Part 3

1.3K 24 0
                                    


"Hill, sino yung kasabay mong pumasok? Ang hotie niya ha!" tanong ni Faye pagkaupong pagkaupo ko sa tabi niya. Inikot ko muna ang paningin ko sa classroom para malaman kung saan naupo si Zack. Sa pinakalikod ang pinili nitong pwesto. Samantalang sila ay nasa gitna.

"Si Zack, transferee."

"Mukhang dininig na ang dasal ko friend." kinikilig pa ito at magkadikit ang dalawang palad na tuwang tuwa.

"Para kang nag se-seizure."

"Ewan ko sayo!" inismiran pa ako nito. "Pakilala mo ako mamaya ha."

"Ewan ko sayo!" panggagaya ko sa kanya.

Pagkatapos ng lecture namin hinatak agad ako ni Faye para lapitan si Zack na nagliligpit palang ng gamit niya.

"Zack ito pala ang bestfriend ko si Faye. Faye samahan mo muna si Zack kailangan ko dumaan sa SC Office." nagmamadaling sabi ko.

"Sige, wag ka mag-alala Zack ako ang bahala sayo. Wala naman na tayong next subject ngayon kaya sasamahan kita kahit san mo gusto kahit sa bahay mo pa."

Ang landi talaga. Hindi ko na hinintay ang sagot ni Zack. Tinahak ko ang daan papunta sa office. Pag ganitong oras sigurado akong si Wesley lang ang nandun.

"Hi Wesley ko!" nakangiti kong bati dito. Hindi ako kinibo tutok lang sa kanyang laptop.

"May kasama ba ako dito? Nahawa ka na ba kay Darren?" sinundot ko siya sa tagiliran. "Uy! di mo ba ako papansinin? Akala ko pa naman miss mo ako." kunwaring nagtatampong sabi ko.

"Why are you here? Bakit wala ka sa tabi ng lalakeng kasama mo kanina?" he asked without taking his eyes off from his laptop.

"Galit ka ba?"

Tinignan ako nito mula sa gilid ng mata nya. "Di ba halata?" walang kagatol gatol niyang sagot.

"Pinasamahan lang naman sakin kasi ni Sir Rod si Zack dahil transferee siya at ka block ko rin."

"Bakit may pasalo salo pa siya sayo kanina?"

"Nadulas kaya ako sa balat ng saging. Mas gusto mo bang yung sahig ang sumalo sakin?" kunot noong tanong ko.

"Hindi." binalik ang tingin sa laptop. "Pero naiinis ako dahil siya pa ang sumalo sayo."

"Wag ka na mainis wala naman yun." naupo ako sa arm rest ng upuan niya sabay yakap sa may bandang leeg niya. I love being this close to him, gustong gusto ko kasi ang amoy niya, refreshing ang bango. Hehe.

"Alam mo ba kung bakit ako nagagalit?"

"Actually hindi. Bakit nga ba?"

Nagbuntong hininga muna ito. "Dahil kanina gusto kitang hilahin at ilayo sa lalakeng yon pero hindi pwede. Wala akong magawa kundi ang tignan lang kayo. That was so frustrating." malungkot na sagot niya.

"Konting tiis nalang naman diba?" inalis ko ang pagkakayakap sa kanya. Tumayo rin ako at naupo nalang sa mesa niya. Itinabi naman nito ang laptop at hinarap ako.

"I'm just scared."

Nag salubong ang kilay ko. "Saan naman?"

Ngayon niya lang kasing marinig na may kinakatakutan pala ito.

"That someone might take you away from me, or you'll like someone else that your dad will approve. And I'll be left alone with a broken heart." malungkot na pahayag nito.

Napangiti naman ako. "Ang drama mo ha. That will never happen malabong magkagusto ako sa iba. Ikaw nga ang mas may chance na ipagpalit ako sa dami ng babaeng handang maging girlfriend mo."

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon