Kabanata 21

263 14 1
                                    

Nang kumalma si Theo ay nanatili na muna kami doon ng ilang saglit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nang kumalma si Theo ay nanatili na muna kami doon ng ilang saglit. Tumingin sa akin si Theo.

"Tara na?" Saad niya.

"Take your time,"

"Okay na, ayos na ako."

Tumayo siya at inalalayan akong tumayo. Nagmaneho siya sa isang subdivision na nadaanan na namin.

"Pupunta tayo sa bahay natin," Saad niya.

"Bahay natin?"

"Sa tingin ko'y nakalimutan mo, I said it to Dad. 'Diba sabi ko last week ay busy ako? Actually pinatapos ko ang bahay na yun."

"What?" Saad ko at napatingin sa kanya. "Akala ko ay nagsinungaling ka lang sa Daddy mo kagabi."

"Kailan ba ako nagsinungaling?"

Hindi ko na lamang siya sinagot at hinintay na makarating kami roon. Tumigil siya sa harap ng isang eleganteng bahay. Nang makababa ako ay napanganga ako.

Ang bahay na iyon ay may dalawang palapag, puro ito glass doors at windows. Nakakamangha ang pagkakagawa nito. Binuksan niya ang gate. Mas lalo akong namangha nang makita na ang theme bg bahay na ito ay halong modern at vintage.

"Teka lang, naiiyak ako." Iyon na lamang ang nasaad ko.

Kinapitan ni Theo ang kamay ko. Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhaan siya ng litrato habang nakatalikod sa akin at nakakapit sa kamay ko. Napaharap siya sa akin at nang nakita na kumukuha ako ng litrato ay ngumiti pa siya.

Napaluha na ako sa tuwa nang makita ang loob nun. Enggrande masyado ang interior nun. Pinaglaanan talaga ng malaking pera. Naroon na din ang painting na nasa penthouse niya.

Umikot- ikot na muna kami sa buong bahay at nang mapagod ay pumunta na sa master's bedroom. Napahiga ako at siya naman ay tinaggal ang sapatos ko. Kinuha ko ang cellphone ko at inupload sa mga socmeds ko ang mga litratong kinuha kanina.

Napatigil ako sa pagpindot nang hindi makaisip ng caption. Naramdaman kong sumilip si Theo sa cellphone ko.

"Home," Saad niya. Tumingin ako sa kanya. "You are my home."

Ngumiti ako sa kanya at cinaption ang 'home'. Dumami agad ang likes at comments nun. May isang comment doon ang napansin ko.

YOU ARE ENGAGE WITH CHEF THEO?! I'M SO HAPPY FOR YOU.

Nilike ko iyon at nagreply.

Yup! Thank you!

Tumingin ako kay Theo at ngumiti kami sa isa't isa. Sa totoo lang, sa anim na taon naming relasyon ay hindi kami nagaupload ng ganito. Mas pinili naming maging low- key kumbaga.

"Gusto ko rin mag- upload," Saad niya at ngumuso.

"Gusto ka ba?"

"Hindi pero gusto mo ako that means my everything likes- loves me."

Napangiti ako nang bumanat siya ng ganon. Umupo ako. Umupo siya sa likod ko at ipinatong ang ulo niya sa balikat ko. Hinayaan ko na lamang siyang gawin yun. Nag- scroll na lamang ako sa socmeds ko. Nag- notification sa akin na tinag ako ni Theo sa isang post.

Tiningnan ko siya ng masama nang makita kung ano ang inupload niya.

"Napakaseryoso mo kasi," Saad niya.

Sinamaan ko lalo ang tingin sa kanya. Tumawa siya naman siya. Sa loob- loob ko ay natutuwa rin ako dahil tumatawa na siya. Nakakagaan ng loob makita siyang tumawa.

Pinost niya ang picture naming dalawa na selfie. Siya ay nakangiti sa camera at ako naman ay busy sa pagse- cellphone.

