23

1.3K 41 6
                                    


"Hi mom good evening!" bati ko ng madatnan ko ito sa kusina. Busy sa pag hahanda ng hapunan. Hanggang ngayon siya parin ang nagluluto para samin ni dad. Tumigil na rin kasi ito sa pag tatrabaho kaya kung ano ano nalang ang pinag kakaabalahan.

"Buti nandito ka na. Sakto at matatapos na to, tumawag rin ang daddy mo at malapit na raw siya."

"Di na po ako kakain. Antok na antok na ako bukas nalang sa breakfast ako sasabay sa inyo."

"Ganun ba? Oh sige. Kysa naman piliin kitang kumain at di ka matunawan."

"Thank you po. Goodnight." niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi bago tumungo sa kwarto ko.

"Goodnight."

🌸🌸🌸🌸🌸

Nagising siya dahil sa alarm clock. It's 7am. Masigla siyang bumangon dahil nakabawi rin siya ng tulog. 12 hours not bad.

Mabagal siyang bumaba ng hagdan. Nasa dulo na siya ng matigilan at pinanood ang magandang tanawin.
It's her mom and dad. Kitang kita niya ang ngitian ng dalawa habang pinagsisilbihan ng mommy niya ang daddy niya. Ilang taon na ring mag asawa ang mga ito pero kung mag lambingan ay para paring teenager.

Naiinggit siya sa mga ito. Everytime she see them like that it kinda hurts because it reminds her of the kind of love that she once have. Pag mamahal na nasayang. Na nawala.

Siguro tatanda na akong dalaga!

"Ahem." napalingon ang mga ito sa pag tikham niya.

"Good morning dear, come let's eat!" masayang pag aya ng ina.

"Good morning, mom, dad." hinalikan niya ang mga ito sa pisngi.

"Good morning sweetie. How are you? Ilang araw din kitang hindi nakita." tanong ng ama ng makaupo siya.

"I'm fine dad." pilit siyang ngumiti sa mga ito.

Hindi naman sa galit siya sa ama, siguro may konting hinanakit lang, dahil kahit anong gawin niya hindi niya matanggap na ito ang isa sa naging hadlang sa kaligyahan niya noon.

Napansin naman niya ang pag papalitan ng tingin ng dalawa.

"Ang trabaho mo kamusta?" tanong ulit nito.

Alam niyang gumagawa lang ng paraan ang ama para makausap siya. Dahil pagkatapos ng mga nangyari their relationship was never been the same. May lamat na.

"Ganun parin. Nanghuhuli parin ng masasamang loob." kaswal niyang sagot sabay subo ng hotdog.

"I heard from your Tito Greg na mga delekadong assignment ang nakukuha mo. Wag kang magpapakamatay para lang sa trabaho mong yan." may himig na nag aalalang tono nito.

"Di naman ako nagpapakamata ginagawa ko lang ang tungkulin ko."

Dinig niya ang pag buntong hininga nito. "May plano ka bang mag bakasyon? You've been working non-stop."

"Okay lang ako. Di ko kailangan ng bakasyon." sunod sunod ang pagsubo niya. "Mom, lalong sumasarap tong luto mo ha." pag iiba niya ng usapan.

"Sus, nambola ka na naman."

Natawa siya. "Nga pala kinakamusta kayo ni Zack."

"Sabihin mo maayos naman kami. Matagal na rin hindi siya nadadalaw dito." ang ina.

"Busy lang po talaga. Dadalaw din yon pag may oras."

"Speaking of time. Mag b-birthday na ang lola mo. Iniiyakan na ako nun dahil dalawang birthday na raw niya ang wala ka. Nagtatampo na raw siya sayo."

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon