"Anong nangyari?" bakas ang pag aalala sa mukha ni Zack ng makita ako na nasa sahig. Inayos niya pa ang gulo gulong buhok ko.Akmang tatayo ako ng kumirot ang paa ko kaya napaupo ulit ako at napangiwi.
"Fuck it Hill! Anong nangyari?! Bat di ka makatayo?!"
"Masakit ang paa ko. Na sprain ata."
Inalalayan niya akong tumayo.
"I'll bring you to the hospital. Nakita kong buhat ng boyfriend mo ang kaibigan niya at malamang sa infirmary sila pupunta kaya sa ospital na kita dadalhin para narin mapatignan yan at di narin kayo magpangabot. I'll carry you is that okay?" tumango naman ako dahil wala na akong lakas.
Ikaw ba naman hindi manghihina kung ganun ang eksena nila kanina? Ako na girlfriend ay basta nalang pinabayaan. Di hindi niya ako tinanong kung may masakit ba sakin.
Nasa kotse na sila ng napaiyak siya. As in ngumawa siya at binuhos ang lahat ng kinikimking sakit.
"Bat ka umiiyak? Ganun ba kasakit ang paa mo?"
"Hindi! Ang puso ko ang masakit Zack! Ang sakit sakit na talaga!" Inabutan niya ako ng tissue na malugod kong tinanggap. "Natatakot akong baka totoo nga ang sinasabi ng higad kanina na mas mahal siya ni Wesley! Hindi manlang siya nag alala sakin ng makita ako at talagang ako agad ang sinisi."
"He's an assh*lo then. Hindi mo dapat iniiyakan ang mga kagaya niya."
"Sabi mo kanina mahal niya ako?"
"Kanina yon. Pwede namang magbago ang tingin ko sa mga bagay bagay diba."
"Bakit siya ganun? Akala ko ako ang pinaka importante sa kanya pero bakit ang babaeng yon ang lagi niyang inuuna at iniintindi? Sa palagay mo hindi na niya ako mahal Zack?"
"Di ko alam ang sagot sa mga tanong mo. Just dont think to much when you're emotional. Walang maidudulot na maganda yan sayo. Tahan na. Lalo kang papanget niyan."
Sinuntok ko siya sa braso. "Naman e!"
*AGUSTIN RESIDENCE*
"Hillary anak! Anong nangyari sayo? Naaksidente ka ba? Bat ka naka saklay?" gulat na tanong ng ina niya ng makita siya nitong pumapasok ng bahay.
"Sa sprain lang po siya tita kailangan lagyan ng benda ang paa niya at saklay para hindi lumala." paliwanag ni Zack na nasa tabi ko.
Bukod sa paa ko ay di na napansin ni mommy ang mga sugat ko sa braso dahil pinahiram ako ni Zack ng jacket dahil nga ayokong makita ng mga tao sa bahay.
"Ganun ba? Eh bat ka naman na sprain?"
"Nadulas lang ako Mee."
"Bat kasi di ka naman nag iingat?"
"Aksidente lang po."
"Oh sige na nga, teka may gusto ba kayong kainin? Ikaw Zack dito ka na mag dinner?"
"Di na po tita hinatid ko lang itong anak niyo. Nag promise po kasi ako sa parents ko na sabay sabay kaming kakain sa bahay ngayon."
"Ganun ba? Okay. Maybe next time?"
"Sure po Tita. Pano po una na ako. Hill ingatan mo ung paa mo."
"Yes Tay."
Iiling iling lang siyang lumabas ng bahay.
Nang dinner ay di ko pinahalatang may bumabagabag sakin at may mabigat akong pinagdadaanan lalo pat nandyn si Dad. Kaya I acted normal as much as I can.
8pm ay ka facetime ko naman si Faye. Apparently Zack texted her that I need someone to talk too. Si Zack talaga... Wala akong masabi.
"You should still give him a chance to explain, malay mo naman may dahilan kung bakit ganun nalang siya mag alala dun sa bruhang yon. Baka mamamatay na yung mga ganun ba. Pero naku! Kung nandun ako sisiguraduhin kong di na siya makikilala ng mga tao. Ikaw naman kasi sana sinagad mo na! Inuntog mo sana ang ulo niya para magka amnesia."
BINABASA MO ANG
Taking Chances
ChickLitPag di ka pa handang masaktan, hindi ka pa handang magmahal. Are you brave enough? 🌸 Medyo magulo pala ang pagkakasulat ko nito. I'll edit this pag sinipag kayo. Nasa inyo nalang kung makayanan niyong basahin.