"Good Morning Ate Bianca!""Ano ba, ang aga aga ng ingay!"-reklamo ko.
"Bangon ka na Ate Bianca, tara pasyal kita sa taniman nina Lolo at Lola"-pangungulit ni Mika.
"Ikaw, akala ko hindi ka makulit eh mas makulit ka pa pala kay Epal eh. Nakita mong nagbi-beauty rest ang Dyosa inistorbo mo!-inis kong wika dito.
"Sorry, si Kuya Syd at Ate Monique kasi busy"
"What? Busy? Saan?"
"Nasa baba sila, naggagayat sila ng mga sangkap sa lulutuing handa para bukas"
Fiesta na pala bukas, kaya pala sobrang ingay ng mga tao dito sa bahay. Nagdatingan na din pala ang ilan sa mga relatives ni Epal.
"Mika, sino ba yang kasama mo? Ang gandang babae ah"-tanong ng isang matanda.
"Tiya Mila si Ate Bianca po, girlfriend ni Kuya Syd"
"Hoy hindi ko boyfriend si Syd no!"- tanggi ko.
"Naku Hija, maswerte ka kay Syd"-wika ng matanda.
"Malas po sya sakin"-wika ko.
"Naku Tiya Mila nagbibiro lang po si Ate Mika, sige po baba na po kami"-hinila ako ni Mika palayo sa tsismosang matanda.
"Hoy ikaw, bakit mo sinabi na girlfriend ako ng epal na syd na yun"
"Doon din po ang bagsak nyo Ate. Bagay kayo hehe"-panunukso nito.
"Tse! Dyan ka na nga"-iniwan ko ito.
"Oh Hija gising ka na pala, halika at ipaghahanda kita ng almusal"-bati ng Lola ni Epal.
Infairness sa Lola ni Epal ha,beauty parin.
"Asan po sina Monique?"- tanong ko.
Wala kasi sila sa baba. Nasaan naman kaya nagpunta ang mga yun.
"Nasa palengke, kinulang kasi kami sa sibuyas at bawang kaya inutusan ko. Sumama yung kaibigan mo kasi gusto daw mamakapunta ng palengke"
"Palengke? Diba mabaho at maingay dun? My gosh!"-wika ko.
"Oo Hija, piniit ko pa nga yung kaibigan mo kasi alam kong hindi yun sanay sa palengke. Kaso ayaw magpapigil kaya hinayaan ko na lang"-kwento ni Lola (nakikiLola)
"Ganito po ba talaga dito? Maingay?"-tanong ko habang hinihiwa ang tocinong inihanda sa akin.
"Naku pasensya ka na Hija, ganito talaga sa probinsya kapag magpyepyesta. Abala ang lahat sa paghahanda. Masaya ang pyesta sa mga probinsya kasi madaming palaro. Mamaya nga sasali si Syd sa agawan ng baboy"
"Agawan ng baboy? A pig?"
"Oo, mga kalalakihan na makikipag agawan ng baboy sa putikan. Naku masaya yun, mamaya sumama ka para mapanood mo"-wika nito.
"Kadiri naman po ata yun"
Hindi na ito sumagot,ngumiti lang ito.
Pagkatapos ko mag breakfast lumabas ako para tingnan kung bumalik na sina Monique.
"Oh Ms. Sungit gising ka na pala, nag almusal ka na?"- bungad agad sa akin ni Epal.
"Yeah, bakit iniwan nyo ko?"-ako
"As if naman na sasama ka eh ang sikip at ang ingay sa palengke. Mabaho din dun at mainit baka hindi ka makatagal"-Monique.
"Eh ikaw nga kinaya mo diba?"-ako
"Ako kaya ko, hindi mo naman ako kasing arte no haha"- pang aasar nito.
"Hoy! I'm not maarte no, maganda ako kaya hindi bagay na nadudumihan ako"-ako
"That's my point, kaya nga hindi ka na namin hinintay"-Monique.
"Na-miss mo lang siguro ako Ms. Sungit"-banat ni epal.
"What? Ikaw? Na-miss ko, No way!"-ako
Sasagot pa sana si Syd nang dumating ang isang babae at parang sawa na pumulupot kay epal.
"Sydney!! Kelan ka pa bumalik? Hindi mo man lang ako binisita sa bahay"-babaeng maarte.
"Noong isang araw lang ako dumating"-sagot ni epal.
"I miss you! Tara mamaya sa bayan, kain tayo sa labas"-aya ng babaeng sawa.
"Naku Kyla, busy kasi ako dito. Madami pa kami gagawin nina Lolo, saka na lang ha"
Haha buti nga sayo, as if naman na sasamahan ka ni Epal.
"Ganun ba? O sige, tutulungan na lang kita dito, tutal wala naman ako ginagawa sa bahay"
"We don't need your help, saka pwede ba wag kang mag baby talk nakakairita"-pagtataray ko.
"Teka sino ba to?"-pagtataray din nito.
Aba at maldita din ha. Kala mo naman maganda!
"Ah eh, si Ms. Bianca at si Ms. Monique, kaklase ko sa Manila"-pagpapakilala ni epal.
"Kaklase lang pala eh, bakit kung umasta kala mo kung sino"-banat ng babaeng sawa.
"So? Pwede ba umalis ka na, busy nga kami diba? Paano makakakilos nga maayos si Syd kung nakapulupot ka?!"-Ako
"So? What eh dati ko pa naman ginagawa ito kay Syd!"-sya
"Whatever! Hmp!"-padabog ako umalis sa harap nila.
"Ms. Sungit..."-tinawag pa ako ni Syd pero pinigilan ito ng babaeng sawa. Kainis!

BINABASA MO ANG
A Beautiful Monster
Teen FictionSa sobrang ganda ko ang daming insecure sa akin. Well, I don't care kasi maganda ako.