Gabi ang byahe namin papuntang Banaue. Nasa isang bus kaming lahat. Si Faye ang katabi ni Darren. Ayaw nga sana ni Faye pero dahil nakita niyang si Wesley at tsokolate ang magkatabi ay pumayag din siyang kami na ang magtabi ni Zack."Bakit ba may mga sabit ditong di naman sa school natin nag aaral?" parinig pa niya.
Tahimik nalang akong pumunta sa pwesto ko at sumandal sa bintana.
"Di parin kayo nag-uusap?" tanong ni Zack sa tabi ko.
Isang linggo na rin kasi ang nakalipas. At nagtatampo parin ako. Para rin kasing walang pakialam si Wesley na hindi kami okay. Hindi manlang nga niya ako ma text o tawagan. Anong klase yon? Basta talaga ang babaeng yon ang dahilan parang nag iiba si Wesley.
"Mukhang ayos lang naman sa kanya. Tignan mo nga kanina nakakangiti parin sa hitad na yon."
"Masyado kang selosa. Bat di mo nalang kaibiganin? Sakin nga pinagsiksikan mo ang sarili mo."
Simula ng gabing nag bahagi si Zack ng parte ng buhay niya ay hindi na siya malamig sakin. Kaswal ko na siyang nakakausap ng matino.
"Zack, pinipili rin ang kakaibiganin. Kung ganyang alam mong pa-plastikin ka lang bat mo pa pag tyatyagaan. Tsaka sinabi niya! May balak siyang agawin sakin ang isang yon."
"Sinabi mo sa kanya?"
"Oo, at di siya naniwala. Baka nagbibiro lang daw. Nakakainis! Nakakairita! Bahala na nga sila, basta ako mag e-enjoy muna."
"Ganyan ba kayo dati pa?"
"Hindi. Ngayon nga lang to. Di naman kasi ako nag seselos dati kahit na maraming nagpapapansin sa kanya kasi di naman niya inientertain."
"Di niyo pareho alam kung pano ihandle. Ganun rin siya, kung makatingin sakin parang gusto akong sapakin. Dahil ba ngayon ka lang din nagkaron ng kaibigang lalake?"
Tumango ako."Siguro nga parehong bago sa pakiramdam namin."
"Kung hindi niyo alam kung pano i-work out yan malamang lagi nga kayong mag away. At malamang maghiwalay kayo."
"Hiwalay agad? Grabe ka!" protesta ko na ikinatawa niya.
"Kasi lumalabas na wala kayong tiwala sa isa't-isa."
"Malaki ang tiwala ko kay Wesley. Dun sa higad wala! Pinagsasamantalahan niya ang pagiging mabait ni Wesley."
"Ginagawa mo nalang excuse yan. Pero ang totoo may parte parin sayong natatakot na pumatol nga si Wes."
Dun ako natahimik. Dahil kahit ideny ko ay tama si Zack.
"Nakakagutom! Gusto mo ng pringles? Cheetos? Piatos? Pik-nik? Boy bawang? Lays? Chocolate? Sandwich?" nilabas ko isa isa ang laman ng back pack ko at nilagay yun sa kandungan ni Zack.
"Dinala mo ba ang buong grocery store?"
"Ayoko lang magutom."
"Ako Hill gusto ko! Penge!" sigaw ni Faye na katapat lang namin.
🌸🌸🌸
9AM ng makarating kami ng Banaue. Bumaba kami ng bus at muling sumakay sa Van. Dahil 18 ang lahat ng nakasama ay tatlong Van ang inarkila nila para dalhin kami sa tutuluyan. 30 minutes lang daw ang byahe.
Nang makababa naman ng Van ay kailangan naming maglakad ng another 30 minutes. Home stay ang pinili nila kaya halos limang bahay n magkakalapit ang nirentahan. Bawat bahay kasi ay may tatlong kwarto na.
