Pag uwi niya ay isang malakas na sampal ang sumalubong sa kanya mula sa ama. Agad nanubig ang mata niya dahil kahit kailan ay di siya nito napagbuhatan ng kamay.Hinimas niya ang pisnging namamanhid. Para rin siyang nakakita ng butuin at sandali siyang nabingi sa lakas ng sampal sa kanya.
Hindi na siya nagulat na umabot na sa ama ang balita. Sa dami ng kasama nila ay kahit isang tao lang ay pwede ng ipagkalat iyon sa iba.
"Sebastian! Wag mong saktan si Hillary!" sigaw ng kanyang ina at hinarangan siya.
"Umalis ka dyn! Kailangan niyang matuto! Iisang bagay lang ang ibinilin ko sa kanya pero sinuway niya parin ako. Ang anak pa ng Jimenez na yon ang pinatulan nya! Ganyan na ba katigas ang ulo mo?!" galit na galit ang ama niya. Naglalabasan ang ugat nito sa leeg at namumula ang mukha.
"Bakit dad? Bakit ba kailangan pati kami damay? Mahal namin ang isat isa. Hindi niyo ba pwedeng isantabi ang away niyo? Mahal na mahal ko si Wesley dad hindi ko kayang wala siya!" sigaw din niya pabalik habang umiiyak.
"Hindi pwede! Kahit sino basta hindi ang lalakeng yon!"
"Ayoko sa iba. Please dad maaawa ka na. Hayaan mo na ako."
"Hindi mo naiintindihan Hillary. Sasaktan ka lang ng lalakeng yon! Tulad siya ng ama niyang manloloko."
"Hindi ganyan si Wesley. Mabuti siyang tao. Mahal niya ako hindi niya ako sasaktan."
"Bahala ka sa kung ano ang gusto mo pero oras na masaktan ka. Wag kang lalapit lapit saking umiiyak dahil ipapamukha ko lang sayo lahat ng sinabi ko."
Tinalikuran siya ng ama at iniwan. Nanghihinang napaupo siya sa sahig. Mabilis naman siyang dinaluhan ng ina at niyakap.
"Sorry mommy. Nasaktan ko kayo ni daddy."
"Shhh... It's alright sweetie. Di naman ako katulad ng tatay mo. Alam mo naman yon masyadong ma pride. Hayaan mo munang makapag isip isip. Nauunahan lang siya ng galit sayo." pakuswelo nito. "Akyat tayo sa kwarto mo. Mag wash up ka na at magpahinga. Galing ka pa sa byahe. Bayaan mo kakausapin ko ulit mamaya ang daddy mo."
🌸🌸🌸
Tinawagan siya ni Wesley ng itext niya itong tapos na siyang maligo at nakahiga na siya sa kama.
"Nalaman na sa nila daddy." sumbong niya.
"Anong sabi? Did he hurt you? Are you okay?" nag aalalang tinig nito.
"Sinampal niya ako."
Napabuntong hininga ang nasa kabilang linya. "Im sorry Babe, wala ako dyn para protektahan ka. Kung alam ko lang sana na nalaman na ng daddy mo sumama na ako sa bahay niyo."
"Hayaan mo na. Sabi ni mommy kakausapin niya daw si dad. Di pa kami nagkakausap ni mom pero mukhang naiintindihan niya tayo. Basta wag mo lang akong bibitawan."
"Hinding hindi. Buti naman di galit si Tita at least may magpapakalma sa dad mo."
"Eh dyn sa inyo? Nalaman na rin ba?"
"Nasuntok lang ako ni Dad, ang hina nga parang wala lang." nagbibirong wika nito.
"Maniwala sayo... Lagyan mo yan ng yelo ha."
"Di na nga masakit nakausap na kasi kita."
"Nagagawa mo pa talagang mambola."
"Pinapagaan ko lang ang loob mo. Alam ko namang ayaw mo ring masaktan ang dad mo."
Di ako sumagot dahil yon naman ang totoo.
"Uhm babe, agahan mo pumasok bukas ha sabay tayo mag breakfast sa school."
BINABASA MO ANG
Taking Chances
Chick-LitPag di ka pa handang masaktan, hindi ka pa handang magmahal. Are you brave enough? 🌸 Medyo magulo pala ang pagkakasulat ko nito. I'll edit this pag sinipag kayo. Nasa inyo nalang kung makayanan niyong basahin.