"Bianca!!!!!!!!!"
Isang malakas na tili mula sa kwarto ni Bea Ulikba ang umalingangaw sa buong mansyon.
"Oh my gosh! Bea you're too noisy!" wika ko.
"How dare you! Wag kang magkunwaring walang alam. Alam kong ikaw ang may kagagawan nito!" galit na galit nitong sigaw.
Hahaha yan ang gusto ko sayo Bea. Yung point na uusok na sya sa galit hahaha.
"Masamang mambintang Bea, saka bakit ko naman pag aaksayahan ng oras na sirain ang mga damit mo?" natatawa kong wika.
"Oh really? So sino ang magsisira nito, ang mga maids? Si Mama? Si Papa? Ako? Alam naman natin ikaw lang ang may kakayahang gawin ito. Monster!!"
"Oh eh alam mo naman pala, so anong problema mo? Eh sa gusto kong sirain mga damit mo. May pera ka naman diba? Saka kaya kong palitan lahat yan na mas mahal at mas magaganda. Ang baduy mo kasi no, saka kung tutuusin wala pa sa kalahati ng presyo ng damit ko ang presyo ng sayo. Ang cheap mo kaya!" Pang aasar ko.
"Grrrr! Get out!!" sigaw nito.
Nakangiti pa akong lumabas ng kwarto nito. Hahaha! Simpleng revenge pa lang yan Bea umusok ka na agad sa galit? Looser!
----------------------------------------------------
"Hi Sungit"
"Pwede ba wag mong sirain ang umaga ko"wika ko.
"Bakit ba ang sungit sungit mo? Hindi ka ba napapagod magsungit kahit isang araw?"
"Ano bang pakealam mo ha?"
"Alam mo ba may something special sayo na nagustuhan ko" banat nito.
Ewan ko ba pero para akong natameme.
"Hindi ko nga alam kung bakit sayo pa eh. Madami naman dyang iba na mabait at hindi masungit"
"Ano ba yang pinagsasabi mo, nakakadiri" sabi ko na naiinis na.
"Halika sama ka sakin" hinawakan ako nito sa kamay at pilit na hinila.
"Ano ba! Don't touch me!" pagpupumiglas ko.
"Tara na, hindi ka magsisisi pag sumama ka sa akin"
"Ayoko nga! Bitawan mo ko!"
Pero hindi ako nito binitawan. Pilit ako nito isinakay sa kotse.
Ano bang nanyayare sayo Bianca, bakit hinayaan mong sumama sa lalaking epal na yan.
"Saan mo ba ako dadalhin! Ipapakulong talaga kita!"
"Edi ipakulong mo, ano namang ikakaso mo sa akin? Saka hindi bagay ang kagwapuhan ko sa kulunhan" banat nito.
"Ang yabang mo!"
"Ang ganda mo" banat nito.
"I know right kaya ibalik mo na ako sa School bago pa kita ipakulong! Kidnapping to!"
"We're here!" Itinigil nito at kotse sa tapat ng isang kubo.
"My gosh anong lugar ba to!"
"Wag mo muna i-judge, come inside" hinawakan na naman nito ang kamay ko pero agad ako bumitaw.
"Don't touch me! Saka bakit naman ako papasok dyan kadiri no, ang dumi dumi"
"Halika na, may papakita lang ako sayo"
Wala ako nagawa nang kaladkarin ako nito.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang loob ng kubo. Punong puno ng ilaw, mga balloons at maliliit na pusong nakasabit sa kisami. Aaminin ko ang ganda ganda. Hindi mo aakalain na ganito ang itsura ng loob.
Hindi ko namalayan na hawak hawak na naman nito ang kamay ko.
"Tara dun sa balcony, may inihanda ako sayong miryenda"
"Baka may gayuma yan ah"
"Bakit naman kita gagayumahin kung gwapo na naman ako?" banat nito.
Sasagot pa sana ako nang hilain na naman ako nito.
"Eto ang paraiso ko"
"Wow...." bulong ko.
Eh wow naman kasi talaga. Tanaw na tanaw ko malawak na dagat. Napakaganda, napaka fresh ng hangin. Tahimik at totoong nakakatanggal ng stress.
"Sayo ba itong lugar na to?" tanong ko.
"Oo, pamana ng Daddy ko"
"Bakit nasaan ba Daddy mo?" tanong ko.
Hindi ako tsismoss ha, nagtatanong lang ako.
"Nasa heaven na"wika nito.
Medyo natahimik ako nang mapansin na bigla lumungkot ang mukha.
"Oh...." tanging nasambit ko. Totoo ba to? Nakakaramdam ako ng awa! No way!!!
"Okay lang, tanggap ko na. Two years ago mula nang mamatay si Papa sa isang car accident. Syempre dinamdam ko yun ng sobra, nawalan ako ng kakampi eh"
"Eh ang Mommy mo?"
"Si Mommy? Ayun, may iba nang pamilya kaya minsan na lang kami magkasama"
"Maging masaya ka na lang para sa Mommy mo kasi naka-move-on na sya. Atleast, nandyan parin sya"
Kinikilabutan na ako sa pinagsasabi ko pero hindi ko mapigilan.
"Wala namang masama kung magmahal sya ng iba dahil wala na si Daddy" wika nito.
"Oh yun naman pala anong inaarte mo?" Tanong ko.
"Masama loob ko kay Mommy dahil nagtaksil sya kay Daddy. Inilihim nya na may anak sya sa ibang lalaki. Itinago nya ng mahabang panahon. Ang nakakainis, kasing edad ko lang yung anak nya sa kabit nya. Dinamdam yun ni Daddy kaya lagi syang naglalasing. Yun din ang dahilan kung bakit naaksidente si Daddy. Nagmaneho sya ng lasing. Galit na galit ako kay Mommy. Pinabayaan na nya ako at pinagpalit sa kabit nya at sa anak nya!"
Sa mga sinabi nito, naramdaman ko ang galit nito. Masasabi ko ngang magkatulad kami ng karanasan. Ang kaibahan lang, hindi ako pinabayaan ni Papa.
"Ang saklap naman pala ng buhay mo boy epal pero nakukuha mo parin maging epal at bwiset sa buhay ko" banat ko.
"Feeling ko kasi pareho tayo"wika nito.
"What? No way! Hindi tayo pareho no"
"Ang cute cute mo talaga kapag nagsusungit ka" sabay kurot sa pisngi ko.
"Ouch! Baka masira ang face ko!"
"Ikaw na nga ang may sabi, maganda ka kaya don't worry hindi mo ikakapanget ang pagkurot ko sa cute mong mukha"
Sinamangutan ko lang ito.
"Tara..." hinawakan na naman nito ang kamay ko.
" Saan na naman!"
"Basta"
Ewan ko ba kung bakit naging sunod-sunuran ako sa boy epal na ito pero ang tanging alam ko lang ay nag-eenjoy ako.
Hay!! Ano ba to! Hindi to tama!
BINABASA MO ANG
A Beautiful Monster
Teen FictionSa sobrang ganda ko ang daming insecure sa akin. Well, I don't care kasi maganda ako.