Nagsusuot pa ako ng uniform habang madaling madali lumabas ng bahay. Nakalimutan ko kasing kailangan ko palang dumaan sa police station.
Di na nga ako nakapag breakfast dahil baka malate pa ako sa school kung kakain pa ako.
Police Station.
"Nandyn na ba si Tito Greg?" tanong ko sa pulis na kausap ko kagabi.
"Oo, pumasok ka lang sa opisina niya."
Sinuklay ko ang buhok gamit ang aking kamay at nag ponytail. Nadaanan ko ang mga kasamahan nilang nasa kanya kanyang mesa at binibigyan ako ng kakaibang tingin. Binale wala ko yun at tuloy lang sa paglalakad.
"Yow Tito! What's up?" bati ko pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto.
Busangot ang mukha nito at parang stress na stress na sa kadahilanang hindi ko matamo. 45 years old si Tito Greg, magkasing edad sila ni dad. Pero kahit ganun e magandang lalake parin ito. Maganda ang pangangatawan nito at di napapabayaan. Naging matalik na magkaibigan sila ni dad simula daw ng mahawakan nito ang kasong kinasankutan noon ni dad. And after that case they're bff's na hehehe.
"Bastos ka talagang bata ka wag mo akong ma tito-tito pag nandito tayo sa head quartes! Ako parin ang hepe dito!"
Napangiwi ako sa sigaw nito. High blood? Ang aga pa ha! Narinig ko tuloy ang mga tawanan ng pulis sa labas ng opisina niya.
"Ano bang atin? Ang init naman agad ng ulo niyo?" sinara ko ang pinto at naupo sa harapan nya. Pinatong ko ang paa ko sa ibabaw ng mesa niya, kanina pa kasi nangangalay ang paa ko tsaka wala pa nga akong tulog masyado dahil sa kakaisip kung pano kami magbabati ni Wesley, ang aga naman kasi akong pinatawag.
"Ano ba ang gagawin ko sayong bata ka kababae mong tao pero mas siga ka pa ata kysa sa mga lalake dito! Pano ka makakapag asawa pag ganyan ka!" Napapahilot ito sa sintido nya at napapapikit.
Ngayon lang ako mapapagalitan nito, ngayon lang naman kasi ako muntikan ng makulong kahit marami na akong nasangkutang gulo. Magkaiba pa naman sila ng paraan kung pano ako kausapin ni dad. Kung baga sa bunganga palang action pack na at nasa front row ako pag sa kanya. Bakit ba lahat nalang ng tao concern sa pag-aasawa ko?
"Tito-"
"Chief!" pagtatama nito.
"Okay Chief ang dami niyo namang sinabi. Tsaka ano bang pag-aasawa ang sinasabi niyo ang bata ko pa kaya! Wag mo na masyadong isipin ang mga ganyang bagay dahil wala pa rin sa isip ko yan." kaswal kong sagot.
"Ibaba mo nga yang paa mo sa mesa ko. Kailan mo ba ako gagalangin ha?!"
Ibinaba ko ang paa ko at nag dikwatro nalang. Siguro naman wala na siyang problema dito.
"Wag nga kayong sigaw ng sigaw. Ang lapit lapit ko sa inyo at di naman ako bingi, pag tatawanan ako ng mga tao mo sa labas kakasermon niyo sakin." pagrereklamo ko na napapakamot pa sa buhok, nagulo tuloy ang pagkaka ponytail nito.
Kainis naman kasi gusto ko na ngang ipaputol itong buhok ko pero ayaw naman ni mommy. Pag ginawa ko raw yun kakalbuhin nalang niya ako. Ayoko naman ng kalbo, di ko pinangarap na maging si Mr. Clean.
"Dapat lang ikaw masermonan for all of the stunts that you've been doing! Laging nagkwekwento sakin ang daddy mo sa mga ginagawa mo sa school niyo. Mukang di ka pa nakontente at pati sa labas sumasali ka na sa gulo. Masyado kang nagpapakabayani! Anong akala mo sa sarili mo action star at may anting anting na hindi pwedeng masaktan?!"
"Kagabi lang naman po yun. Magpasalamat nalang po kayo at di ako nag bibisyo." sinubukan kong pagaanin ang sitwasyon.
"Anong magpasalamat ang sinasabi mo dyn? Alam mo ba ng narinig ko sa tao ko ang ginawa mo e muntik na akong atakin sa puso!" ecsaheradang sabi nito na napapahawak pa sa dibdib niya.
BINABASA MO ANG
Taking Chances
Chick-LitPag di ka pa handang masaktan, hindi ka pa handang magmahal. Are you brave enough? 🌸 Medyo magulo pala ang pagkakasulat ko nito. I'll edit this pag sinipag kayo. Nasa inyo nalang kung makayanan niyong basahin.