22

1.1K 64 18
                                    

(May nagbabasa pa ba nito? Itutuloy ko pa ba? Haha)

7 years later....

Holdap to ilabas niyo ang mga gamit niyo!

Hoy! Sabing holdap to!

Bakit ganun? Pati ba naman sa panaginip may nang ho-holdap? Pambihira buhay to! Wala na ba talagang peace kahit dito?

"Miss gising."

Napamulat ako ng mata ng maramdamang may umaalog sa balikat ko.

"Bakit ka ba nang iistorbo?" inis kong pakli dito.

Nasa dulo pa naman ako ng jeep yung kung saan ang babaan at ang sarap ng pag kakasandal ng ulo ko.

Ngumuso lang ang babaeng katabi ko na sinundan ko ng tingin.

"Holdap to! Akin na ang gamit mo!" sigaw ng lalake sa tapat ko at nakatutok pa ang baril sakin.

"Hoy kuya! Alam mo ba ang kasabihang mag biro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising!" sigaw ko pabalik.

"Hindi ito biro totoo to!"

"Ah ganun ba? Eh tarantado ka pala!"

Walang pasabing sununtok ko siya straight sa mukha. Ayun! Siya ngayon ang tulog!

Nagpalakpakan naman ang pasahero sa jeep.

"Oh, kunin niyo na ang mga nakuha sa inyo. Tsaka Manong drayber pwede po bang idaanan niyo muna tayo sa presinto? Kung okay lang din sa inyong lahat."

Pumayag naman silang lahat, pati si Manong walang reklamo dahil muntik narin sana mawala ang kinita niya buong araw.

"Oh Monteverde! Akala ko ba uuwi ka na? Aba wala pang isang oras ng umalis ka ha!" bungad ni Cruz. Isa sa mga kasamahan ko.

"Ito kasing kutong lupang ito mang holdap ba naman sa sinasakyan kong jeep nakakabanas!" Hawak hawak ko sa kwelyo niya ang lalakeng nakaposas, padaskol ko itong itunulak sa isang upuan.

"Ang malas mo naman na chambahan mo pa si PO3! Nag ka black eye ka tuloy!" naghalakhakan ang iba pa naming kasama.

"Kayo na ang bahala dyn uuwi na talaga ako at antok na ako."

"Sige umuwi ka na. Ingat sila sayo!"

Palabas na sana ako ng bumukas ang pinto sa tapat ko.

"You're still here? Akala ko umuwi ka na?" tanong ni Zack. Naka uniporme pa ito at may bitbit na laptop.

"Dapat talaga nasa bahay na ako e kung wala lang ng holdap sa sinasakyan ko."

"Ano na naman ang ginawa mo sa tao?" nagdududang tanong nito at humalukipkip pa.

"Grabe to parang ako talaga ang may masamang gawain."

"Hindi ba? Karamihan ng dinadala mo dito sa ospital muna ang punta."

"Ito naman. Sinuntok ko lang yung ngayon." ngingiti ngiti kong wika.

"Zack, wag ka mag-alala wala tayong ipapa ospital ngayon. May puso pa pala yang girlfriend mo!" nag simula na namang mang alaska ang kasamahan nila.

"Ayan na naman kayo ha! Sinabi ng wala nga kaming relasyon!" singhal niya sa mga ito na parang wala namang narinig.

"Nag hi-hintay parin kaming magkaron. Sa tagal niyo ng magkaibigan wala parin bang nabubuo?" kantyaw pa nila.

"Kung basagin ko kaya ang mukha mo para may buuhin ka?" banta ko.

Nagtaas naman ito ng dalawang kamay na animoy sumusuko.

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon