We ended up sleeping outside. Sa kahoy na upuan at isang kumot. Nakasandal lang ang ulo ko sa balikat niya habang nakapulupot ang isang kamay niya sa bewang ko.We woke up at 5am and watched the sunrise. Sobrang ganda ng moment na makita mo na lumabas ang araw mula sa bundok. It was breath taking. Parang di totoo. Parang painting na in 3D.
"Perfect." Bulong ni Wesley sa tenga niya.
"Sobra. Lalo pa't kayakap kita." ganting pag sang-ayon ko naman at lalong nagsumiksik sa kanya.
"Ang sweet naman ng babe ko. Minsan lang yan ha, pa kiss nga." mabilis siyang tinintilan nito ng halik sa labi na nag pa ngiti sa kanya.
"Masyado mo namang sinasamantala."
"Eh minsan ka nga lang ganito kaya dapat talaga nilulubos lubos na. Baka mawala na ang epekto ng sunrise sayo."
"Hindi ba talaga ako sweet sayo?"
"May sinabi ba akong ganun?"
Naningkit ang mata niya. "Inaasar mo lang ako." kumalas siya sa yakap at nagkunwaring nagtatampo. "Oo na hindi na ako sweet. Pasensiya ka na at ganito na talaga ako." Humalikipkip pa siya at tinalikuran ito.
"Tampo naman agad ang babe ko. Syempre kahit minsan ka lang sweet ay okay lang sakin. It's what makes it sweeter you know." muli siyang niyakap nito mula sa likuran at pinatong ang baba sa may balikat niya.
"Sigurado ka?"
"Oo. Kaya nga ako kinikilig pag nag lalambing ka sakin."
"Seryoso?"
"Oo nga. Bat ba parang hirap ka maniwala?."
"Naninigurado lang."
Sandali niyang pinagmasdan ang mukha ng nobyo.
"Bat ganyan ka makatingin? Na mangha ka na naman sa akin kong kakisigan?"
Natawa lang siya sa pagyayabang nito na alam niyang biro lang.
"Oo, ang gwapo gwapo kasi ng Wesley ko." hinalikan niya rin ito sa pisngi na malapad na ikinangiti nito.
"Aba, quotang quota na ako. Baka ma over dose na ako niyan?"
"Hindi kaya nakaka over dose ang pagmamahal."
"Ganun ba? Bakit may kantang To much love could kill you?"
Napaisip ako at napakamot sa kilay ng walang maisagot.
"Di ko alam. Bakit nga ba? Masama ba ang sobrang love?"
"It is. Because to much love could result to extreme emotions. Like us right? We couldn't control our jealousy. That's our weekness."
"Uy ako sinubukan ko talagang labanan ha! Kahit gusto ko ng lunurin yung maarte mong kababata. Ikaw dyn ang sobra."
"Because you are my weekness."
"Yan tayo e."
Nang makaramdam ng gutom ay nag aya na siyang tumayo. Na istatwa siya dahil sa likuran nila ay marami na palang nakatingin at lahat sila ay may mukhang mga di makapaniwala. Para silang nakakita ng himala.
She felt Wesley's hand and slowly intertwined it.
"Alam kong nagtataka kayo but everyone, I would like to tell you that Hillary has been my girlfriend for 3 years. Yes, we kept it. At sa amin nalang siguro kung bakit. But from this day on we are coming out. I love this girl so much that I couldn't care less of what might happen next."
May ibang ngumiti. Yung iba parang wala lang. May mga mukhang naiingit. May bumati rin. Nag kibit balikat lang kami. Basta kaming dalawa masaya.
Ang tili ni Faye ang bumasag sa katahimikan. "Frieeeeeennnnnd! Im happy for you! Sa wakas naman! It's about time! No more hiding!"
BINABASA MO ANG
Taking Chances
ChickLitPag di ka pa handang masaktan, hindi ka pa handang magmahal. Are you brave enough? 🌸 Medyo magulo pala ang pagkakasulat ko nito. I'll edit this pag sinipag kayo. Nasa inyo nalang kung makayanan niyong basahin.