NADATNAN kong nasa garden si mommy na ini-inspeksyon ang mga halaman niya, ito kasi ang isa sa mga hobby niya ang mag-alaga ng halaman. Late na nitong nadiscover na meron pala siyang green thumb na naman niya kay lola. Kaya ayan tinodo naman niya ang pagiging mother earth masyadong tutok sa mga alaga niya hanggang sa mamulaklak ang mga ito. Sa totoo lang ay mukha na ngang kagubatan ang garden namin sa dami ng bulaklak. But in a good way, because it always brightens my day every time I see the variety of flowers that we have. Ganun din si mommy laging may ngiti sa labi niya tuwing nasa garden ito. Siguro ramdam rin ng mga alaga niya kung gano sila kamahal ni mom kaya magaganda ang mga bulaklak nila, well my mom has one of the kindest and loving heart that I know kaya siguro nag re-reflect iyon sa mga inaalagaan niya hindi lang sa bulaklak kundi pati sa mga pasyente."Hey mom is dad home?" I kissed her cheek.
Tumigil ito sa ginagawa at hinarap siya. "Hi sweetie, yeah he's here and he wants to talk to you."
"Asan po siya?"
"Sa office niya. I heard what you did Hillary, pano ka magkaka boyfriend niyan kung lagi kang nambubugbog ng lalake." nagtanggal ito ng gloves at pinamewangan siya.
Nalukot ang mukha ko. "Ehh... mommy naman balik na naman ba tayo sa usapang yan?"
"Aba! Pano naman kasi ga-graduate ka nalang at lahat wala ka manlang pinakilala saming boyfriend! Ako nga ng mga panahong yon boyfriend ko na ang daddy mo."
"Mag hintay ka lang mommy, may ipapakilala rin ako sa inyo. And I hope you will support me." makahulugang wika ko.
"Anak, whoever that guy is I'll support you as long as both of you love each other." nakangiting sabi niya.
"Promise?" tinaas ko ang pinky finger ko.
Lalong napangiti ang ina niya at tumaas ang isang kilay. "Ano ka bata?"
"Gusto ko lang makasiguro."
"I promised." her mother answered her pinky.
Taimtim niyang tinitigan sandali ang ina. I really hope that she'll support me kahit na si Daddy pa ang pumagitan.
"Thank you! Puntahan ko po muna si dad." agad akong tumakbo.
Hindi muna ako nagpalit, dumiretso na ako sa office ni dad dito sa bahay. Always the workaholic kaya kahit sa bahay mag opisina siya.
Kumatok muna ako bago buksan ang pinto.
"Hi dad." I smiled sweetly. Kailangan mag pa good shot e.
For her, her dad is the handsomest man pangalawa lang si Wesley. Ang kwento noon ng mommy niya kinailangan daw ipaplastic surgery ang mukha ng dad niya dahil sa aksidente nito. Dati na raw magandag lalake ito, di naman raw nalalayo ang dating mukha nito sa ngayon. Walang kahit na anong picture ang magulang niya sa dating itsura ng ama, she didn't know why.
"Dont hi me young lady maupo ka." he said pointing to the chair infront of his table. "Ano na naman itong nabalitaan ko na may binugbog kang school mate mo? Seriously Hillary? Huling taon mo na to at hanggang ngayon di ka parin nagbabago."
Napakamot ako sa ulo. Eto na nga ba ang ayaw niya ang masermonan ng ama. Di nga siya napapatalsik sa school pero may misa naman siya kay Father Sebastian tuwing may ganitong kaganapan.
"Dad... sinubukan ko namang pigilan ang sarili ko pero wala namang nagtangkang ibang tumulong so I step in."
"And you think that beating the shit of that boy is right?"
"Ahh... yes?" kunot noong sagot ko.
Nanlaki ang mata ng nito. "Yes ka dyn! Minsan nagdududa na ako kung babae ka ba talaga. Hindi naman ganyan ang mommy mo."
BINABASA MO ANG
Taking Chances
ChickLitPag di ka pa handang masaktan, hindi ka pa handang magmahal. Are you brave enough? 🌸 Medyo magulo pala ang pagkakasulat ko nito. I'll edit this pag sinipag kayo. Nasa inyo nalang kung makayanan niyong basahin.