Chapter 10

15 1 0
                                    

Kung inaakala nyo na magmumukmok lang ako sa kwarto ko, nagkakamali kayo. Sayang ang ganda ko kung ikukulong ko lang sa kwarto ko.

"Hoy ikaw, oo ikaw na may ribbon sa buhok. Alisin mo yan, hindi bagay sayo" utos ko sa isang maid.

"O-opo" agad naman nito inalis yung ribbon.

"Ipaghanda mo ako ng breakfast! Bilis!" Utos ko.

"Y-yes Miss"

Mukhang maaga nagsialisan ang mga bwiset sa buhay ko. Well, gusto ko nga na wala sila dito sa mansion KO.

Monique is calling....

"Hello? Oh anong problema mo?"

"Asan ka na? Diba may group project tayo ngayon?"

"Oh anong gusto mong gawin ko? Saka kaya nyo na yan, ang liliit naman ng utak nyo kung di nyo yan kaya"

"Kaya nga group project, dapat nandito ka"

"Tss, much better pumunta ka na lang dito sa Mansion. Mag-relax tayo dito sa pool"

"Hay naku, bahala ka na nga dyan"

Aba bastos na babae ito, binabaan ang Dyosa!

"Yung breakfast ko asan na!" Sigaw ko.

Nagmamadaling lumabas yung maid at dala ang breakfast ko.

"S-sorry po Miss, eto na po" wika nito at inilapag sa mesa.

"Ang kupad kupad mo! Wag ka na papasok bukas ha! Hindi ko kailangan ng makupad na maids! Tsu! Alis!"

"P-pero Miss----"

"Are you stupid? Well, yeah you are stupid, kasasabi ko lang diba? Alis!"

Luhaang umalis ang maid. Tsk! Pathetic!

*********Mall

Taas noo ako naglalakad sa mall kasama ang mga body guards ko. Ayoko sana silang isama kaya lang mapapagod ang magaganda kong kamay kung magbibitbit ako ng mga shopping bags.

"Bianca?"

Paglingon ko, nanlaki ang mga mata ko.

"Via? Ikaw ba yan?"

"Ofcourse! Sus, sa ganda kong ito hindi mo na ko nakilala?"

"Oh my, ilang doctor ba ang nagtulong tulong para pagandahin ka!"wika ko.

"You are so mean! Natural ang ganda ko noh! Unlike sa half sister mo na kahit ilang doctor pa ang lapitan nya wala nang pag-asang gumanda hahaha" banat nito.

"Kaya love na love kita eh, kelan ka pa umuwi?"

"Kanina lang, nauhaw ako kaya dumaan ako sa coffee shop. Ikaw? Mukhang hobby mo parin ang mag-shopping alone?"

"Well, alam mo naman na ayoko kasama mag shopping si Monique, she's very mainipin"wika ko.

"Kumusta na ba ang babaeng yun?"

"Pathetic parin hahaha!"

"Haha and you? How about you? Are you okay now?"

"Oh c'mon, ofcourse I'm fine. Oh wait, can we eat na muna? Sakit na ng paa ko"

"Sure!"

Sa isang Chinese Restaurant kami kumain ni Via.

Via Chua is my bestfriend. My childhood bestfriend. Since birth ata magkadikit na ang mga bituka namin sa sobrang close namin. Ni minsan wala kami pinag awayan. She is so maldita like me. And syempre, enemy ko enemy din nya.

"So kelan umuwi yung dalawang witch sa mansyon?" tanong nito.

"Last week, unang umuwi si Dina then two days after yung anak nyang dugong ang sumunod. Sinampal nga ako ni Daddy last night dahil sa dalawang yun"

"What!? Ginawa ni Tito yun? My gosh are you okay?"

"Yeah I'm fine, hindi nabawasan ang kagandahan ko dahil lang sa isang sampal. Don't worry, may pinaplano na ako para sa dalawang yun"

"Can I join?"

"Sure! Good thing umuwi ka na, wala kasi akong mapala kay Monique. Masyadong mabait, kaya sya iniwan ni Paul eh"

"Wala na sila? Diba 3years na sila?"

"Eh gaga kasi si Monique, sabi ko naman kasi sa kanya na may ibang babae si Paul. Ayaw makinig ng gaga, ayun nahuli nya sa akto. Eh syempre gaga ang bestfriend natin kaya hinabol nya. Eh ayaw na ni paul kasi hindi daw maibigay ni Monique ang pangangailangan nya. Edi crayola ang bestfriend natin. Nagpaka-under kasi sya kaya ayan ang napapala nya"

"Ay grabe naman pala si Paul. Ewan ko ba dyan kay Monique. Ang chaka naman ni Paul para habulin nya. Saka sabi ng pinsan ko mabaho daw hininga ni Paul. Ewww!"

"Ewww! Kumakain tayo oh, wag na nga natin pag-usapan ang panget na yun"

Walang katapusang kumustahan at chikahan ang ginawa namin ni Via.

**********

"Good Evening Ms. Bianca"bati ng mga maids.

Inirapan ko lang ang mga ito. Kasama ko si Via dito sa mansyon, marunong din naman ako maka-miss ng kaibigan noh!

"Oh Via, kelan ka pa umuwi?"bati agad ni Papa kay Via.

"Kanina lang Tito"

"Let's go na Via"hinila ko na si Via paakyat ng kwarto ko.

"Mag dinner na muna kayo" alok ni Papa.

Sasagot pa sana si Via pero nahila ko na agad ito sa loob ng kwarto ko at saka ko isinara ng padabog ang pinto.

"Maldita mo talaga"

"Ikaw ang nagturo sakin diba?"

"Well, thanks to me!"

"Movie Marthon?"

"Sure!"sagot  nito agad.

Bukas na namin sisimulan ang plano ng paghihiganti ng isang dyosa! I will make sure, this will be the best revenge ever!

A Beautiful MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon