Part10

893 14 0
                                    


WESLEY'S POV

"Damn it!" pinagsisisipa ko ang pinto ng maisara ko ito.

Only when it's about Hillary kaya nawawala ang composure ko. Hindi ako makakalma kung ganun ang makikita ko. Kanina lang ay para na siyang maiiyak kaya hinanap ko siya sa buong school dahil alam kong nasaktan ko siya tapos makikita ko lang ang ganong eksena?

"What's wrong?" tanong ni Darren na prenteng nakaupo sa couch.

"I saw Hillary naghahabulan sila ni Zac!" padabog akong lumapit sa table ko at masalampak ng naupo sa swivel chair.

"Yun lang?"

"Yun lang?! Tumatawa si Hillary! Yung tawang minsan ko lang makita! Yung tawang walang pakialam sa mundo. Tumatawa siya ng ganun habang hinahabol siya ng gagong yon!"

Nang gigigil talaga ako. Kanina ng makita ko ang eksenang yon ay gusto kong suntukin sa mukha si Mondragon. Alam kong mali na magalit dahil wala namang ginagawa sakin ang lalakeng yon pero kasi hindi ko matanggap na napapatawa niya ng ganun si Hillary. Akala ko ako lang ang may kakayanan nun e!

"Well now you know what she felt." kaswal na sagot nito.

"What?" napipika kong tanong.

"Wes, nagalit ka sa kanya dahil nagselos siya kay Hershey. But look at you now, you are doing the same."

"Iba naman yung samin ni Shey. Besides kapatid lang ang turingan namin."

"Serysosa ka ba? Di mo ba alam ang usap usapan dito sa school?"

"Hindi. Dapat ko bang alamin?"

"Sabi nila may relasyon daw kayo ng kababata mong yon. Ang sweet niyo daw kasi. Ngayon ka lang nakikita ng ibang estudynte na ngumingiti. Bagay na bagay nga daw kayo. Kung ikaw ba ang makakarinig ng ganyan hindi ka ba makakaramdam ng selos? Buti nga hindi pa sinusugod ng girlfriend mo."

Nanghina ako. "I didn't know."

Wala talaga akong idea na may ganito na palang iniisip ang mga tao.

"Hindi sanay si Hill na makitang nakikipag usap ka sa ibang babae lalo pa't nakangiti. Hindi madali yon sa kanya dahil nasanay na siyang iwas ka sa mga babae. Kaya ng makita niya kayo ganun ang reaction niya. Hindi niya pa alam kung pano niya ihahandle ang makita kang ganun kahit pa nga para sayo walang malisya."

Onti onting nag sink in sakin ang sinabi ni Darren. "Damn it! Sinigaw sigawan ko pa siya without even thinking. Hindi ko rin alam kung anong nangyari sakin kanina. Baka dahil ilang araw kaming di nagkita at lagi kong naiisip na lagi niyang kasama ang lalakeng yon kaya para sumabog nalang din ako kanina." Naisuntok ko ang kamao ko sa mesa.

"Wala namang perfect relationship. Go find her."

🌸🌸🌸

"Babe..." mabilis kong liningon ang tumawag sakin at binalik din sa pagbabasa ng librong hawak ko. Nandito ako sa library. Walang tao dahil nagsasaya ang lahat sa labas dahil sa mga activity. Nasa tagong parte rin ako ng library, nakaupo sa lapag at naka sandal sa book shelf. Kung pano ako nahanap ni Wesley ay di ko alam. Ang gusto ko lang naman ay magpalipas ng sama ng loob.

Naupo rin ito sa harap ko. Umiwas lang ako ng tingin.

"Did you cry?" malumanay niyang tanong at pinadaanan ng hinlalaki niya ang ilalim ng mata ko.

Tumango lang ako bilang sagot.

"I'm sorry. It seems like our relationship is changing. Dati di naman tayo nag aaway. Na frustrate lang siguro ako dahil miss na miss din kita at lagi kong naiisip na magkasama kayo ni Zack tapos ganun mo pa ako sinalubong kanina. Im sorry for shouting at you and for hurting you. Patawarin mo ako Hillary."

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon