Walang sabi sabing tumakbo sila patungo sa lugar kung saan narinig ang putukan.She could feel the adrenaline pumping in her veins. Ganito lagi ang nararamdaman niya tuwing alam niyang masasabak siya sa bakbakan.
Hindi malayo ang tinakbo nila. Isang kanto lang mula sa salon ni Faye ang nagaganap na putukan.
Isang armored car ang una niyang nakita at harap nito ay isang itim na van na may apat na lalake na namamaril dito. Syempre walang magawa ang tao sa loob nun dahil hindi yon magbubukas kahit anong mangyari kaya wala itong kalaban laban. Bullet proofed naman iyon kaya hindi basta basta matatamaan ang tao sa loob. Ang kaso ay magagandang kalibre ng baril ang gamit ng mga nagtatangka dito. Hindi basta basta iyon kaya di imposibleng tumagos iyon sa loob.
Nagsenyasan sila ni Teban. Kinuha niya ang baril at ikinasa. Mabilis silang kumilos, kumubli sila sa isang kotse na malapit at sinimulang gumanti ng putok sa mga ito.
Sa unang pag putok niya at bumulagta ang isa nitong kasamahan. Dun naalerto ang iba kaya pinaulanan tuloy sila ng mga ito.
"Nice shot!" Nagawa pa siyang batiin ni Teban.
Kumilos na sila dahil tadtad na ng bala ang kotseng pinagtataguan nila. Magkahiwalay silang gumulong at muling nakipag palitan ng putok. Nag reload siya. Pinuntirya niya ang isang lalake na kanina pa siyang ayaw tigilan kaya ayon sapul sa dibdib. Napabagsak na rin ni Teban ang isa. At dahil isa nalang ang natitira ay muli itong pumasok sa sasakyan at umaktong tatakas. Pinulot nila ang mga armas na gamit nito at yon ang ginamit sa papalayong sasakyan. Malas lang dahil nakaliko na ito at sobrang bilis ng sasakyan. Wala silang magamit na kahit na ano na pwedeng panghabol.
"Natakasan tayo!" inis niyang sigaw.
"Icheck natin ang armored car nabasag na ang salamin nila sa harap baka may natamaan sa tao sa loob." Saad ni teban. Tumango siya at sumunod.
Bukas na ang pinto sa may driver's seat. Nakita niya sa lapag ang isang taong may tama sa balikat.
"May tama ang isang to." Sigaw niya.
"This one is dead." sigaw naman nito pabalik.
Sinuri niya ang tama sa balikat ng lalake. Hindi naman ganun iyon kalalim. Ang kaso ay may edad na ang lalake at madami ang dugong lumalabas. Kinuha niya ang panyo at nilagyan ng pressure ang tama nito.
"Naririnig ko na ang ambulansya. Kaya mo pa ba?" tanong niya. Tumango naman ito.
🌸🌸🌸
"Another job well done PO3 Agustin and SPO2 Arnais. Dahil nandun kayo ay hindi natuloy ang binalak nilang kunin ang laman na pera ng armored car na iyon, ilang milyon din ang laman non." bati sa kanila ng Hepe.
Nasa loob sila ng opisina nito.
"Wala bang nakahabol dun sa isang nakatakas Chief?" Tanong niya.
"Hindi agad nahabol dahil huli na ang mga nag radyo. Nakita naman ang van pero wala na dun ang lalake. Iniwan nalang sa labas ng abandonadong gusali."
"Yung lalakeng nabaril sa balikat kamusta na po?" tanong ni Teban.
"Maayos naman nagpapahinga nalang sa ospital. Nagpapasalamat sa pagliligtas niyo."
"Okay naman pala. Pano Chief kailangan ko na umalis alam niyo namang leave ko na ngayon baka uminit na naman ang ulo ng misis ko." paalam ni Teban.
"Labas na rin ako Chief wala narin naman akong sasabihin." paalam niya rin. Tumayo na siya mula sa pagkakaupo ng pigilan siyang hepe.
"Magpaiwan ka." may katigasang usal nito.
Sumaludo lang si Teban at pasipol sipol pang lumabas.
BINABASA MO ANG
Taking Chances
ChickLitPag di ka pa handang masaktan, hindi ka pa handang magmahal. Are you brave enough? 🌸 Medyo magulo pala ang pagkakasulat ko nito. I'll edit this pag sinipag kayo. Nasa inyo nalang kung makayanan niyong basahin.