Part 1

4.5K 59 3
                                    



"AGUSTIN!" umalingaw-ngaw sa pasilyo ng school corridor ang matigas na boses ng Students' Council President. Ang gwapo, dean's lister, campus crush, at estriktong si Wesley Jimenez.

Lahat ng mga estudyanteng nanonood sa kanya kanina pa ay nalipat ang tingin dito na may mga excitement sa mata at naghihintay sa susunod na  mangyayari.

Nakatayo si Wesley, na di kalayuan sa kanya na madilim ang mukha at kunot na kunot ang noo, halatang nagpipigil ng galit. Napabitaw si Hillary sa kwelyo ng lalakeng binubugbog niya kaya bumagsak ito sa sahig. Lang'yang buhay naman to oh nandito pa pala si Wesley.

Napapalatak siya. Hindi naman niya kasalanan, pauwi na sana siya ng makita ang lalakeng may binabastos na babae. Gumana na naman kasi ang pagiging pakealamera niya, siya na naman tuloy ang mapapahamak.

"Lagooooot." magkakasabay na bigkas ng mga taong oshosero.

"OFFICE! NOW!" may diin sa bawat salitang binitawan nito.

"At bat naman kita susundin?" hamon niya dito.

"Dahil kapag di ka sumunod you will be punish." seryosong wika nito.

Natigilan siya, alam na niya ang sinasabi nitong parusa tulad ng paglilinisin siya ng cr ng girls, magkukuskos ng dingding ng mga estudyanteng mahilig mag vandalism, ima-map ang buong court at kung ano-ano pa.

"You woudn't dare."

"Watch me. Hindi dahil ninang mo ang may-ari ng school na to exempted ka na rin sa parusa I have all the rights too."

"Bakit ako ang parurusahan? Dapat ang lalakeng ito! Pinagtanggol ko lang naman ang babaeng hinaharas niya." turo niya sa lalakeng nakahandusay sa sahig at walang malay. Gusto pa sana niya itong bigyan ng isang tadyak, nang-gigigil kasi talaga siya sa pag mu-mukha nito.

"You're the Secretary of the SC you should have known by now that violence is prohibited in this school. Ilang taon ko ng sinasabi sayo yan pero hanggang ngayon di mo parin masunod sunod."

Oo nga naman. Hindi nga lang si Wesley ang nagpapaalala sa kanya dahil marami pang iba. Eh ano bang magagawa ko kung magnet ako sa mga ganitong bagay.

"Fine." suko niya.

Tinapunan muna niya ng nakakamatay na tingin ang mga oshosero kaya para itong mga langgam na sabay sabay nagsipulasan bago pinulot sa sahig ang backpack at isinukbit sa balikat.

Sanay na ang mga school mates nila sa madalas nilang pag ca-clash. Sa araw-araw ba naman na ginawa ng diyos walang mintis ang pagsasagutan nilang dalawa, para pa bang natutuwa ang mga ito tuwing magkakaharap sila.

Sinundan nalang niya ang nauunang maglakad na si Wesley.

*=*=*=*=*=*=*=*

KASASARA palang niya ng pinto ng SC Office ngunit pag harap niya ay mukha ni Wesley ang sumalubong sa kanya, sobrang lapit nila sa isat-isa as in face to face kaya halos maduling na siya.

"Ano na naman ba yun Hillary? Gumawa ka na naman ng gulo sa labas." hindi na ito galit, normal na ang tono ng boses nito.

Ganito naman lagi sila, sa harap lang ng ibang tao kayang kaya siyang pagalitan at sigawan nito. Pag silang dalawa nalang animo'y ibang Wesley ang nasa harap niya, at ganun rin siya. Pwede na silang maging artista sa totoo lang.

Kailangan nilang gawin yun. Ayaw nilang pagdudahan sila ng mga kapwa estudyante nila na merong namamagitan sa kanila dahil makakarating iyon sa mga ama nilang mahigpit na magkaribal sa negosyo. Ginagawa nilang magpanggap na kinasusuklaman ang bawat isa, sa paraang yon nagkakaron sila ng rason para makapagsolo lalo na dito sa SC Office.

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon