Kabanata 17

297 17 3
                                    

Umalis din naman si Dwight pagkatapos nilang mag- usap ni Theo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Umalis din naman si Dwight pagkatapos nilang mag- usap ni Theo. Lumabas silang dawala nang mag- usap at ako ay naiwan sa loob. Pagkabalik ni Theo ay umupo siya sa tabi ko.

"Wala ka bang gagawin?" Tanong ko.

"Meron, by the way saan ka pala tumutuloy?"

"Kila Oliver,"

"Dito ka na lang tumuloy, may kwarto ako sa taas." Saad niya.

"Hindi, okay lang."

"Are you sure?" Tanong niya.

"Oo, at tsaka mauna na ako. Nagbisita lang talaga ako."

"Text me if you'll visit again." Saad niya.

Tumayo na ako at siya naman ay ganon din. Hinatid niya ako sa bahay nila Oliver. Nagpaalam na muna kami sa isa't isa bago ako pumasok sa pinagtutuloyan ko.

Umalis na agad ako dahil may napapansin ako sa opisina ni Theo ganon din ang biglaang pagbisita ni Dwight. May nararamdaman at napapansin akong mali pero sa ngayon ay hindi ko pa alam kung ano yun. Kailangan ko nang oras mag- isip.

Nang makapasok ay doon ko lang napansin ang mga naroon sa bahay nila Oliver. Wala si Oliver dito dahil may pasok siya. Binigyan niya na lang ako  ng duplicate ng susi ng bahay nila. Pumayag naman ang mga magulang niya dahil kapatid naman ng nanay niya ang step- father ko.

Inilibot ko ang paningin ko at doon. Napapunta ako sa isang sulok. Mayroon doong maraming trophies at mga sash. Naroon din ang mga pictures ni Oliver sa mga pageant. Napaka- halimaw! Napatingin ako sa mga trophies at nakitang puro panalo siya sa mga pageants na sinalihan niya, kung hindi nasa kanya ang title, 1st or 2nd place siya. Nakakabilib!

Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon. Naroon si Oliver at parang pagod na pagod ito.

"Anong nangyari kanina?" Tanong niya at umupo sa sofa.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa kabilang couch.

"Ayos lang naman kaso may napansin akong mali," Napatingin siya sa akin. "Dumating bigla si Dwight tapos pinagpipilitan nung sekretarya ni Theo na papasukin si Dwight."

"May mali nga," Saad niya. "May naisip akong dahilan kaso ayokong sabihin kasi hindi naman ako sure dun."

"Ako na lang magdidiskubre kung ano yun."

Tumango naman siya at sinabing,

"Ate Luna, pwede ba akong magtanong?"

"Nagtatanong ka na,"

"Paano kapag ang yung isang babae ay nagpapapansin sayo?" Tanong niya. Napatingin ako sa kanya at siya naman ay itinaas- baba ang kilay.

"Baka may gusto sayo." Sagot ko.

"Hmm, thanks!" Saad niya. "Magpapahinga na muna ako."

Pumunta na siya sa kwarto niya at ako naman ay pumunta na rin sa guest room nila. Sinearch ko ang pangalan ng sekretarya ni Theo sa facebook.

Sana'y Sa Susunod (LADS #1) // (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon