Chapter 2

14 2 0
                                        

The next day....

"Hoy Bianca alam mo na ba ang latest tsismis?" bungad agad sa akin ni Monique, one of my true friend.

Yeah I know, may totoo akong kaibigan kahit masama ugali ko.

"Wala ako pakealam sa tsismis na yan" pagtataray ko.

"Ayaw mo malaman kahit involved ka?"

"Tss! Hindi ka pa ba sanay na laging pinag uusapan ang bestfriend mo? Magtaka ka kung one day hindi na pinag uusapan ang kagandahan ko" wika ko.

"Sabagay, pero this time mas kinaiinisan ka na dahil nag resign si Mr. Manzano. Inis na inis sayo ang mga studyante"

"So what? Wala akong pakealam sa kanila. Ako ang may-ari ng school na ito kaya wala silang pakealam kung sino ang patalsikin ko sa School na ito. Kahit sila kayang kaya ko silang patalsikin"wika ko.

"Ikaw talaga, ubod mo ng maldita!"

"Maganda naman"wika ko sabay hawi ng buhok.

Nasa hallway na kami papunta sa classroom. Well, asual pinag bubulungan na naman ako ng mga insecure.

"Napakamaldita"

"Maganda nga, ang sama ng ugali"

"Kawawa naman sina Mr. Alvarez, may halimaw na anak"

Tumigil ako sa paglalakad.

Nagtaas kilay ako sa harap ng dalawang babaeng nagsabing halimaw ako.

"Sa ganda kong ito? Halimaw ako? Tsk tsk, bad for you guys. Maybe, this will be your last day in MY....school" wika ko

"Sana hindi mo na lang pinatulan"bulong ni Monique

"Pake mo ba?"

Natahimik na lang ito.

Pagdating sa classroom iilan pa lang ang tao. Well, much better na kokonti lang kami. Less ingay, Less baho.

Maya maya lang ay may humahangos na student na pumasok sa room.
"Ms. Bianca pinapatawag po kayo sa office" wika nito.

"Tinatamad ako eh, sabihin mo sila ang pumunta dito tutal sila ang may kailangan"wika ko.

"Pero sabi po ni...."

"Bingi ka ba? I said tinatamad ako! Alis!" sigaw ko.

Wala itong nagawa kundi ang lumabas ng room at umalis. Stupid!

Less than a minute kumalabog ang pintuan ng classroom namin. Syempre nagulat kaming lahat.

"Bianca! Stand up and go to my office, now!!!!" sigaw ni Papa na umuusok ang ilong sa galit.

Ngumisi lang ako at dinedma ito.

"Bianca! I said stand up! Bingi ka ba o hindi ka makaintindi" sigaw pa nito.

"Pa, kayo po ata ang hindi makaintindi. Sinabi ko na sa estudyanteng inutusan nyo na tinatamad ako kaya kayo ang pumunta dito. What's wrong bs kasi at umuusok na naman yang ilong nyo?" wika ko.

Nagulat ang mga kaklase ko sa inasal ko. So what? Wala akong pake.

"Bianca, this is too much! Sobra na yang ugali mo! Ipapadala kita sa Paris para madisiplina ka!"

"No way! Kung gusto nyo, kayo ang pumunta sa Paris!" sagot ko.

"Pag-uwi mo nag mansion mag impake kana. Bukas na bukas aalis ka na!" Wika ni Papa sabay labas ng classroom.

Lutang parin ako. Ayoko sa Paris! Ayoko nang bumalik sa lugar na dahilan ng pagbabago ko. Ayoko makita si Bea! Ang half sister kong bruha!

A Beautiful MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon