May kinuha siya sa bag. Isa iyong portable audio recorder.
"Tatlong audio yan, nakasunod- sunod na yan."
"Thank you," Saad ko at tumayo na.
"Mas mabuting bumalik ka at ng mga anak mo sa ibang bansa. Huwag kang gagawa ng mga galaw hangga't hindi mo sa amin sinasabi. Baka mapahamak ka, lalong- lalo na ang mga anak mo." Saad niya at bumuntong hininga. "Sa ngayon ay huwag ka na munang makipagkumpetensya sa iba. Sumunod ka sa amin nila Isaiah at magtiwala ka kay Theo. Babalik siya."
BINABASA MO ANG
Sana'y Sa Susunod (LADS #1) // (Completed)
Romance(Liwanag at Dilim Series #1) Si Louisa Diana 'Luna' Caison ay isang sikat na vlogger. Sa gitna ng kasikatan niya ay may naganyaya sa kanya na photogapher para sa isang photoshoot. Everything went smooth not until she went back to her home and real...