Part 11

888 15 0
                                    

It's been 5 months since then. Heto kami ngayon at mag oover night sa bahay kasama ng mga ka grupo ko dahil nalalapit na ang case presentation namin. Irereview nalang namin ang case at sinisiguradong hindi kami ma re-revise.

"Grurabeeee Hill sobrang laki ng bahay niyo. Ay mali! Mansyon ata ito di ko akalaing sobrang yaman mo pala!" si Emily isa sa kasama namin.

Nagkibit balikat ako. "Hindi ako ang mayaman kundi ang parents ko."

"Ganun na rin yon kanino pa ba mapupunta lahat kundi sa nag iisang anak." si Natacia.

"Uyyy mga girlalu wag niyo na ngang kulitin si Hill tungkol sa mga ganyang bagay na yan at baka mainis. Heto! Lumamon muna kayo." sabat ni Faye na may dala ring isang tray katulad ng dalawa pang kasunod na katulong.

Wala ngayon sila mommy at daddy dahil pumunta ang dalawa sa canada para sa isang business na di ko alam kung ano.

Lumabas muna ako ng terrace para magpahangin. Kanina pa kami nag reretype dahil marami kaming nakitang typo error sa gawa namin. Salit salitan kami sa pag babasa at pag aayos every 30 minutes.

Sakto namang tumunog ang cellphone ko. Si Wesley ang tumatawag.

"Hi Wesley ko!" I greeted cheerfully.

"Wow. Ang saya naman ata ng baby ko?"

"Eh kasi tumawag ka kaya masaya talaga ako. Kamusta ang araw mo?"

"Good. Di naman masyadong busy. Katatapos ko lang mag review ngayon para sa mga quiz bukas. Ikaw anong ginagawa mo?"

Napakagat ako sa labi. Di ko kasi mabanggit sa kanya ang tungkol dito sa pag oover night ng group ko.

"Ah Wesley ko nandito ang mga ka group ko sa bahay. Mag over night sila kasi super lapit na nito at di pa kami tapos."

"Case study para sa case presentation niyo?" Pag uulit nito.

"Yep, dito namin sa bahay napag isipang gawin. Pumayag din naman kasi sila daddy."

"Sino mga ka group mo?"

Nag atubili pa akong sabihin isa isa ang pangalan nila. Puro mga babae ang kasama ko at iisa lang ang lalake. Nakalimutan ko na rin kasing banggitin sa kanya na kung sino ang ka group ko sa ospital ay sila din ang kasama ko sa pag gawa ng case.

"What?! Si Zack? That guy again! Lagi nalang. Sana nag nursing nalang din ako so I have an alibi to be near you."

Napahagikhik ako. Para kasi siyang batang nagmamaktol. "Youre so cute. I love you Mr. Jimenez!"

"I love you too soon to be Mrs Jimenez."

"Gusto ko yan."

"Mas lalo na ako. I few more months and we'll be free."

"Para naman tayong nakulong dyn sa free mo. Hahaha."

"Hill ready na ang movie! Ikaw nalang ang hinihintay!" sigaw mula sa loob.

"Sunod ako!"

"What movie?! Akala ko ba nag aaral kayo?!" gulat na tanong nito.

"Gusto nilang magpahinga muna kaya manood daw kami ng movie. Na sstress na kasi kaya hinayaan ko na."

"Hillary! Nanandya ka ba?"

Napakunot noo ako. "Wala naman akong ginagawa ha."

"Kasama mo na nga ang lalaking yan dyn ng overnight tapos mag momovie pa kayo. Sinasadya mo bang saktan ako?"

"Masyado kang oa para namang kami lang dalawa dito at pinapalabas mong nag dadate kami."

"I cant help feeling jealous dahil nauunahan na niya ako sa maraming bagay. Wag kang tatabi sa lalakeng yan ha." kung makapag paalala matindi pa sa daddy ko.

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon