"Aligagang aligaga friend? Bat di mo subukang kumalma.""Pano ko gagawin yon? Buong araw ko tong pinaghirapang gawin. Pano kung di niya magustuhan Faye?"
"Basta ikaw ang gumawa kahit di pa maganda paniguradong matutuwa na si Wesley ito pa kaya? Romantic dinner date dito sa soon to be love nest niyo, with candles, baloons, flowers, nagluto ka pa aba parang mag po-propose ka na nga kulang nalang sing-sing!"
Ngayon ang araw na sinabi kong babawi ako kay Wesley pero wala siyang ka ede-edeyang pinaghandaan ko ang araw na ito. Humingi pa ako ng tulong kay Faye para ayusin ang lahat dito sa dining area. Sabi niya aalis na siya pag dating ni Wesley dahil gusto rin daw nitong makita kung aatakihin sa puso si Wesley. Binatukan ko nga, kung ano ano kasi ang sinasabi.
"Gusto ko lang makabawi sa kanya para sa lahat ng nagawa niya sakin no."
"Sus... Kahit nga ayain mo lang mag fishball ang isang yon bawi ka na. Pag nakita niya pa itong pinag effortan mo baka himatayin siya."
"Oa mo."
"Anong oras ba dadating si Wes?"
"Ang usapan namin 6pm. Nagtataka nga bat dito ko pa raw gusto."
"Anong sabi mo?"
"Na gusto ko lang ulit makita tong bahay. Mukhang di naman naghinala."
"Buti naman kundi sayang ang surprise." She look at her watch. "One hour nalang bat di ka na maligo at magpaganda ako na bahala dito."
"Sige..."
6pm
"Hill, ano? San na raw siya?"
"Uhm hindi nagrereply di ko rin matawagan. Baka nalowbat. Malapit na yon."
7pm
"Wala parin?"
"Baka na traffic lang."
8pm
"Dalawang oras na siyang late pupunta pa ba si Wes?"
"Sabi niya pupunta siya kanina."
9pm
"Mukang di na siya dadating Hill. Kailangan na rin nating umuwi at ba-byahe pa tayo baka mapagalitan tayo pareho."
Nanlulumo kong pinagmasdan ang mga hinanda ko.
"Iuwi nalang natin ang food sayang naman. Balik nalang tayo sa ibang araw para linisin lahat." suwestyon ni Faye.
Tumango lang ako at tahimik na iniligpit ang pagkain.
Gamit namin ang sasakyan ni Faye na bagong bigay lang ng parents niya dahil nagkaron na siya ng driver's license.
"Uy wag ka na malungkot dyan malay mo naman may valid reason ang tao kung bat di nakapunta." pag aalo nito sakin.
"Excited pa naman akong malaman ang magiging reaction niya tapos napunta lang sa wala." untag ko sa kasama kong nagmamaneho.
Mabigat pala sa pakiramdam na masayang ang isang bagay na pinag hirapan at pinag aksayan mo ng oras. Umasa din akong makakasama siya at mapaganda ang gabing ito. Ngunit kahit na nanghihinayang higit paring nangingibabaw ang pag aalala ko dahil baka ano na ang nangyari kay Wesley kaya di siya sumipot.
"Pwede mo pa naman ulitin."
"Oo nga, actually mas bothered ako dahil baka kung may nangyari sa kanyang masama. Di naman ganito si Wesley, until now di parin macontact cellphone niya."
"Gusto mo bang daan tayo saglit sa kanila? Di naman ganun kalayo ang bahay nila satin."
"Ayos lang sayo?"
BINABASA MO ANG
Taking Chances
Literatura FemininaPag di ka pa handang masaktan, hindi ka pa handang magmahal. Are you brave enough? 🌸 Medyo magulo pala ang pagkakasulat ko nito. I'll edit this pag sinipag kayo. Nasa inyo nalang kung makayanan niyong basahin.