"Yan! Kaka- cellphone mo yan!" Saad niya at tumawa.

Napanguso na lamang ako para pigilan ang ngiti ko. Ewan ko ba, sa buong buhay ko, kapag ngumiti o tumawa na si Theo hindi ko na napipigilan ang sarili ko.

Napagdesisyunan naming kumain sa isang fast food chain. Natatawa pa ako sa mga ginagawa ni Theo dahil naalala niya raw nung nag- amin daw kaming dalawa ba mahal namin ang isa't isa.

Pinili namin ang lamesang malapit sa glass sides nun at doon kumain. Nag- usap pa kami ng bagay- bagay. Nang matapos sa paguusap ay bumalik kami sa bahay nila at kinuha lamang ang mga gamit. Bumalik rin kami sa bago naming bahay at doon na muna nanatili.

Kinabukasan ay bumisita ang mga magulang ni Theo sa bahay namin. Pinagluto pa kami ni Tito.

"Kailan na ang kasal?" Tanong ni Tita.

"Next next month po, Mama." Sagot ni Theo.

"Tama, magaasikaso pa kayo eh. Anong mga kailangan niyo? Tutulungan ko na kayo."

"Huwag ka nang mag- abala, Ma. Ako na ang bahala." Saad ni Theo.

Nanatili kami doon ng ilang araw at bumalik rin sa Maynila. Bumili pa ako ng mga pasalubong para kay Oliver, peace offering kumbaga.

Hinatid lamang ako ni Theo sa bahay nila Oliver at bumalik rin sa opisina niya dahil meron siyang meeting. Kumatok ako sa pinto at bumungad sa akin ang isang babae.

"Magandang hapon po," Saad niya at parang kinakabahan pa.

"Magandang hapon, nasan si Oliver?"

"Na- nasa loob po. Pasok- pasok po kayo."

Tumango ako sa kanya at pumasok na sa loob.

"Ate Luna!" Sigaw ni Oliver mula sa pangalawang palapag ng bahay nila.

Ipinakita ko sa kanya ang dala- dala at dumeretso sa dining. Sumunod naman siya sa akin. Ang babaeng sumalubong sa akin kanina ay naupo na lamang sa sofang nasa sala.

"Sorry," Saad ko kay Oliver at ibinigay sa kanya ang mga pasalubong.

"Sorry din, Ate. Nadala lang ako-"

"Okay lang." Saad ko at bumaling sa babae. "Sino yun?"

"Gi- girlfriend ko, Ate- Ate Luna."

"Kaya pala magshota kayo kasi parehas kayong nauutal?" Pang- aasar ko.

"Grabe naman 'to."

Lumapit siya sa babae at pumunta sila sa may sa akin.

"Ate Luna, si Julian, girlfriend ko." Pormal na saad ni Oliver. "Julian, si Ate Luna, pinsan ko."

Natawa naman ako sa kung paano niya binigkas ang mga katagang iyon. Para bang pinapakilala ang kasintahan sa nanay niya.

"Nice meeting you," Ako na ang naglahad ng kamay dahil alam kong kanina pa siya kinakabahan.

"Nice meeting you rin po." Tinaggap niya ang kamay ko.

Pinaupo ko silang dalawa sa harapan ko at tinanong ng mga kung ano- ano.

"Actress po ako sa teatro." Saad ni Julian.

"Oo?" Di makapaniwalang saad ko.

"Opo hehe,"

"As far as I know, mahirap sumali sa teatro at mahirap gumawa ng buong play."

"Opo, ganon nga po pero kapag tulong- tulong naman po kami ay kinakaya naman po."

"I guess dapat pala kitang makita magperform?" Saad ko at tumawa para pagaanin ang sitwasyon.

"Opo, sasabihan ko po si Oliver kapag may play po kami tapos ako na po ang bahala sa pass or ticket mo po." Saad niya at ngumiti.


Sana'y Sa Susunod (LADS #1) // (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon