Part 14

798 19 0
                                    


Lahat kami ay basa habang pabalik sa tutuluyan namin. Maramihan lang ay may pag nakapatong na jacket para di masyadong lamigin. Hapon na rin kasi at lumalamig na ang hangin.

Ang sabi ng guide ay sa short cut na raw kami dadaan pabalik. Kanina lang kasi ay gusto ng lahat makita ang magagandang tanawin. Kaya dahil shortcut mas mahirap na ang mga dinadaanan namin. Mababato, madadamo at madudulas. Hirap na hirap ako lalo na't first time ko nga sa ganito. Buti nalang nakaalalay sakin si Zack. Ang magaling ko kasing kaibigan na si Faye ay nauuna na.

"Sige na Zack mauna ka narin. Kaya ko na."

"Sure?"

"Oo."

Nauna na nga ito pero maya maya namang lumilingon.

Nasa pasukal na ang tinatahak namin. May mga bato na pwedeng apakan. Para kasing mini ilog na pataas ang daan kaya pag nadulas ka sa bato basa at putik ka for sure.

Natigil ako ng medyo malayo ang agwat ng batong paglilipatan ko. May kamay naman na biglang lumitaw sa harap ko.

"Hawak na."

Inabot ko ang hamay niya ng walang reklamo at tumalon papunta sa kanya. Nagkabungguan kami kaya napakapit ako sa leeg niya at siya naman sa likuran ko.

"Ang sweet niyo naman." napalingon kami sa pinanggalingan ng boses.

Si tsokolate yon, at di siya mag isa. Behind her was Wesley na blangko ang mukha. At ang iba pa naming kasama.

"Ayeeee... Kayo haaaaa..." pang aasar pa ng mga to.

Dun lang kami napabitaw sa isat isa. Binatukan ko rin si Zack para matanggal ang awkwardness.

"Tinulungan na nga kita nambatok ka pa."

"Bilisan mo na mag lakad." umismid ako.

"Ikaw ang mabagal dyn."

Buong lakad namin pauwi ay dinig na dinig ko ang mga pag papaalalay ni Tsokolate kay Wesley dahil nauuna lang ako ng konti sa kanila. Ngunit dahil sa pinag usapan namin kaninang wag ng paiiralin ang selos ay ipinagsawalang bahala ko nalang yon.

*=*=*=*=*

Tapos na kaming mag dinner. Busong na busog kami sa kinain namin. Nakatambay parin kami sa labas ng tinituluyan namin para magpatunaw ng kinain.

"Uy girl ano na kayo ni Wes? Talagang ginawan ka pa ng paraan ni Zack para lang magka moment kayo." pag uusisa ni Faye.

"Sabi na sinadya mo yon!" turo ko kay Zack na nakasandal sa isang tabi.

"I got bored."

"Ang sabihin mo mabait ka lang."

"I'm no where near nice." pagsusungit niya.

Itong lalakeng to ayaw pa aminin. Dinadaan nalang lagi sa kasungitan.

"Ano na nga Hill? Ano sabi niya sayo?" Pangungulit ng kaibigan.

"Basta bati na kami."

Tumango naman ito. Naintindihan sigurong ayaw ko na magkwento. "Okay na sana ang lahat kung wala lang ang higad dito. Nakapag bonding pa sana kayo ngayon dahil tayo tayo lang dito."

"Wag na natin siya isali sa usapan at nababad vibes ako."

"Tama... Ay may gitara oh! Saya siguro kung may tutogtog."

Niyogyog ko naman ang nakapikit ng si Zack. "Tugtog ka naman! Dali! Show your talent."

"Wow... Marunong ka Zack?" namimilog ang matang tanong ni Faye.

"Nako! Ang galing niyan! Baka mainlab ka pag nakita mo!" pagmamalaki ko naman.

"Talaga????"

"Wag mo kong tignan ng ganyan bawal magkagusto sakin." babala nito.

Humaba ang nguso ni Faye. "Bakit naman?"

"Wala na akong puso."

Naguguluhan bumaling sakin si Faye. Nagkibit balikat ako. Hindi ko naman pwedeng ikwento sa kanya ang nalalaman ko. I respect privacy.

"Kung wala kang puso bat buhay ka pa?" Ayaw paawat ng kaibigan niya. Haha!

"Di rin ako sigurado. Baka alien ako."

"Kamag anak mo si Darren kung ganun."

Napatikman naman ang isa ring nananahimik na Darren na hanggang dito ay may dalang laptop at tumitipa. Nakikitambay rin ata. Si tsokolate kasi nasa kwarto nila. Si Wesley naman pinuntahan ang iba naming kasama.

Nagpanggap na nagulat si Faye. "Omg! Kasama ka pala namin? Akala ko aparesyon ka lang!"

"Tantanan mo nga si Darren. Ikaw talaga! Ganyan ba pag may mga hidden desire?" pag gatong ko.

"If it's desire to kill you are right." bagot na bagot na sagot naman ni Darren.

Natawa ako dahil sa itsura ni Faye na di makapaniwala. Para siyang napipi.

"Awat na. Zack kasi mag gitara ka na." Pilit ko.

Tamad naman siyang sumunod at kinuha ang gitara.

"What do you want?"

"Faye, ano gusto mo dali." pam palubag loob ko.

"Hmm... Gitara! Parokya!"

Sinasabayan namin ng kanta ang pag gigitara ni Zack. I was actually having fun. Aliw na aliw ako dahil unli gitara na si Zack. Sunod sunod kasi ang request ni Faye na pinapaunlakan naman ng isa.

"Ay Zack alam mo yung As long as you love me? Ituro mo nga sakin kung pano yon." tanong ko.

Inabot niya sakin ang gitara, naka harap siya sakin at tinuturo ang mga cords. Nanonood lang samin sa Faye.

"Mali. Ganito nga kasi." tila nauubusan na ito ng pasensya.

"Ang hirap naman!"

"Tsk." Lumipat si Zack ng pwesto sa likod ko at inalalayan ang kamay ko.

Mag s-strum pa sana ako ng may tumikham sa tabi namin. Napaangat ako ng ulo at nakita si Wesley na tiim bagang na pinapanood din pala kami,

Napalunok ako sa paraan ng pagtitig niya.

"Pwede ko bang mahirap ang GIRLFRIEND ko?" may diin talaga ang salitang girlfriend.

Kusa na akong tumayo. Agad naman akong hinila nito at dinala sa may bandang likod ng bahay.

"Ano sa tingin niyo ang ginagawa mo? I think you are getting to comfy with him."

"Nagpapaturo lang naman ako."

"Bat hindi sakin? Gad, Hillary! You are being unfair!"

"Hindi naman pwede tayong makita na ganun e. Diba nga dapat di tayo makitang nag uusap ng matagal dahil baka pagdudahan tayo."

Nag lakad ito pabalik balik sa harapan ko na parang may bagay na hinahanap.

"Fuck it! I can't do this Hillary. Hindi ko pala kaya. Pinilit ko pero tuwing magkalapit talaga kayo naninikip ang dibdib ko. Dapat tayo lang ang gumagawa ng mga ganung bagay."

"Anong gusto mong gawin natin?"

"Let's just tell them. Hindi naman ako takot sa Dad mo. Kaya ko na siyang harapin kung sakali mang pigilan nila tayo."

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon