"Hindi pa ba tayo uuwi?"
"Ano ka ba naman bestfriend, kadadating lang natin oh"-Monique
"Oo nga Ms. Sungit, magsisimula na oh"-Epal
"Ang sakit na kaya ng paa ko, ang ganda ganda ko tapos pinaglakad nyo ako ng malayo? My gosh!"-ako
Nagtaka naman ako nang umupo patalikod sa harap ko si Epal.
"Oh anong problema mo?"-ako
"Pasanin kita Ms. Sungit"-sya
"What?!"-ako
"Pasan ka sakin para hindi ka mahirapan tumayo dyan"-sya
"No way! Eww amoy pawis ka noh, saka ayoko ngang hahawakan mo ko!"-ako
"Ang arte talaga ng kaibigan mo Monique"-sya
"Ate Bianca ano pong sikreto nyo sa maganda nyong kutis?"- tanong ng hmmm I think cousin ni Epal.
"Oh well, natural na yan. Ganyan talaga magaganda"-pagmamalaki ko.
"May boyfriend ka na Ate Bianca?"-tanong pa nito.
"Ang tunay maganda, hindi nagbo-boyfriend ng kung sino sino. Kaya nga wala pa ako boyfriend kasi hindi basta-basta ang gusto ko"-ako
"Ano po ba mga gusto nyo sa isang lalaki?"-tanong pa nito.
"You're so madaldal huh, too young for that little girl. Study first okay?"-paalala ko.
Oo na,mabait ako ngayon. Minsan lang yan kaya samantalahin nyo na.
"Okay"-sagot naman ng cousin ni Epal.
"Buti ka pa madaling kausap, eto kasing pinsan mo ang kulit kulit"-reklamo ko.
"Mabait naman yang si Kuya Syd eh. Alam mo ba Ate Bianca, ikaw ang unang babaeng dinala nya dito"
"What's the big deal, dalawa kami ni Monique oh"-ako
"I mean, mas close kayo diba Ate? I think crush ka ni Kuya Syd. Ayieee!"- bulong nito.
"What? Crush? Eww no way!"
"Mika ano ba yang binubulong bulong mo kay Ms. Sungit"-tanong ni epal.
"Mine your own business"-wika ko.
"Sungit talaga, kaya love na love kita eh"-banat ni epal.
"What!!? Love?"-ako na nanlalaki pa mata.
"Wala...nevermind"-sya na ngumiti.
"Ayan na mag-start na"-Monique.
"Tss ano ba kasi yan"-ako
"Basta manood ka na lang Ms. Sungit, mag eenjoy ka"-epal
9pm na kami nakabalik ng bahay nina epal. Aaminin ko, nag-enjoy ako. Nakakatuwa naman kasi yung mga nagperform. Magagaling sila infairness at may ganda din namang taglay. Yup! Beauty Contest yung pinanood namin. Pasalamat sila hindi ko type sumali sa mga ganung contest, baka kasi wala nang magtangkang lumaban pa sa kagandahan ko.
Nag enjoy din ako sa kakukitan ni Mika (cousin of Epal). Tinuruan nya ako kumain ng fishball, kwek-kwek at yung isaw ba yun? Syempre diring-diri ako nung una pero nun matikman ko halos pakyawin ko ang tinda ni Manong panot.
Sumakay din kami sa ferris wheel at sa horror train. Medyo mabantot nga lang dun sa horror train, may nasampal nga akong nanakot eh.
Isinama din ako ni Mika na maglaro ng color game, bingo at yung binabato na ang prize is yung mga stuff toys? Oh well, sige na sasabihin ko na, magaling si Epal kasi nakakuha sya ng isang mickey mouse at isang teddy bear na pilit nya ibinigay sa akin.
Si Monique naman ay nagsusuka dahil naghilo sa pagsakay sa ferris wheel. Kadiri nga kasi ang baho!!! Buti na lang may dala akong alcohol and perfume.
"Oh Ms. Sungit nag-enjoy ka ba?"-tanong ni Epal na nagsasara na ng bintana.
"Hmmmp yeah, thanks to Mika"-ako
"Good thing na nagkasundo kayo ni Mika. Sabik kasi sa Ate si Mika mula nang mamatay si Ate Mella"-sya
"Who's Mella?"- sabat ni Monique na nagsusuklay.
"Ate ni Mika, obvious ba Monique duhhh!"-- ako
"I mean yeah Ate nga ni Mika, asan sya?"-Monique.
"Nasa heaven na"-epal
"Oh I see, ano nanyare?"-Monique.
"Tsismosa mo"-ako
"Sus, if I know gusto mo din naman malaman"-Monique.
"Ofcourse not!"-depensa ko.
"Namatay sa sakit na cancer two years ago"-epal
"Awww, sad naman"-Monique
"Aso ka?"-ako
Sinamaan lang ako ng tingin ni Monique.
"Close na close sila ni Ate Mella, lagi sila magkasama kaya noong mamatay si Ate Mella halos nawala na din ang sigla ni Mika. Buti nga lang at medyo nakakarecover na sya. Nakikita siguro ni Mika si Ate Mella sayo Ms. Sungit. Masungit din kasi yun pero mabait"-epal.
"So kasing ganda ko din?"- ako
"Hmmm lamang ka lang siguro ng mga isang paligo"-epal
10pm na ako dinalaw ng antok. Si Epal kasi ang daming kwento. Si Monique naman ang dami ding tanong. Ewan ko ba kung bakit nakikisakay ako sa kabaduyan ng dalawa na ito. Hay naku! Pero inaamin ko na nag-enjoy ako ngayong araw.
![](https://img.wattpad.com/cover/62195921-288-k846495.jpg)
BINABASA MO ANG
A Beautiful Monster
Teen FictionSa sobrang ganda ko ang daming insecure sa akin. Well, I don't care kasi maganda ako.