Chapter 24

8 1 2
                                        

Maaga pa lang ay nasa School na ako. May meeting kasi kami ng mga staff ng School ko.

"Hindi ko na pahahabain pa ang meeting na ito. Gusto ko lang sabihin sa inyo na may rules ako ipatutupad at gusto ko na lahat ng students and all of you ay susunod, or else mawawala kayo sa school ko"

"Anong rules po ba yun Ms. Bianca?" tanong ng isa sa staff

"Hindi ka makapag-antay? At sino nagsabi sayo na sumabat ka?"

"Sorry Ms. Bianca"

"Stupid!"

Hay naku, ewan ko ba sa HR department kung bakit tumatanggal sila ng mga ganitong empleyado. Bukas na bukas papalitan ko na mga nasa HR department.

"Like what I said, may rules ako na ipatutupad. Kilala nyo naman si Bea diba? Yung evil step sister ko. Simple lang ang rules ko, wag na wag nyo sya i-entertain. Gusto ko, kapag pumunta dito si Papa at kasama ang impakatang babae na yun, ipakita nyo sa kanya na hindi sya bagay sa School ko. Meaning, gusto ko na hindi nya pangarapin na tumapak muli sa School ko. Simple lang diba?"

"Excuse me Ms. Bianca, I have a question"

"Yes? Anong reklamo mo panot?" Sabi ko.

Palihim naman natawa ang ilan sa mga kasama nito.

"Ah eh, paano po kung malaman ng Papa nyo ang gagawin namin kay Ms. Bea? Baka po tanggalin kami sa trabaho"tanong ng panot na Prof.

"Sino ba ang BOSS nyo? Ako diba? Sino ba ang nagpalago ng School na pinabayaan noon ng magaling kong Papa? Ako diba? Sino ang nagtyaga sa inyo? Sino ang nagbigay ng trabaho sa inyo? Ako diba? So sabihin mo sa akin, sino ang dapat nyo sundin?" mahaba kong speech.

Tahimik lang sila pero alam ko na agree sila sa akin. Ang kakapal naman ng mukha nila kung aangal pa sila. Ako ang dahilan kung bakit kumakain araw araw ang pamilya nila kaya wala silang karapatan umangal. Ang bait bait ko na diba?

Pagkatapos ng meeting pinalayas ko na sila at pinabalik sa trabaho nila.

"Mr. Castro maiwan ka, may kailangan pa tayo pag-usapan" sabi ko sa isa sa pinakamatalinong professor na meron ang School ko.

"Yes Ms. Bianca"

Saka nyo na lang malalaman kung ano man ang pag-uusapan namin. Basta chill lang kayo.

---------------------------------------------------

Buong araw ako nasa Office ko. (Oo may sarili ako opisina sa school ko).

Hindi din ako tumanggap ng bisita o istorbo sa trabahong inaayos ko. Sipag ko diba? Para sa School ko ito.

5:45pm ko napagdesisyunan na umuwi na. Masakit na din ang likod ko at ulo sa maghapong trabaho.

"Bianca!"-Monique

"Oh? Bakit nandito ka pa?"

"Sabi kasi ni Ms. Yumi nasa office ka pa, hindi ka naman daw pwede istorbohin kaya hinintay na lang kita dito"

"So bakit nga?!"

"Si Zia kasi nag-aya mag party"

"Party? Pagod ako, saka kelan ka pa natuto mag-party e manang ka nga diba?"-ako

"Tayo tayo lang naman nina Zia at friends nya"

"Ayoko, kayo na lang. Pagod ako at gusto ko na matulog"

"Ang KJ mo, nakakapanibago ka"-sya

"Kung mahal mo pa ang buhay mo tumahimik ka na sa katatalak mo. Hayaan mo na ako makauwi kung ayaw mong masampulan kita"-banta ko.

A Beautiful MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon