7pm na pero yung babaeng sawa nasa tabi parin ni Syd. Ewan ko ba pero irita ako sa pagmumukha ng babaeng yun. Bukod sa hindi na nga maganda, ang arte-arte pa!
"Oh bff bakit ang tahimik mo ata"-si Monique na bigla na lang sumulpot sa likod ko. Nandito kasi ako sa bintana ng kwarto,nakadungaw habang pinapanood ang mga abala sa pagluluto ng handa bukas.
"Kelan pa naging masama ang maging tahimik. Oh bakit tumaas kana, tapos ka na ba sa ginawa mo?"-tanong ko at naglakad papunta sa harap ng salamin at nagsuklay.
"Hinahanap ka kasi ni Mika, sama daw tayo sa peryahan"-sya
"Wala akong ganang lumabas"-matamlay kong tugon dito.
"Bakit, masama ba pakiramdam mo?"-tanong nito na dinampian ng kamay ang leeg ko.
"Wala akong sakit, tinatamad lang ako lumabas. Kayo na lang kung gusto nyo"-ako
"Sus, sama ka na para naman malibang ka"
"Ayoko nga, baka makasampal lang ako ng babaeng panget!"-ako
"Hahaha babaeng panget? The who?"-sya
"The who ka dyan, edi sino pa bang panget dito edi yang babaeng sawa na kung makapulupot kay Sydney akala mo mawawala"-maktol ko.
"Omg!"-biglang tili ni Monique at tumakbo patakbo sa akin.
"Oh bakit? Kung makatakbo ka dyan, anong nakita mo? May ipis ba? Daga? Multo? What?!"-sunod sunod kong tanong.
"Kinikilig ako!"-sya
"Huh? Kinikilig? Saan? Kanino? Sa dalawang panget na yun?"- tanong ko sabay turo sa dalawang naglalampungan.
"Kinikilig ako kasi nagseselos ka eh hahaha! OMG! Bff ngayon ko lang uli nakitang nagselos ng ganyan. Last time na makita kitang ganyan kay Mike pa habang ka-skye mo ako hahaha"
"Gusto mong paduguin ko yang mukha mo? Sinong may sabi sayo na banggitin ang pangalan ng lalaking yun!!"-galit kong tanong dito.
"Oopps! Sorry,bff na excite lang kasi ako"-sya
"Lumabas ka na nga!"-sigaw ko.
"Oo na, jusko ang bilis mo mag-transform"-sya.
"Leave!!"-sigaw ko pa dito.
Kainis! Bakit kailangan pa nya yun banggitin. Lalo tuloy ako nabwiset!.
Flashback....
"Suprise!!!"
Gulat na gulat ako nang bumulaga sa akin ang mga kaibigan ko dito sa Paris. Mga pilipino din sila at iilan lang ang may lahi.
"OMG what is the meaning of this, guys!?"-Ako
"Si Mike kasi kinulit kami to help him para sa Birthday Suprise na ito for you"-kwento ni Zia
"Ughh! Ang sweet talaga ng loves ko"-niyakap ko si Mike at hinalikan sa pisngi.
"Basta para sa loves ko"-hinalikan din ako nito.
"So kelan ang kasal?"-tanong ng isa sa mga kaibigan namin.
"Grabe kasal agad? I'm too young for that, baka patayin ako ni Papa!"-ako
Nagkakasiyahan kaming lahat nang dumating ang isang babae.
"Happy Birthday Bianca"-bati nito, sabay beso sa akin at kay Mike.
"Thank you A-Ate Bea"
"Here, gift ko for you" -inabot nito ang isang pink na paper bag.

BINABASA MO ANG
A Beautiful Monster
Novela JuvenilSa sobrang ganda ko ang daming insecure sa akin. Well, I don't care kasi maganda ako.