Magkakasama kaming tatlo nila Faye at Zack sa isang kwarto. Magkatabi kami sa medyo malaking kama ni Faye habang si Zack naman sa solo. Sila Darren, Wesley at tsokolate naman ang mag kakasama. Nasa iisang bahay lang kami. Buti nalang at nandun si Darren dahil mahirap na at baka gapangin pa ng ahas si Wes pag natutulog.
Nakakagigil. Ang arte arte pa niya kaninang pagod na daw siya at ang bigat ng bag niya. Imagine 10 minutes palang kami naglalakad nun! Edi sana di na siya sumama so she could spare us her kaartihan! Ihulog ko siya sa bangin pag di siya manahimik! 2 days pa naman kami dito. Baka di ko matagalan ang bunganga niya.
"Guys, kumain na muna tayo tapos mag pahinga ng isang oras. Pupuntahan natin yung falls." Anunsyo ni Wesley sa lahat.
Tabi tabi kaming tatlo nila Faye sa mahabang kahoy na upuan at ganun din ang tatlo na kaharap namin ngayon.
May menu ang bawat Home stay dito kaya pwede ka mag order ng gusto mong kainin. Medyo may kamahalan nga lang. Pare parehong omelet with rice at coffee ang inorder namin.
"Di mo ba gusto?" bulong sakin ni Zack ng mapansing hindi ko naman masyado kinakain yung akin.
"Wala lang akong gana." bulong ko pabalik.
Sino ba naman ang gaganahan kung yung kaharap mo ay kulang nalang magsubuan.
"Wag mo na kasi sila pansinin. Isipin mo nalang wala sila."
"Yung ganyang tarsier ang nasa harap natin? Ang hirap gawin. Burahin mo muna ang mukha niya."
"Loka-loka. Pilitin mo nalang kumain."
Masama ang tingin sakin ni Wesley ng makita ang pagbubulungan namin na ginantihan ko naman ng irap. Nag sisintir talaga ang kalooban ko.
Nag tangka pang makipag usap ni tsokolate kay Zack pero tong isa naman parang wala lang narinig na lihim kong ikinatuwa. Very good talaga tong new friend ko e. Napahiya tuloy si gaga.
Nagpalit kami ng damit dahil malayo layo daw ang lalakarin namin para makarating ng falls. Naunan ng lumabas sila Faye dahil nakapag bihis na ang mga ito. Nagpalit lang ako ng shorts tapos manipis na shirt. Medyo mainit pa kasi ngayon. Naglagay din ako ng sumbrero. Pag labas ko ng kwarto ay nagulat ako dahil may humila sakin at dinala ako sa isang sulok.
"What the-Wesley!"
Sinuri niya ako mula ulo hanggang paa. "Ano sa palagay mo ang suot mo?"
"Bakit? Di mo alam ang tawag dito? Ngayon ka lang ba nakakita ng shorts?"
"Wag mo akong pilosopohin. Pumasok ka dun at mag palit ka! Ang iksi iksi niyan!" Namumula ang mukha nito.
"Ayoko!" I crossed my arms.
"Hindi ako nakikipag biruan sayo Hillary pumasok ka sa kwarto at magpalit ka ng kahit leggings." natigil kami ng may dumaan hindi malayo samin. At ang tsokolate! Kulang nalang mag bra at panty!
Tinaasan ko siya ng kilay. "Bat di kaya ang KAIBIGAN mo ang pagsabihan mo. Baka lamigin siya."
"Tss.. Wala naman akong pakealam kung anong suotin niya. That's her choice. Pero sayo malaki ang pakialam ko kaya magpalit ka na. Madamo pa ang dadaanan mamaya baka mangati ka." she could hear concern in his voice. Medyo natuwa siya pero di niya parin pinahalata.
"Oo na! Bwisit!" padaskol ko siyang iniwan at muling pumasok sa kwarto at nag palit.
BINABASA MO ANG
Taking Chances
ЧиклитPag di ka pa handang masaktan, hindi ka pa handang magmahal. Are you brave enough? 🌸 Medyo magulo pala ang pagkakasulat ko nito. I'll edit this pag sinipag kayo. Nasa inyo nalang kung makayanan niyong basahin.