Restaurant
Nang dumating kami ni mommy ay nadatnan na namin ang tatlong taong nakaupo sa pina-reserved na table para sa aming lima. Pabilong ang mesang iyon.
Agad na tumayo si Wesley na makita silang papalapit.
"Hi babe you look lovely." humalik ito sa pisngi niya. She blushed. Pano naman kasi pinilit siya ng nanay niyang mag suot ng dress and doll shoes. She looked so girly.
"Kayo rin ho, kitang kita talaga kung kanino nagmana si Hillary, Ma'am." puri nito sa ina.
"Pleade call me Tita. And thank you for the compliment Wesley. Di nagkamali ng piniling lalake itong anak ko ang gwapo mo na. Dati kasi cute ka lang."
Naguguluhan namang tumingin sila sa ina. Ngunit bago pa man sila makapag tanong ay lumapit na ito sa table at nakipag batian sa mommy ni Wesley.
"My gosh Angel look at you maganda ka parin."
"Allison! Long time no see. Ikaw din parang walang nagbago. Still fav! Don't you think we should start calling each other mare?"
"Sinabi mo pa! Sinong mag aakalang ang dalawang ito pala ay mag boyfriend girlfriend. Hillary iha, hali ka lumapit ka nga sakin ng makita kita sa malapitan. Batang bata ka pa noon pero tignan mo naman ngayon napaka gandang dalaga!" galak na galak siyang niyakap nito.
Siya naman ay di parin makapag react. Para kasing close na close ang mga nanay nila.
"Ito na ba si Ashley mare? Ang laki narin? At ang buhok blue! Hahaha. Naalala ko ng bata ka pa mahilig kang mag pinta hindi ko akalaing iaapply mo rin ang hilig mo sa buhok mo." bati ng ina niya sa kapatid ni Wesley.
"Thanks tita ganun talaga pag magaganda kayang dalhin lahat ng kulay."
Tahimik silang dalawa ni Wesley na naupo na magkatabi habang sa kabilang side naman nila ay ang kanya kanyang ina.
"Ma, why do you sound like you both knew each other before?" si Wesley na ang kusang nagtanong.
"Kasi anak hindi niyo alam na bago pa maging magkaribal sa negosyo ang mga daddy niyo ay naging malapit na magkaibigan ang dalawang iyon. Sadly ay dahil sa magkasosyo sila sa isang business na nalugi ay nag away ang dalawa. Pinagbibintangan kasi nila ang isat isang kumuha ng pera kaya ayon. Ewan ko nga ba dun sa dalawang yon! Di manlang pina imbestigahan ang nangyari basta nalang nagbintangan." paliwanag ni Tita.
"Ibig sabihin dati pa kaming magkakilala ni Wesley?" tanong naman niya sa ina.
"Oo anak. Simula baby kayo hanggang 5 years old."
"Bakit di mo ko alam, Ma?" Si Wesley ulit.
"Kuya naman you are so tanga? Ako nga alam ko e. May baby picture kaya tayong kasama si Ate Hillary."
"Malay ko ba? Hindi naman ako tumitingin sa mga picture na yon."
"Tayo mommy bat wala naman akong nakita?" Usisa ko.
"Ano pa? Edi yung magaling mong ama pinatago lahat sa storage room!"
"See babe we are really ment for each other. Kahit wala tayong idea pinagtagpo parin tayo."
Napahagikhik ang tatlo nilang kasama.
"Mare akala ko ay tatandang dalaga na tong anak ko. Magtatapos nalang ng college wala manlang ipinakilala samin samatalang di naman kami mahigpit."
"Ito ngang anak ko akala ko bading na dahil wala manlang akong nabalitaang dinidate."
"Yan din ang isa kong naisip, na baka tomboy na tong anak ko at ayaw lang umamin."
"You and your assumptions." sabay nilang sagot sa mga ito.
Sumingit si Ashley. "Ma, Tita, can't you make the two old men talk for the sake of kuya and ate Hillary's relationship? It's been like more than a decade na. Di parin sila maka move on?"
"Dont worry. Pag paplanuhan namin yan ng Tita Angel mo kung pano pag aayusin ang dalawang yon."
"Tama, grabe naman kasi ang dalawang yon pataasan ng pride samantalang dati ay halos tumira nalang sila sa iisang bahay."
"Ganun sila ka close?" di makapaniwalang usal ko.
"Yes." Duet ng dalawa.
"Grabe talaga siguro ang nangyari para maging ganun sila." komento ni Wes.
The dinner went on. Masaya ang naging kwentuhan hanggang matapos sila. Naging panatag narin kami ni Wesley kahit papano. Talagang ang mga tatay nalang nila ang problema.
Sana wala ng iba pang maging problema.
Sana....
Sana talaga.
BINABASA MO ANG
Taking Chances
ChickLitPag di ka pa handang masaktan, hindi ka pa handang magmahal. Are you brave enough? 🌸 Medyo magulo pala ang pagkakasulat ko nito. I'll edit this pag sinipag kayo. Nasa inyo nalang kung makayanan niyong basahin.