Nandito ako ngayon sa bahay nina Monique. Lumayas ako sa amin. Nag away kasi kami ni Papa. Ang kulit kasi ng matandang yun.
"Oh Bianca kapag may kailangan ka sabihin mo lang sa mga maids ha. Feel at home Hija" wika ni Tita Mina.
"Thanks Tita!" wika ko.
Ang bait ko ba? Well, kay Tita lang kasi she is so sweet. Gusto ko kasi attitude ni Tita. Like me, maldita pero sweet. Hindi ko nga alam kung bakit hindi man lang namana ni Monique sa Mommy nya yung ganung attitude. Well, maybe kay Tito Alfonso sya nagmana.
"Paano kung sunduin ka dito ng Papa mo? Kilala mo naman si Tito Benny, kaya ka nyang hanapin kung gugustuhin nya"
"Tss! Pwede ba wag na natin pag-usapan ang matandang yun. Let's watch movies na lang!" Wika ko.
Malaki ang room ni Monique pero syempre mas malaki yung sakin.
"Hindi ka parin ba nagsasawa kay Hello Kitty? Grabe, college ka na isip bata ka parin?"wika ko.
"Wag mo pakialamanan ang hilig ko okay? Nasa bahay kita kaya umayos ka" pagtataray nito.
"Wow! Kahit pala konti may namana ka kay Tita Mina pero hindi mo ko matatakot"wika ko sabay dapa sa kama.
"Here! Eto panoorin natin, Wrong Turn o kaya etong Saw, or eto na lang Zombies?"wika ko.
"Kadiri naman yan eh, eto na lang A second chance"wika nito.
"Eww! Ayoko nga nyan, lovestory? Ang baduy mo talaga, eto na lang para may thrill"wika ko.
"Ang weird mo naman"
"Maganda naman!"
Syempre ako ang nasunod. Maganda ako eh. (Anong connect? Haha)
Nakatatlong movie kami ni Monique bago ako dalawin ng antok.
1:30 am na pala...
"My gosh magkaka-eyebags ako neto!" Wika ko.
"Ikaw naman kasi ayaw mo pa patayin yan para nakatulog tayo agad"
"Eh ang useless kasi kung di ko tatapusin, ang ganda kaya! Ini-imagine ko kasi na si Bea yung pinapatay hahaha!!"
"Ang creepy mo na ha, matulog ka na nga"wika nito at tinalikuran ako.
Syempre natulog na din ako. Kawawa naman ang magaganda kong mata kung magkaka-eyebags no!
11am...
"Good Morning Ms. Bianca, pinagigising na po kayo ni Ms. Monique, ready na po ang breakfast" bungad sa akin ng isang maid.
"Oo na lumabas kana! Naiimbyerna ako sa mukha mo"
Nagulat naman ang maid sa inasal ko.
"Oh bakit ganyan ka makatingin? Ngayon ka lang ba nakakita ng magandang bagong gising?" tanong ko.
"Bastos na bata"bulong nito pero nadinig ko.
"Next time na bubulong ka lakasan mo nadinig ko eh! Kung may bastos dito ikaw yun. Natutulog ang dyosa ginigising mo!"wika ko.
Sasagot pa sana ito ang pumasok sa kwarto si Monique.
"Anong nanyayare dito?" tanong nito.
"Eh ito kasing maid nyo, sinira tulog ko"
"Sige na Manang Silvia, ako na po bahala dito"wika ni Monique.
"At ikaw, bumangon ka na dyan handa na breakfast" utos nito.
"Inuutusan mo ba ako?"
"Oo, wag ka nang magmaldita dahil wala ka sa teritoryo mo"wika nito.
"Pinapahanga mo ko ha, lumalabas na kamalditahan mo. Na-goodvibes tuloy ako"wika ko at tumayo na sa kama.
"Ewan ko sayo, bilisan mo na dyan. Kanina ka pa hinihintay ni Mommy sa baba"
"Mag-shower muna ko"wika ko.
Lumabas na ito ng kwarto. Dumeretso naman ako sa shower room. Malaki din shower room ni Monique, gaya nga ng inaasahan ko, puro Hello Kitty na naman.
Hello Kitty towels, Hello Kitty toothbrush, Hello Kitty Mirror, Hello Kitty Bathtub, Hello Kitty Curtain, Hello Kitty Slippers, Hello Kitty bath soap. My gobsh! Nahihilo ako sa dami ng Hello Kitty. Sarap sunugin ang mga nakikita ko.
After 123456789 years tapos na ako!
"Good Morning Tita!" bati ko.
"Oh Hija, mukhang napasarap ang tulog mo ah" wika nito habang abala sa pagbabasa ng newspaper.
"Ang tagal mo naman, tapos na kami kumain oh"wika ni Monique.
"Well, ganun talaga kapag maganda"wika ko.
Natawa naman si Tita.
"Nakakatuwa ka talaga Bianca. Oh sige kumain ka na dyan, kailangan ko na pumunta sa office. Basta kapag may kailangan ka wag ka mahihiya magsabi ha"
"Don't worry Tita, hindi uso kay Bianca Alvarez ang hiya. Take care Tita!" wika ko.
"Ok, see you later guys!"
----
"Oo nga pala, tumawag Papa mo hinahanap ka"
"So anong sabi mo?"
"Sabi ko nandito ka"
"What?! Bakit mo sinabi!"
"Eh anong gusto mo? Mag-lie ako?"
"Oo!"
Sasagot pa sana si Monique nang lumapit ang isa sa mga maids.
"Ms. Monique nandito po si Mr. Alvarez" wika nito.
Tiningnan ko ng masama si Monique pero ngumiti lang ito.
"Good Morning girls, pasensya na kung naistorbo ko kayo"bati ni Papa na akala mo'y maamong tupa.
Tumayo naman si Monique at bumeso kay Papa.
"Hindi naman po kayo nakakaabala. Upo po kayo at ipaghahanda ko kayo ng coffee"
"Salamat Hija pero hindi ako magtatagal"
Nakatingin lang ako sa dalawa habang kumakain. Bahala sila.
"Bianca, hindi mo man lang ba babatiin ang Papa mo?"
"Ano bang ginagawa nyo dito?!"
"Gusto ko lang naman bisitahin ang anak ko. Masama ba?"
"Anong nakain nyo at ganyan kayo umasta? Eh kahapon lang gusto nyo na ko kaladkadin sa private plane para itapon sa Paris.
"Oh I'm so sorry for that anak, don't worry hindi ko na gagawin yun. Tutal ok na naman yung deal namin ni Monique, diba Hija?"
"Yes Tito, ako na pong bahala"
"Deal?" tanong ko.
"Well, I have to go guys. Madami pa kong kailangan gawin sa opisina. Have fun!" wika ni Papa sabay layas.
Nilapitan ko naman agad si Monique para alamin kung ano yung deal na sinasabi ni Papa, mukhang hindi ko gusto ang mga ngiti nila sa akin kanina.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Monster
Teen FictionSa sobrang ganda ko ang daming insecure sa akin. Well, I don't care kasi maganda ako.