Chapter 7

14 1 0
                                    

Ilang araw na ako nabwi-bwiset ha. Buti na lang maganda ako. Kahit stress, hindi nababawasan ang aking kagandahan.

"Monique!"

"Yes?"

"Anong yes ka dyan! Sobra ka na ha, pakialamera ka. Pati ba naman ikaw bwiset na din sa buhay ko?"

"Bff, ginagawa ko yun for your own good. Mali ka kaya gusto lang kita itama"

"Whatever!"

"Ms. Bianca!"

Paglingon ko si Mr. Bwiset.

"Hindi tayo close okay! Tigilan mo ako"wika ko.

"Ang sungit mo talaga, lalo ka tuloy gumaganda"wika nito.

"Uyyyy!"panunukso ni Monique.

"Pwede ba tumigil ka! Kadiri ka"wika ko

"Sus kunwari ka pa pero kilig na kilig ka naman"wika nito.

"Me? Oh c'mon, walang sinuman magpapakilig sa akin no. Sa itsura mong yan? Hahaha ewww!"wika ko.

"Ang gwapo ko kaya"

"Wow ha, ang hangin. Monique pakihinaan nga ng aircon dito sa cafeteria"wika ko.

"Comedian ka pala Ms.
Bianca, ang cute mo lalo"

"Pwede ba umalis ka sa harap ko?!"

"Bakit? Nasisilaw ka ba sa kagwapuhan ko?"

"Oh my gosh! Monique let's go na nga. Nakakawalang gana!" Hinigit ko na agad si Monique palayo sa nakakakilabot na lalaki na yun.

----------------Mansion

"Good Evening Ms. Bianca"bati ng mga maids.

"Hija, come join us"aya ni ng bruha.

"Wala akong gana"tugon ko at dumeretso na sa kwarto ko.

Nakauwi na pala si Papa. Sabagay, kahit naman umuwi sya wala din magbabago, bwiset sila pareho.

Dinampot ko ang laptop ko at binuksan ang facebook account ko.

Gaya nga ng inaasahan ko, hundred+ friend request ang bumulaga sa akin.

Well, ganyan talaga magaganda. Sa sobrang ganda ko nga ang dami ko ding haters and bashers. Ang papanget kasi nila, mga inggitera.

"Sydney Buena"
Ignore | Accept

Ang lakas naman ng loob nito. Anong akala nya? Iaaccept ko sya? No way!

Isasara ko na sana ang laptop ko nang tumunog ang notification ko.

1 Message

"Hi Miss sungit, iaccept mo naman ako"

So ewww!! Ang kapal talaga ng mukha nito. Grrrr!

Padabog ko isinara ang laptop ko at inihagis. Syempre wasak. Okay lang,kayang kaya ko bumili kahit ilang laptop.

Maya maya lang ay bumukas ang pintuan ng kwarto ko.

"Hija, anong nanyare?"

"Wala kang pakealam"sagot ko.

"Bianca!"saway ni Papa.

"Bakit ba kayo nandito? Saka hindi ba kayo marunong kumatok!?"

"Akala kasi namin kung ano na nanyare sayo"wika ng bruha na bait-baitan.

"I don't care, saka pwede ba wag kang bait-baitan, hindi bagay sayo. So get out!"wika ko.

"Bianca! Enough!" sigaw ni Papa.

"Hayaan mo na sya Benny, baka pagod lang sya. Hayaan na muna natin sya magpahinga"wika ni Bruha.

"Witch!!" sigaw ko.

Akmang sasampalin ako ni Papa nang awatin ito ni bruha.

"Halika na Benny, hayaan mo na sya"

"Ayusin mo ugali mo Bianca, namumuro ka na ha!"wika ni Papa at padabog na isinara ang pinto.

Bwiset!!

A Beautiful MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon