Muli akong naging busy sa school dahil sa nalalapit na return demonstration at exams na sinabayan pa ng duty sa ospital. Ganun din si Wesley sa thesis nito at exams.We would still talk every night pag may pagkakataong di kami nagkikita sa school. Kaya lang minsan din pala hindi na kami nakakapag facetime dahil sa night duties ko sa ospital.
Isang buwan na ang nakakalipas. Di parin ako pinapansin ni dad, kahit na magkakasabay namin kaming kumakain. My dad was very cold. Ang sabi ni mommy ay kinukumbinsi parin niya ito kaya hinahayaan ko nalang.
Sa school naman ay natigil na ang mga bulong bulungan. Natanggap na ata ng mga ito ang relasyon nila. Well, di ko nasisigurado sa mga babaeng patay na patay kay Wesley.
Ang kaibigan niyang si Faye ay kasama niya ngayon sa ospital. Duty nila sa Opearating Room. Nag aassist sila sa mga doctor. Speaking of kaibigan, 3 araw na niyang di nakikita si Zack. Di rin ito sumasagot sa tawag o text ko. Mapuntahan nga yon sa tuinutuluyan niya mamaya at baka kung ano na ang ginagawa ng isang yon.
🌸🌸🌸
Nasa labas na siya ng apartment ni Zack ng marinig ang sigawan kaya nagmadali siyang pumasok.
Isang babaeng nakatalikod sa kanya ang sinisigawan ni Zack.
"Get the fuck out! Hindi kita kailangan! Hindi ko kailangan ang pera niyo! Ikaw ang may gawa sakin nito! Ginusto mo akong saktan at maging miserable." Puno ng hinanakit ang sigaw nito.
"Hindi yan totoo anak. Hindi kita gustong makitang nagkakaganito. Umuwi ka na sa atin... Ginawa ko lang ang akala kong tama." Umiiyak na turan ng ginang.
Magulo ang bahay, mukang kanina pang nagwawala ang lalake.
"Ngayong nakita mo na ang resulta ng ginawa mo sa palagay mo ba tama ang desisyon mo? Sa palagay mo babalik pa ako sa lecheng bahay na yon kung wala naman don ang taong gusto kong makita?! Mapang husga ka porket hindi natin kalebel panget na ang tingin mo! Siya ang nasa tabi ko ng mga panahong wala kayong oras sakin!"
"Patawarin mo ako Zack. Gusto ko ng ayusin ang lahat ng pagkakamali ko. Please... Mag-usap tayo ng mahinahon."
"Umalis ka na!" tinalikuran ni Zack ang ina at pumasok sa kwarto. Pa balibag pang sinara ang pinto.
Niyakap niya ang babae ng di makatiis. Naawa narin kasi siya dito. "Tita, buti pa po sundin mo muna si Zack."
Tumango naman ito kaya inakay niya ito palabas.
"Sino ka?" malunanay ng tanong ng ginang habang nagpupunas ng luha gamit ang panyo.
"Hillary Agustin po. Kaibigan ni Zack."
"Ikaw pala ang nabanggit ni Greg. Ako naman si Belle ang ina ni Zack. Pasensya ka na kung naabutan mo kami sa ganong sitwasyon."
"Wala po yon. Pumunta lang naman po ako kasi tatlong araw ng di pumapasok ang isang yon medyo nag alala lang po ako."
"Salamat sa pag aalala sa anak ko at pagiging kaibigan."
"Matigas po ang ulo ng anak niyo ayaw nga akong tanggapin na kaibigan noon. Nagsawa nalang siguro."
"Hindi naman ganyan yan dati, ng dahil sakin nagbago siya." Naiiyak na naman ito.
"Tita belle tama na po ang iyak. Kakausapin ko si Zack at kukumbinsihing pakinggan kayo. Umuwi na po muna kayo."
"Sige, salamat Iha. Masaya akong malamang may kaibigang tulad mo ang anak namin."
🌸🌸🌸
BINABASA MO ANG
Taking Chances
أدب نسائيPag di ka pa handang masaktan, hindi ka pa handang magmahal. Are you brave enough? 🌸 Medyo magulo pala ang pagkakasulat ko nito. I'll edit this pag sinipag kayo. Nasa inyo nalang kung makayanan niyong basahin.