"Hi Miss Sungit!"
"Hi mo mukha mo! Ang aga aga, binubwiset mo ang dyosa, tabi nga dyan!" wika ko.
"Wait, eto naman ang sungit. For you..." isang pink rose ang iniaabot nito.
Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa.
"Anong akala mo, type kita? Duh! Hindi ang katulad mo ang magugustuhan ko"wika ko.
"Ouch! Ang sakit mo magsalita, buti na lang gwapo ako"
"Anong connect? Pwede ba tigilan mo ko"
Deretso ako naglakad papunta sa classroom nang bigla akong na out of balance. At dahil DYOSA ako pero lampa, ang ending natumba ako.
Okay lang sana na sa floor ako nahulog pero bwiset,sa lalaking ito pa ako nahulog.
"Don't touch me! Eww!" Tinampal ko ang kamay nito na umalalay sa akin.
"Ikaw na nga ang tinulungan. Next time kasi careful lang, buti nandito ako nasalo kita"
"Whatever, alis nga dyan!"
"Thank you ha!" wika pa nito.
"Tse!"
Napaka epal talaga ng lalaking yun. Grrr!
Bakit nga ba ako nagtitiis eh pwede ko naman sya sapilitang patalsikin sa eskwelahan ko. (Evil Laugh)
The Next Day...
"Good Morning Ms. Bianca" bati ng Dean's Assistant.
"Where is Mrs. Ramos?"
"What can I help you, Ms. Bianca?" tanong ni Mrs. Ramos na lumabas sa CR ng office.
"Gusto ko patalsikin mo sa school KO si Mr. Sydney Buena. As soon as possible!"
"But Ms. Bianca, hindi po pwede ang gusto nyo"
"At bakit? Ako ang may-ari ng School na ito. What if kung pati ikaw patalsikin ko dito?" pagtataray ko.
"Wait Ms. Bianca, I will ask Mr. Alvarez"
"No! Bakit kailangan mo pa hingin ang permiso ng matandang yun? Ako ang amo mo kaya ako ang sundin mo"
"But Ms. Bianca------"
"May problema ba Mrs. Ramos?"
Sh*t, anong ginagawa ng bruha na ito sa SCHOOL KO?!
"And why are you here?" Tanong ko.
"Masama bang bisitahin ko ang school ng Papa mo?"
"This is my school kung may binabalak ka man wag mo nang ituloy, witch!" Wika ko.
"Oh, you little monster...masyado kang mainit. Hindi magugustuhan ng Papa mo yang inaasal mo"
"Wala akong pakealam, kaya kung pwede lumabas ka na, alis!" Sigaw ko.
Ngimiti lang ito at akmang bebeso sa akin pero mabilis ako nakaiwas.
"Wag mo ko lapitan, ang baho!" Wika ko.
"Tsk tsk, you are so cute little monster. Well, I have to go, see you later bye!"wika nito.
Grrrr! Bwiset!
BINABASA MO ANG
A Beautiful Monster
Fiksi RemajaSa sobrang ganda ko ang daming insecure sa akin. Well, I don't care kasi maganda ako.