Ilang oras na ring kaming naglalakad. Sobrang nakakapagod. Matitirik kasi ang daan paakyat at pababa. Nanginginig na nga ang paa ko. Samantalang si Faye ay parang wala lang. Sanay na sanay talaga ito mamundok.Tumigil muna ako sandali at naupo sa bato.
"Kaya pa?" ani ni Zack.
Inabutan ako ni Faye ng tubig.
"Kaya pa. Nanginginig lang kasi yung paa ko baka madulas ako."
"Tubig ka lang friend. Malapit na raw tayo."
"Pasensya na kayo kung pati kayo tumigil."
"Alangan naman iwan ka namin dito? Kung si higad pa walang pag aatubiling iiwan ko talaga siya dito."
"Why are we stoping? I can hear the falls na." dinig naming sigaw sa unahan.
"Napapagod na yung iba we can rest for a bit." sagot ni Wesley.
"You are just saying that dahil nakita mong naupo si Hill."
"Marami na talagang pagod Shey."
"Bat kaninang sinabi kong pagod na ako di naman tayo nag rest?"
"Dahil ikaw palang ang pagod that time."
"You are unfair Lee!"
Nagtawanan kami ni Faye sa pag sasagutan nila. Kahit malumanay lang ang pag sasagot ni Wesley.
"See how he cares for you?" Singit ni Zack sa tawanan namin sabay tinignan ang suot kong leggings at sweater. "Im sure that siya rin ang nagsabi magpalit ka ng damit. Hindi naman yan ang hinanda mo kanina diba?" ngisi niya.
"Hindi no! Ayoko lang mangitim kasi tirik na tirik ang araw."
"Lokohin mo ang lelang mo friend."
A few more hours after ay nakarating na namin ang falls. Nag picture muna ang buong grupo sa tulong ng guide namin.
Excited ang lahat maligo. Ako naman mas pinili munang magpahinga dahil ang sakit talaga ng paa ko.
Naglabas si Zack ng mapapapak namin dahil siya lang ang may dalang backpack saming tatlo. Medyo nabawasan ako pagod ko dahil don. Pero muntik na akong mabilaukan ng nakita kong mag tanggal ng tank top at shorts si Tsokolate. Naka two piece ang walang hiya.
"Oh my gosh! Ang kapal ng face feeling niya ba nasa beach siya?" di makapaniwalang wika ni Faye.
Natigalgal lang ako. Pinagtitinginan siya ng lahat ng lalake. Hinihila niya si Wesley at pinipilit na isama sa magligo. Kita naman niya ang pag iling ng huli.
"Tsk. Tsk. Tsk. Kakaiba ang karibal mo. Wala ka bang gagawin?" tila nang aasar na tanong ni Zack.
I glared at him. "What do you want me to do? Maghubad rin?"
"May sinabi ba akong ganun? Ang gusto ko ay maligo ka na." Walang sabi sabing binuhat ako nito at tinakbo ako papunta sa tubig. Talagang dinala niya ako sa malalim na tubig para mapilitang lumangoy.
"Ahhhh! Zack! Sasaksakin na kita! Ang lamig!!!" Sigaw ko.
Tinawanan lang nila ako. Inenjoy ko nalang din ang pag langoy dahil basa naman na ako. Naghahabulan kaming tatlo. Ngunit maya maya lang ay parang kumikirot ang paa ko kaya napakapit ako sa braso ni Zack na siyang pinakamalapit sakin.
"Bakit?"
"Naninigas yung paa ko."
"Ha? Pinupulikat ka? Di ko alam ang gagawin dyn!" napakunot ang noo ko sa kabila ng sakit ng paa ko dahil panong hindi niya alam eh ang simple lang naman ng gagawin tsaka kailangan talaga isigaw niya.
"Aray aray aray! Ang sakit na shit dalhin mo ako sa pampang."
Balak ko na sana siyang batukan dahil di parin siya kumikilos ng may kamay na pumulupot sa bewang ko at binuhay ako na animo'y bagong kasal.
"Sobrang sakit ba?" bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
Tumango ako at siniksik ang mukha ko sa leeg niya. Chance narin na maging ganito kami kalapit at hindi pag hihinalaan ng mga taong kasama namin.
Ibinaba niya ako sa lapag na puro bato. Puwesto siya sa parteng paa ko at binibend paharap ang paa ko.
"Nababawasan ba ang sakit?"
"Oo." nakangiwi kong sagot dito dahil nga naninigas ang paa ko.
"Faye, painumin mo pa siya ng tubig." utos nito sa kaibigan ko na agad namang nag bigay sakin ng bottled water.
Unti unti ng humuhupa ang sakin kapag kuwan.
"Okay na. Hindi na masakit. Salamat." pagpapaalam ko.
Salubong ang kilay niya. "Wag ka na bumalik don mamaya malunod ka pa."
"Tara na Lee, she's okay na raw." sabat ni higad na nasa tabi ko rin pala.
"Do whatever you want Shey. Dito muna ako to make sure her foot is really okay. She tends to lie sometimes because she doesn't want to look weak." malamig na wika niya.
Umismid naman si tsokolate at papadyak padyak na umalis.
"Pano? Ikaw na ang bahala dyn sa bff ko Wes balik na kami ni Zack sa paliligo. Bye!"
Kami nalang dalawa tuloy ang naiwan. Busy din sa kanya kanyang business ang iba. Tuloy parin ito sa pag hilot ng paa ko.
"Di na ba talaga masakit?" ulit niya pero ngayon sa malumanay na paraan.
"Oo nga... Wag ka nga masyadong caring at baka ma in love ako sayo. May boyfriend pa naman ako."
"Bakit? Mas gwapo ba sakin yang boyfriend mo?" halata na ang sinusupil nitong ngiti.
Kunyari namang nag isip ako. "Medyo mas gwapo ka ng mga one percent."
"Wala naman pala siya. Lamang ako. Agawin kaya kita sa kanya?"
"Sorry wala kang pag asa. Nakuha na niya kasi ang puso ko. Kung makuha mo sa kanya baka pwede pa."
"Wag na nalang mahirap ata. Sayang type pa naman kita." kumindat pa.
Dun na ako natawa.
"Malandi ka."
"Sayo lang."
"Pero nagpapalandi ka rin."
"Hindi ah."
"Sus... Deny pa."
"Bata pa lang kami ganyan na talaga siya Hillary. Let's not talk about her. I really missed you." malambing niyang usal at may pag pisil pa sa paa ko.
"Miss mo ba yung di mo manlang magawang itext at tawagan?"
"Naisip ko lang na siguro kailangan natin mag isip isip. Lately kasi laging nangingibabaw satin ang selos. Its's not healthy."
"Yeah." tipid kong pag sang ayon. "Yaan mo simula ngayon di ko na pagseselosan ang higad I mean Hershey na yan."
"And I'll do the same too."
BINABASA MO ANG
Taking Chances
ChickLitPag di ka pa handang masaktan, hindi ka pa handang magmahal. Are you brave enough? 🌸 Medyo magulo pala ang pagkakasulat ko nito. I'll edit this pag sinipag kayo. Nasa inyo nalang kung makayanan niyong basahin.