"Good Morning my beautiful face!" bati ko sa sarili ko.
Ganda ko eh!
Busy ako sa pag aayos nang may kumatok.
"Sino yan!"
"Little monster it's me, your Mama"
Eww! Ano ba naman ang babaeng ito, walang kadala dala.
"I'm busy so please leave" wika ko.
"May suprise kasi ako for you"
"No thanks, hindi ako mahilig sa suprises. Just leave" wika ko.
Hindi na ito tumugon pa. Masama ang hinala ko kaya tinawagan ko agad si Via para papuntahin sa Mansyon. Ayoko lumabas ng kwarto ko hangga't hindi ko nalalaman ang balak ng bruha na yun.
Maya maya lang ay nakatanggap na ako ng text mula kay Via.
"Ayaw ako paakyatin ni Bruhilda, hintayin na lang daw kita dito sa baba"-Via
"Sabi ko naman sayo may binabalak yan eh"-Me
"Don't worry, nagawan ko na ng paraan"-Via
"What?"-Me
"Labas ka na"-Via
"Are you sure okay na?"-Me
"Yeah"-Via
Taas noo ako lumabas ng kwarto ko at naabutan ko si Via na nakatayo habang may hawak hawak na lubid. Nang makita ko kung ano ang nasa dulo ng lubid, si Dina?
"Pinapahanga mo talaga ako Via!"
"I told you ako bahala, let's go?" wika nito.
"Sure!"
Iniwan namin si Dina bruhilda na nakagapos. Mas takot sa akin ang mga maids kaya binalaan ko sila na wag pakakawalan si Dina bruhilda.
Ewan ko lang kung hindi pa sya magtanda. Masyadong pakialamera.
Pagkagaling namin ng party ni Via umuwi ako agad ng mansyon para tapusin ang ilang papeles na kailangan kong ipakita kay Papa.
Kahit masama ugali ko, respo sable naman ako noh!
Bago pa ako makapasok ng mansyon nakaabang na si Papa na umuusok ang ilong.
"Sobra ka na talaga Bianca!"
"What? Anong ginawa ko, kauuwi ko pa Papa!"
"Ganyan ba ng paraan mo para pahirapan ako? Alam mong hindi ikatutuwa ng Mama mo ang asal mo ngayon" wika nito.
"Wag na wag mong isasali sa usapan ang Mama ko!. Bakit ka ba galit na galit? Nagsumbong na ba sayo yang bruha mong kabit? Ano? Gumawa na naman ba ng kwento?"wika ko.
"Wag mong hintayin na masaktan na naman kita!"
"Do it Pa!"
"Bukas sumama ka sa akin sa opisina, may kailangan ako ipakilala sayo"
"Sino? Anak na naman ng business partner mo? Stop it Pa, kahit ilang lalaki pa ang ipakilala mo sa akin wala ako magugustuhan sa kanila. Bukod sa mga amoy lupa, mga manyak pa! Bakit hindi na lang si Bea ang i-bugaw nyo tutal mukha naman yang bayarang babae!" Wika ko.
"Bianca!!"
Dinedma ko si Papa. Padabog kong isinara ang pintuan ng kwarto ko. Bwiset talaga ang matandang yun. Walang pagbabago! Sarili nyang anak ibinubugaw sa mga amoy lupang anak ng business partners nya? My gosh! Sa ganda kong ito? No way!!

BINABASA MO ANG
A Beautiful Monster
Teen FictionSa sobrang ganda ko ang daming insecure sa akin. Well, I don't care kasi maganda ako.