"Biancaaaa!!!"
Kahit kelan bwiset ang bunganga ni Papa.
"Biancaaaa open the door!"
Ano na naman kayang problema ng matandang to? Oh well, wala naman syang ibang gawin kundi bwisitin ako. Manang mana sya sa kabit nya at sa bastarda nyang anak.
Pinagpatuloy ko lang ang pagtulog ko kahit iritable na ang tenga ko sa bunganga nito.
"Bianca I said open the door! NOW!!"
Halos gibain na nito ang magandang pintuan ng kwarto ko kaya naman napilitan akong bumangon at pagbuksan ito.
"What?" Walang kagana-gana kong tanong dito.
"Bakit mo ginawa sa Ate Bea mo yun?!"
Oh I see, nagsumbong pala ang inggetera at mang-aagaw kong half sister.
"Ano na namang kasinungalingan ang sinabi sa inyo ni Bea?"-tanong ko.
I don't like to use "ATE" since bruha sya at hindi kagandahan.
"Ganyan ka ba kasama, sinaktan mo kapatid mo!" galit nitong sabi.
"Ako ba hindi nyo man lang tatanungin kung nasaktan ako?"
Natameme ito. See? Sapul sya.
"Lumabas na kayo, inaantok pa po ako" utos ko.
"Kinakausap pa ki---"
"Wala ako pakealam sa sasabihin nyo. In the end, ako parin naman ang masama sa paningin nyo diba? So bakit magsasayang pa kayo ng laway? Just leave me alone!"
Sasagot pa sana ito nang padabog ko isinara ang pintuan ng kwarto ko. Bwiset! Ginagalit talaga ako ng Bea na yan. Humanda sya sa akin.
----------------------------
"Ms. Bianca handa na po ang Dinner" sabi ng cook namin.
"So?"
"Pinasasabi po ng Papa nyo na bumaba na kayo" dugtong nito.
"Sabihin mo ayoko kumain hangga't nandun sila" utos ko.
Bumaba naman agad ang cook namin. Mga ilang minuto lang ay may kumatok, syempre hindi ko binuksan.
"Bianca!"
Oh well, si Papa lang pala. Tumayo ako hindi para pagbuksan ito ng pintuan. Tumayo ako para dumapa sa kama ko at mag laptop.
"Bianca! Open the door!"
"Pa, pwede ba kung ano man yang sasabihin mo wag mo na ituloy!"
Nagulat na lang ako nang bumagsak ang pintuan ng kwarto ko.
"What the---Papa ano ba!!" sigaw ko.
"Ano ba talagang problema mong bata ka! Ang tigas tigas ng ulo mo!" hawak hawak nito ang braso ko.
"Ouch!"
"Kung hindi ka titino mapipilitan ako ibigay kay Bea ang iniingatan mong School!"-banta nito.
"Edi ibigay nyo! Dyan naman kayo magaling eh! Lagi na lang kay Bea, lagi na lang sa kanya ang atensyon nyo! Pati yung nag-iisang pagmamay-ari ko ibibigay nyo sa anak mo dyan sa kabit mo!!" Sigaw ko.
At dahil drama ang eksena, sinampal ako nito. Isang malakas na sampal sapat na para masugatan ang magaganda kong labi.
"I...hate you Pa! Kinamumuhiyan kita!!!" Sigaw ko dito.
"I-I'm sorry Anak..I'm sorry" sabi nito na akmang hahawakan ang mukha ko pero mabilis ako umiwas.
"Don't touch me! Ilan beses mo na ako nasasaktan dahil sa kabit mo at sa anak mo sa labas!! Get out Pa!" wika ko.
"But..."
"Leave!!!!"-sigaw ko.
Paulit ulit na lang ang eksena na ito. Paulit ulit na lang ang pananakit nya sa akin! Hanggang kelan ako magtitiis? At bakit ako magtitiis! Hindi na ito tama. At hindi ako papayag na pati ang SCHOOL ko ay mapunta sa babaeng yun!
BINABASA MO ANG
A Beautiful Monster
Teen FictionSa sobrang ganda ko ang daming insecure sa akin. Well, I don't care kasi maganda ako.