NAPANGANGA ako ng makita ang lugar na pinag dalhan sakin ni Wesley. Nasa harap kami ng isang malaking puting bahay. It's a modern looking house na kulay puti lang at puro glass wall."Where are we? Tsaka kaninong bahay to?"
"We're in antipolo. And this house is mine... well ours, dito kita ititira pag kinasal na tayo." he said proudly.
"Totoo?!"
"Yes."
"Oh my god!" naitakip ko sa bibig ko ang isa kong kamay. "Ang ganda! San mo nakuha ang pambili nito?"
"You know that Darren and I have a small business right? Galing sa kita ko ang pinagpagawa ko dito, katatapos lang nito a month ago."
Sobrang saya niya. Di niya alam kung ano ba ang dapat sabihin sa nobyo. She kissed him on the lips and hugged him tight. "You're amazing."
"I just want to give you a house that you deserve." Inakbayan siya nito at pareho nilang hinarap ang bahay. "Soon we'll have our kids running around here." bulong nito sa kanya.
Kinurot niya ito sa may tyan. "Kids ka dyn! Ang advance mo mag isip ha."
"You have no idea babe. Wanna check what's inside?"
"Naman!"
Pagpasok nila ng bahay mas lalo pa siyang namangha, sobrang ganda sa loob at mukang kumpleto na ang mga kagamitan. Sobrang liwanag rin dahil nga sa glass walls. Mapapansin ring child friendly ang loob ng bahay dahil walang mga sharp edges siyang nakikita, muka talagang pinag-isipan.
"Sobrang ganda Wesley!" di niya mapigilan ang pagtili.
"Not as beautiful as you." bulong nito at inilagay sa likod ng tenga niya ang ilang hibla ng buhok niya.
"Bolero! Dito muna tayo."
"Actually we will spend our whole day here. I'll cook for you."
Nagsalubong ang kilay niya. "Hindi ba ako dapat ang magluto para sayo?"
"You can do that next time, for now ako muna ang chef."
"Sus! siguraduhin mong masarap ang lulutuin mo ha."
"Hindi ko maipapangakong mas masarap ang lulutuin ko kysa sakin." he said teasingly.
Pinalo niya naman ito sa braso. "Loko ka talaga! Magluto ka nalang." napahalakhak ito sa reaksyon niya.
"Dun ka na sa sala, just relax and watch a movie while I cook here."
"I'd rather watch you cook." she sat in one of the wooden stool behind the kitchen counter.
"Baka lalo kang ma in love sakin, ikaw din." sabi nito sabay kindat.
"May mas ika i-inlove pa ba ako sayo e mas higit pa sa sobra kitang mahal."
"Gusto mo bang katawan ko nalang ang ihain ko sayo?" mabilis na sagot nito sa kanya.
Pinandilatan niya ito ng mata. "Ang bastos mo chop chop-in ko yang katawan mo!"
"Babe kasi wag mo akong pinapakilig. Gawain ko dapat yan."
"He! magluto ka na nga."
"Nakakaconcious namang magluto kung may kasing ganda mong audience."
"Wesleeeeeey, gutom na ako."
He chuckled at sinuot na ang apron. "Sabi ko na nga magluluto na ako nakakatakot magutom ang anaconda mo."
I silently watch him cook. Hindi naman magaling magluto si Wesley kaya nakaka amuse ang panoorin siyang mag effort. Pinag-aralan pa siguro nito ang niluluto nya ngayon. Hindi rin naman ako magaling magluto pero dahil ginagawa namin ni mommy minsan na gawing pampalipas oras ang pagluluto may mga alam na akong lutuin.
BINABASA MO ANG
Taking Chances
ChickLitPag di ka pa handang masaktan, hindi ka pa handang magmahal. Are you brave enough? 🌸 Medyo magulo pala ang pagkakasulat ko nito. I'll edit this pag sinipag kayo. Nasa inyo nalang kung makayanan niyong basahin.