Natapos ang buong araw na lamyang lamya ako. Naubos ang super powers ko sa haba ng lecture, kailangan talaga may maraming imbakan ang utak mo sa pag-aaral ng kalusugan. Aminado naman akong di ako masipag, maabilidad lang.
Napatingin ako sa relos ko, saktong 8pm kami pinalabas ng prof gabing gabi na. Wala si Faye dahil di ko siya kasama sa subject na to, hinati kasi ang klase namin sa dalawa at ang group namin lang ang may pasok. Pano kaya ako uuwi nito? Wala pa namang pwedeng sumundo sakin ngayon dahil ginamit ni mommy ang sasakyan kasama si manong Ogie. Si Wesley naman kanina pa yon nakauwi ayoko na siyang abalahin at malamang pagod na rin ang isang yon.
Iniisip ko na sanang mag taxi nalang nang may tao akong nakita. Lihim akong napangiti sa naisip ko.
"Hoy Zack! Pasabay naman! Hanggang sa lugar lang na marami akong masasakyan. Pero kung gusto mo naman akong ihatid sa bahay ko pwede rin." tuloy tuloy na sabi ko. Diretso lang ito sa paglalakad at alam kong papuntang parking lot ang tinatahak nitong landas.
"Wala ka bang sasakyan?"
"Wala e ginamit kasi ng mommy ko." pagpapaawa ko.
"Pasalamat ka-"
"Oh edi salamat." halata paring ayaw nito sakin, walang ka friendly friendly ang tono nito pag kinakausap ako.
Walang pag-aalinlangang pumasok agad ako sa passenger's seat nito ng i-unlocked niya ang kotse niya.
Tahimik lang kami sa loob ng kotse, di nga niya tinanong kung saan ako ibababa. Ayaw niya atang sabihin ko na sa bahay nalang. Wala narin sana akong balak na magsalita, kaya lang may naramdaman ako.
"Zack, naiihi ako." mahinang sabi ko.
No reaction.
"Ihinto mo muna sa gas station Zack maawa ka na sasabog na talaga ang pantog ko." sabi ko sa desperadang tono, napahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela.
"Bakit kasi di ka na nag cr kanina sa school? Nakikisabay ka na nga lang papahintuin mo pa ako kung saan. Ginagawa mo akong driver!" singhal nito.
"Hindi pa naman kasi ako kanina naiihi eh. Sige naman na. Bahala ka ikaw rin kotse mo ang papanghe." parang naalerto naman ito sa sinabi ko.
"Fuck! Hold it for a little while may malapit na na gas station."
Mabilis pa sa kidlat ang takbo ko ng makababa ako ng sasakyan. Nang makalabas ako ng cr na nasa loob rin ng mini store nadaanan ko ang isang freezer na puro ice cream. Naisipan kong bumili ng dalawa pa thank you na rin sa kanya. Malapit na ako sa kotse niya ng makasalubong ko ito na busangot ang mukha.
"Bat ang tagal mo?"
"Ito oh bumili din kasi ako ng ice cream para mabawasan ang init ng ulo mo." iaabot ko palang yun sa kanya ng may taong sumigaw.
"YUNG BATA!" agad akong napatingin kung san nakaturo ang kamay ng ale.
May batang lalakeng nasa gitna ng kalye at malapit ng mabangga ng humaharurot na truck. Mabilis na tinakbo ko ang distansya namin at agad na niyakap ang bata ng mahawakan ko ito. Nagpagulong gulong kami sa semento. Buti nalang talaga mabilis parin akong tumakbo kundi ewan ko nalang kung san kami parehong pupulutin.
"Bata okay ka lang ba?" inespeksyon ko muna ang buong katawan nito dahil baka nasugatan, di naman kasi maiiwasan yun dahil sa lakas ng pwersa ko.
"Ayos lang po ako. Salamat po." Sa palagay ko ay nasa 7 years old ang batang ito, marumi ang damit pero di naman mabaho.
"Wala yun. Bakit ka ba nasa gitna ng kalsada?"
"Miss okay lang ba? Pasensya na di agad ako nakapag preno. Bigla naman kasi ang pagtakbo ng bata." singit na paliwanag ng driver.
BINABASA MO ANG
Taking Chances
ChickLitPag di ka pa handang masaktan, hindi ka pa handang magmahal. Are you brave enough? 🌸 Medyo magulo pala ang pagkakasulat ko nito. I'll edit this pag sinipag kayo. Nasa inyo nalang kung makayanan niyong basahin.