21

941 22 0
                                    


Dalawang linggo ang muling lumipas. I stopped going to school dahil ni wala akong lakas na lumabas ng kwarto ko. Ilang beses akong kinausap ng parents ko ngunit wala naman silang nagawa. Kumakain ako hindi dahil gusto ko kundi dahil umiiyak si mommy sa harap ko tuwing di ko manlang binabawasan ang dinadala niya.

Tuwing pagkatapos ng klase at duty ay dumidiretso si Faye sa bahay. Sa kwarto ko siya natutulog at kung ano anong dvd ang bitbit niya at pinapanood namin tulad ng, A walk to remember, If I stay, If only, etc. Lahat yung nakakaiyak. Hindi ko alam kung gusto niya ba akong maging okay o gusto niya akong mas malungkot pa.

Si Zack naman ay laging nagdadala ng ice cream at chocolates. Pampaganda raw iyon ng mode. Ang hindi niya alam ay si Faye ang kumakain nun lagi.

For the past 2 weeks araw araw ding pumupunta sa bahay si Wesley. Sadyang mabait lang ata ang parents ko at pinapapasok parin ito sa living room namin. I heard nag-usap rin sila ni dad pero di ko na inalam ang pinag usapan nila.

Ngayong araw ay nakapag pasya akong harapin na siya para tumigil na siya sa pag punta sa amin.

"I'm here. Talk." malamig kong wika.

"About what you saw. Hindi iyon katulad ng iniisip mo."

Pinagmasdan ko ang mukha niya. Maitim ang ilalim ng mata niya, magulo ang buhok at umimpis ang mukha niya. He look tired. Ngunit hindi iyon sapat para mawala ang galit ko sa kanya.

"Ang iniisip ko ay basi sa nakita ko."

"But it's not like that." napayuko ito at napahilamos.

"Of course it is. Listen, ganito lang yan. Kahit anong sabihin mo ay may nangyari parin. May nakita parin ako. At niloko mo ko. Now I know why. Kung bakit lagi mong pinapaboran ang babaeng yon. Kung bakit ako agad ang may kasalanan pag kaming dalawa ang sangkot. Kung bakit kahit ilang araw tayong nagkakatampuhan ay ayos lang sayo. Dahil ito sa kanya. Dahil may ginagawa pala kayong melagro sa likod ko. Ang galing galing mo!"

Balisa itong napailing sa mga sinabi ko."You got it all wrong, hindi yon ganun."

I inhaled deeply. "You know what Wesley you just made everything easier."

"What do you mean?" salubong ang kilay niyang tanong.

"I've been confused for the past weeks about my feelings."

"No. Dont even go there." may diin ang bawat bigkas niya ng salita.

But I want this. I what to end this. In a way na hindi ako ang mukhang kawawa. Kahit magsinungaling pa ako. Nababalot na ng sakit at galit ang puso ko, kahit papano ay gusto kong makaganti.

"Hindi. Kailangan mo tong malaman." sinugurado kong nakatitig kami sa mata ng bawat isa. "I fell out of love Wesley. Hindi na kita mahal. At dahil sa ginawa mo ay mas napatunayan ko lang na wala na akong ni katiting na nararamdaman sayo. Akala ko nung makakalaya na tayo sa parents natin ay okay na. Ang kaso nung wala ng bawal at wala na tayong pinagtataguan parang nawalan ng excitement. Na bored ako."

Pamait itong natawa. "Nag sisinungaling ka. Hindi yan totoo! Sinasabi mo lang yan dahil nasaktan ka! Mahal mo ako! Imposibleng biglang wala na lang? Ang labo mo Hillary."

"Bahala ka. Sinabi ko na sayo ang totoo."

"Kung totoo nga yang sinasabi mo, then tell me. Why did you cry? If you didn't love me anymore what are those tears for?"

Sandali akong natigilan.

"Simpleng nanghinayang ako sa pinag samahan natin." lalo ko pang pinatigas ang loob ko. Yung wala siyang makikitang emosyon sakin.

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon