"Hi Ms. Bianca, for you"
"Mandiri ka nga sa sarili mo, hindi kita type no. Here! Sayo na yang bulaklak mo!" Pagtataray ko.
Alam kong maganda na ako kaya hindi ko kailangan ng manliligaw lalo na kung mukha lang hampas lupa.
"Bianca!"
Paglingon ko si Monique, masama ang tingin sa akin.
"Akin na nga! Sige alis na bilis!"utos ko dun sa estudyanteng nag abot ng bulaklak.
Bwiset tong si Monique. Talo pa ng Cctv kung magbantay.
"Happy?" Wika ko sabay wagaywag ng bulaklak.
Ngumisi lang ito.
Mukhang naisahan ako ni Papa at Monique. Pero dahil maganda ako, hindi ako papatalo.
-------------------------------------------------
"Hoy! Alis dyan, pwesto ko yan!" wika ko sa tatlong babaeng nakaupo sa favorite table ko sa cafeteri.
"Sorry po Ms. Bi-----"
"Wag kayong umalis, lilipat na lang kami ng ibang upuan"awat ni Monique.
"What? Pero pwesto ko yan, sila ang maghanap ng ibang pwesto!" Maktol ko.
"Bian....ca...." wika ni Monique habang hawak ang cellphone nito.
"Fine! Bwiset!" wika ko.
Kainis! Para lang di ako itapon sa Paris ginagawa ko ang bagay na ito?
"Naiinis na ako sayo ha, humanda ka sa akin!" banta ko kay Monique.
"Kung kaya mo"
"Eh kung kaya ko! Pagbuhulin ko kayo ni Papa eh!"
"Do it!"
Hindi na ako umimik pa. Padabog ko kinuha ang gamit ko at umalis.
Dumeretso ako sa parking lot.
"Key!" sigaw ko sa driver ko.
"Pero Ms. Bianca----"
"Ibibigay mo o mawawalan ka ng trabaho?!"
Agad naman nito ibinigay ang susi ng kotse. Sumakay ako at pinaharurot palabas ng School.
NAKAKAINISSSSS!!
BINABASA MO ANG
A Beautiful Monster
Teen FictionSa sobrang ganda ko ang daming insecure sa akin. Well, I don't care kasi maganda ako.