"Hill!!!!" masiglang bungad sakin ni Faye ng magkasabay kami sa hallway."Bunganga mo naman!"
"Have you heard about the chika around the campus?" napatingin ako sa cat ears na headband nito na kulay pink. Tsk! Maririnig niya talaga ang chikang sinasabi niya dahil apat ang tenga niya.
"Ano?"
"It's about you!" may pag palakpak pa siyang nalalaman.
"Ano naman ang ka chismis chismis sakin?" Nanlaki ang mata ko. "Oh shit! alam na nila ang kay Wesley-"
"Nope! Not about him but another guy. Ang chika nag kakamabutihan na raw kayo ni Mr. Trouble. Magkasama daw kasi kayo kahapon sa canteen tapos nakita ka raw kasi ng iba na sumakay sa kotse ni Zack. Ano ba ang nangyayari? Naging busy lang ako may ganito na?"
"Sa palagay mo totoo yun?"
"Hindi no. Alam ko naman na isang lalake lang ang iniirog mo."
"Totoo ang mga narinig mo pwera sa nagkakamabutihan kami. I was just being friendly."
Kwinento ko sa kanya ang lahat ng nangyari.
"Kaya pala may mga sugat ka. Anyway... As if we care naman sa mga sabi-sabi nila. Tsaka alam-" tumigil ito sa paglalakad kaya napahinto rin ako.
"Anyare sayo?"
"Sino yun?" sinundan ko ang tinuro niya.
Naningkit ang mata ko. Panong hindi? Si Wesley lang naman yon at may kasamang babae na halatang hindi taga school dahil sa visitor's pass nito na nakasabit sa leeg niya. Nasa labas sila ng pinto ng SC Office. Parang galing nga sila sa loob e. Nagsalubong ang kilay ko ng biglang lumingkis ito sa braso ni Wesley, at ang Wesley mukang wala lang sa kanya naka ngiti pa.
"Ewan ko. Tara pasok muna tayo sa loob ng room." pag sasawalang bahala ko at hinila si Faye papasok.
"Hindi ka manlang bothered dun?" tanong niya pagkalapag namin ng bag sa upuan.
"Bakit naman?"
"Aminin mo maganda yung girl tsaka ang sexy kita mo yung suot niyang crop top hanep! Feel na feel niyang iladlad ang pusod niya."
"Affected?"
Nagkibit balikat ito. "Hindi lang maganda ang pakiramdam ko sa babaeng yon."
Tumango ako. "Punta muna ako sa SCO."
Pag labas ko naman ng classroom nakasabay ko si Darren na may hawak na tablet at may mga tinitignan na di ko maintindihan, puro numbers!
"Hoy Darren sino yung kasama ni Wesley kaninang babae?" pag-uusisa ko.
"Anak daw ng bestfriend ng mama niya." walang emosyong sagot niya.
"Eh bat kasama niya dito?"
"Banda nila ang mag pe-perform sa foundation day."
"Bat di ko alam yon?"
"Kung pumupunta ka kasi sana sa meeting."
"Ganun? Bakita parang masyado naman silang close at kung makangiti si Wesley parang tanga lang."
Tumigil ito at tinignan ako diretso sa mata. "Wag mo ngang pinaparinig sakin ang pagseselos mo."
"Di ako nag seselos!"
"Yeah right. I'm going." bumilis ang paglalakad nito kaya naiwan ako.
"Bwisit talaga ang lalakeng yon minsan sarap sapakin e."
**SC OFFICE**
"Good you're here." sabi ni Wesley pagkasara ko ng pinto. Nanahimik lang akong sumalampak sa sofa. Eh sa naiinis ako sa nakita ko kanina hmp!
BINABASA MO ANG
Taking Chances
ChickLitPag di ka pa handang masaktan, hindi ka pa handang magmahal. Are you brave enough? 🌸 Medyo magulo pala ang pagkakasulat ko nito. I'll edit this pag sinipag kayo. Nasa inyo nalang kung makayanan niyong basahin.