"Wesley, simula bukas may duty na ulit ako sa ospital may night shift na rin ako. Nabigay na kasi ang schedule namin kanina."
Nandito kami sa SCO kaming dalawa lang ngayon dahil nag iikot ikot si Darren dahil sa pag hahanda sa Foundation day.
Nakahiga ako sa sofa at nakaunan sa hita ni Wesley.
"Does that mean na di na kita masyado makikita at makakausap?" tanong nito habang hinimas himas ang buhok ko. Pinaglalaruan ko naman ang isang kamay niya kung nasan ang sing-sing niya.
"Parang ganun... Pero tuwing may chance naman ite-text kita."
"Okay, wala naman akong magagawa dyn. Basta wag mo lang akong kalimutan."
"Wala naman akong amnesia kaya pano kita makakalimutan. Ikaw rin diba busy ka, sana mareplyan mo din ako tuwing magtetext ako."
"Lagi kong aabangan ang text mo."
"Weh? Pag di mo yan ginawa tatadtarin kita." pag babanta ko.
"Ng halik?" ngisi niya.
"Ng kurot."
"Tss... Ang sweet mo talaga."
"I know. That's why you love me." Hagikhik ko. "Ay! Alam mo ba ka group ko si Faye sa duty! Nakakatuwa. Ngayon lang kasi kami mag ka group."
"Edi ayos. Lagi kang may kasama at kausap."
"Pati si Zack rin ka group namin kaya tuwang tuwa rin tuloy si Faye." naramdaman kong nanigas siya.
"Wesley?"
"More time for him and less time for me. Great." he sound sarcastic.
Napabangon ako. "Ano bang sinasabi mo?"
Napahilamos siya sa mukha. "Ayoko nga kayo laging magkasama diba? Tapos ngayon magka group pa kayo?"
"Wag ka na kasi mag isip ng kung ano ano. Ang paranoid mo. Para namang magkakagusto ako sa isang yon. Hello? Nandito na kaya ang pinaka perfect sa harap ko. Titingin pa ba ako sa iba?" kinulong ko sa kamay ko ang mukha niya at binigyan siya ng marahang halik sa labi.
"Totoo ba ang sinasabi mo?" paniniguro pa nito pero nakangiti na.
"Nakita mo na ba ang dami ng babaeng patay na patay sayo? Ganun ka totoo yon."
"Binobola mo lang ako."
"Hindi ah. Tsaka bat ba kasi pag kay Zack napaparanoid ka dyn?"
"Hindi lang naman sa kanya kundi sa lahat ng lalake. Siya lang kasi ang lalakeng malapit sayo ngayon bukod samin ni Darren."
"Sus! Basta wala kang dapat alalahanin. Ikaw din ha, behave ka."
"Lagi naman."
🌸🌸🌸
"Hill, tapos ka na mag check ng Vital signs sa patients mo?" tanong ni Faye ng madaanan ako sa labas ng isang kwarto.
"Katatapos lang. Ikaw?"
"Ganun din. Saan si Zack?"
"Ewan. Baka di pa tapos. Daanan natin?"
"Tara."
Tinungo namin ang kwarto kung saan naka assign si Zack pero wala siya dun kaya dumiretso na kami sa nurse's station.
Nagsalubong ang kilay ko ng makita ang pinagkakaguluhan ng mga nurse. Kahit nakatalikod ay kilalang kilala nita ito.
"Mommy? Bat nandito ka?" tanong ko ng makalapit sila. Humarap naman ito na ang lapad ng pagkakangiti.
"Ano ba pa? Syempre gusto kong makita ang napaka ganda kong anak." napangiwi ako sa salitang napakaganda.
BINABASA MO ANG
Taking Chances
Chick-LitPag di ka pa handang masaktan, hindi ka pa handang magmahal. Are you brave enough? 🌸 Medyo magulo pala ang pagkakasulat ko nito. I'll edit this pag sinipag kayo. Nasa inyo nalang kung makayanan niyong basahin.