Umupo si Isaiah sa tabi ko at bigla akong niyakap sa gilid.
"Sorry, ate Luna." Saad niya.
"Bakit ka naman nagso- sorry? Wala ka namang kasalanan."
Umayos siya ng upo at inalis ang pagkakayakap sa akin. Tumingin siya sa akin.
"Feeling ko kasi kasalanan ko kasi umiiyak ka at tsaka feeling ko rin ay kailangan kong magsorry, ganon."
"Wala kang kasalanan. Sobrang bigat lang talaga ng pakiramdam ko kaya iniyak ko na lang."
Magsasalita pa sana siya nang dumating na si Eleazar at umupo naman sa kabilanng gilid ko. Binalot kami ng katahimikan at tanging hangin lang na dumadaan sa amin ang naririnig namin.
"Ang ganda ng dagat 'no?" Pagbasag ko sa katahimikan.
"Mas maganda ka sa dagat kapag ngumiti ka na, Ate Diana." Saad ni Eleazar.
"Huwag mo nga akong bolahin." Saad ko nang nakatingin pa rin sa dagat.
"Totoo yung sinabi ni Eleazar, Ate Luna." Saad naman ni Isaiah.
"Alam mo ba, Ate, tuwang- tuwa ako nang makita kitang ngumiti at tumawa ulit tapos sa vlog mo pa ha. I guess my birthday wish every year is now fulfilled." Saad ni Eleazar at ngumiti sa akin.
Para siyang si Sol.
"Natutuwa rin ako na may lalaki nang nagpapasaya sa'yo at hindi ka hahayaang mapagisa. Mabait na tao si Kuya Dwight at alam kong kaya ka niyang gawin ang lahat maging masaya ka lang." Saad niya ulit.
"Nagtataka nga ako eh kung bakit ba bumalik si Ate Luna dito eh-" Napatigil sa pagsasalita si Isaiah nang tumingin kaming dalawa ni Elazar sa kanya. "Ang ibig kong sabihin ay kung masaya siya doon, sana nagstay muna siya doon kahit konti."
"Akala ko ayaw mo na ako dito." Sagot ko at umismid.
"Kahit kaya suplada ka, gusto naming nandito ka." Pagbawi naman niya.
"Okay lang naman na bumalik si Ate Diana dito eh, nandito din naman si Kuya Dwight, yiee!" Saad ni Elazar.
"Ano?! Nandito si Sol?!" Sigaw ko.
"Oo, uulitin pa ba niya?" Saad naman ni Isaiah.
"Pa- Paano?"
"Hindi mo alam? Akala ko alam mo." Saad ni Eleazar. "Wait, iko- contact ko lang tapos magkita kayo."
Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan si Sol. Ako naman ay hindi mapakali.
"Yay! Kilig naman si Bakla!" Saad ni Isaiah sa pang- baklang boses at tumili pa.
Minsan talaga ay hindi ko maintindihan ang lalaking ito. Hindi ko rin maintindihan kung ano ang nasa utak nito pati ang mga galawan niya. Masyadong magulo ang taong ito kaya hindi ko na lang rin iniintindi.
Nang sinagot ni Sol ang tawag ay lumayo naman sa amin si Eleazar at kinausap si Sol. Napadabog naman ako. Napakadamot!
Itinuon ko na lang ulit ang tingin ko sa dagat. Maya- maya ay umupo na siya sa tabi namin.
"Anong sabi-"
"Sorry daw, busy daw siya."
"Baka niloloko mo lang naman ako na nandito si Sol." Saad ko.
"Hindi ah, nandito kaya siya." Sagot naman ni Eleazar.
Nagusap- usap pa kami tungkol sa mga buhay- buhay namin. First time naming gawin ito. Siguro ay ganon na kamature ang utak nila kaya naiintindihan ko na sila kahit papaano at naiintindihan din nila ako.
"Bakit ka pala nagvlog na lang, Ate? Ibig kong sabihin bakit nagvlog ka na lang imbes na magabogado?" Saad ni Isaiah sa akin.
"I was very determine to be a lawyer. Wala akong ginawang iba dati kung hindi ang mag- aral ng kung ano- anong batas, strategies or whatever it is that is about being a lawyer. Pumasa na rin ako sa bar exam. I really want to be a lawyer. I've became a lawyer for two years, I guess." Napabuntong hininga ako nang mapagtanto na grabe pala talaga yung nasayang ko. "But one time, I started to make vlogs just for fun. Feeling ko kasi mag- isa ako sa buhay and I don't have somebody to talk to with my experiences in life. Doon ko nakita yung saya, that's why I continued. Pero hindi ko namamalayan, unti- unti ko nang binitawan yung gusto ko talagang profession."
"I am scared to go back. Baka kapag bumalik ako, walang tumanggap sa akin." Dagdag ko pa.
Binalot kami ng katahimikan kaya narinig namin ang ingay sa baba. Napagdesisyunan na naming bumaba.
"Huwag kang matakot bumalik sa bagay na gustong- gusto mo talaga." Saad ni Isaiah at tinapik ako sa braso.
Ngumiti ako sa kanya at kumindat naman siya. Bwisit talaga 'to. Nang makababa kami ay mas lalo akong naintriga kung bakit ang ingay dito sa baba.
"Kumain ka ng marami ha?" Rinig kong saad ng nanay ko.
Nagulat kaming tatlo nang makita ang bisita. Lalaki siya at unang tingin palang ay makikita mo na na may ibang lahi ito. Manghang- mangha ako sa taas ng nose line niya. Ang ganda ng mata niya at ang ganda din ng mapula niyang labi. Dumagdag pa sa kagandahan ng hubog ng mukha niya ang perfectly- defined jaw niya.
Sumunod naman ito sa nanay ko. Kumain nga ito ng marami. Habang kumakain ito ay bumabakat ang mga muscles niya sa braso at ang ganda nang paggalaw ng panga niya.
Napabaling siya ng tingin sa amin.
"Ate Luna, baka may pumasok jan na langaw sa bibig mo." Saad ni Isaiah.
Hindi ko namamalayan na nakanganga na pala ako kakapanood sa kanya kaya itinikop ko ang bibig ko at umupo na lang sa sofa sa sala. Kinuha ko na lamang ang cellphone ko at nagscroll sa iba't ibang social media apps at sites para kunyare may ginagawa talaga ako.
Naramdaman kong may umupo sa tabi ko at mas lalo kong binusy ang sarili ko. Kahit pagreply sa bawat comment na nasa posts ko ay ginawa ko.
"Busy or nagbi- busy- busyhan?" Tanong niya pero hindi ko siya pinansin. "Matagal na nga kitang hindi nakakausap at hindi nakikita, ganyan ka pa sa akin."
Tiningnan ko siya at nagbuntong- hininga.
"Bakit ba nandito ka?" Tanong ko.
"Binibisita ko lang girlfriend ko." Saad niya at hinawi ang buhok ko.
BINABASA MO ANG
Sana'y Sa Susunod (LADS #1) // (Completed)
Romance(Liwanag at Dilim Series #1) Si Louisa Diana 'Luna' Caison ay isang sikat na vlogger. Sa gitna ng kasikatan niya ay may naganyaya sa kanya na photogapher para sa isang photoshoot. Everything went smooth not until she went back to her home and real...