Dumating ang araw ng Foundation Day. Lunch time na at kanina ko pa di mahagilap si Wesley. Ilang araw na rin kaming di masyado nakakapag usap ng matagal dahil naging busy kami pareho."Baka maraming matalisod." nalilitong tinignan ko si Faye na katabi kong naka upo sa bleachers ng basketball court at pumapapak ng piatos.
"Ha?"
"Ang haba kasi ng nguso mo."
"Kasi naman ehh..."
"Ano bang problema?"
Itinaas ko ang paa ko at niyakap ang tuhod ko. "Namimiss ko na si Wesley."
"Asus! Problema ba yon? Edi puntahan mo!"
"Hindi ko nga alam kung nasan siya, kanina ko pa rin tinitext pero walang reply."
"Hindi rin yan problema. Ang kailangan lang nating gawin ay mag hanap ng die hard fans ni Wes, tulad ng mga to. Girls!" Tawag niya sa mga babaeng naglalakad.
"Bakit?" tanong ng isa.
"Alam niyo ba kung nasam si President Wes?" automatic na kinilig ang mga ito sa tanong ni Faye.
"Nandun siya sa Music Room A."
"Sige, thanks! Oh alam mo na kung nasan!" nakangiting sabi nito.
Nagsalubong naman ang kilay ko. "Anong ginagawa niya dun?"
"Baka gusto na maging musician. Haha. Let's find out!"
Agad kaming nagtungo sa naturang lugar. Maraming tao sa labas ng music room at dahil mukang nakabukas ang pinto nito kaya dinig ang tugtog na nagmumula sa loob.
"Anong meron?" pag-uusisa ni Faye sa mga taong nadatnan namin.
"Nag pa-practice yung bandang tutugtog mamaya." sagot ng babae.
"Shit brad ang hot nung vocalist no?" dinig ko mula sa lalakeng nasa harapan ko. Hindi ko pa makita ang sinasabi nila sa dami ng nakaharang.
"Sinabi mo pa! Ang sexy! Single pa kaya yan?" sagot naman ng katabi niya.
"Ewan, a girl that hot sa palagay mo single pa yan?"
"Tutal, tsaka tignan mo nga kahit single pa yan mukang wala tayong pag-asa. Anong panaman natin kay Wes, eh mukang close na close ang dalawa."
"Sinabi mo pa pare. Kanina pa nga si Wes dyn e ang swerte!" mabilis kong hinawi ang pagmumukha ng dalawang impakto kaya nakita ko na ang pinag chichismisan nila.
Ang ganda pa ng nadatnan kong eksena dahil pinupunasan ni Wesley ang mukha ni tsokolate! Ito pala ang ginagawa niya! Kaya pala hindi niya manlang magawang mag reply sakin! Nandito siya nakikipag landian sa babaeng tuko na yan!
Parang tumigil ang utak ko sa pag function at nakita ko nalang ang sarili kong nagpupuyos sa galit at tinulak ang mga tao upang makalapit sa pinto.
"WESLEY!!!"
Natahimik ang lahat ng tao. Lahat napatingin sa akin at halatang nagulat sa pag sigaw ko. Bakas din sa mukha ni Wesley ang pagkabigla. And then it hit me... Hindi nga pala ako pwedeng gumawa ng eksena at umaktong girlfriend because it's a secret. Fuck.
Now what? Pumikit ako at humingang malalim.
"May itatanong lang sana ako about sa program. Pwede ba kitang makausap?" Pilit kong pina normal ang pagsasalita ko.
"Ah sure... Hershey gotta go."
"Okay Lee... Bumalik ka ha!" pa sweet pang sabi nito.
Anong bumalik? Baka gusto mong ibalik kita sa tyan ng nanay mo?! Pwede bang manapak? Kahit isa lang? Tumalikod na ako at mabilis na nag marcha palayo.

BINABASA MO ANG
Taking Chances
ChickLitPag di ka pa handang masaktan, hindi ka pa handang magmahal. Are you brave enough? 🌸 Medyo magulo pala ang pagkakasulat ko nito. I'll edit this pag sinipag kayo. Nasa inyo nalang kung makayanan niyong basahin.