Chapter 25

13 0 1
                                    

Ang ganda ganda ng gising ko today. Oh well, ito ang araw na ilalabas ko ang isa sa mga alas ko.

Dahil good mood ako, pinagtyagaan kong sumabay kumain kasama ang mga bwiset sa buhay ko. Pangisi-ngisi pa si Bea habang pinapanood akong kumain.

'Oh bakit? Ngayon ka lang nakakita ng magandang kumain?" ngumisi ako.

"Bakit ang saya mo ata, siguro may kalokohan ka na namang ginawa" banat nito.

"Pakialam mo ba? Hahaha! Pwede ba kumain ka na lang dyan. Wag mong sirain araw ko kung ayaw mong masampal kita"

"Bianca!" Saway ni Papa.

"What? Hahaha ang ingay kasi ng sampid nyo eh. Talak ng talak"

"Bianca ano ba, nasa harap tayo ng pagkain"

"Busog na ako, nawalan na ko ng gana" tumayo na ako at iniwan ang mga talunan. Humanda ka sa akin bea, hahahaha.

----------

"Mukhang good mood ka ata friend" siste ni Via.

Oh well, hindi ako pumasok ngayon. Nandito ako kina Via para ihanda ang suprise gift kay Papa mamaya sa kanyang birthday hahaha. I know! I'm bad, pero mas bad naman sila diba?

"Naiimagine ko na kasi magiging reaksyon ni Papa mamaya kapag nakita nya ang kahalayan ng anak nyang taksil haha!"

"So shall we start?" nakangiting tanong nito.

"Game!"

Hindi na namin isinama si Monique dahil KJ yun. Madaldal din yun at baka mabuking agad ang plano ko.

"Grabe, hindi ko na natapos yung video ni Bea. Ang halay,nakakasuka!" banat ni Via.

"I told you! Hahaha! Tingnan ko lang kung sya parin ang ipagtatanggol ni Papa"

------

Syempre rich kami, kaya bongga ang handaan. Lahat ng business friend, relatives namin ay pupunta.

"Hi Little Monster! Mukhang masaya ka ah! Kung ano man yang binabalak mo tigilan mo na, birthday na Papa mo ito kaya wag kang gagawa ng gulo" banat ni Dina

"Sino ka para pigilan ako? Saka pwede ba, mahal ko si Papa at hindi ako gagawa ng ikasisira nya unless...."

"Unless what?"

"Nothing, just leave. Naiirita ako sa mukha mo" banat ko.

Maya maya lang dumating na ang mga bisita. Nakita ko si Bea na kausap ang dati kong friends na inagaw nya din.

Sige lang, magpakasaya ka lang Bea. Bilang na lang ang maliligaya mong araw haha.

"Bff!" tili ni Monique.

"Can you please shut up! Ang ingay mo, kumain ka na lang tutal patay gutom ka"

"Ang sama mo, tinatablan na ako ha" banat nito.

"O e ano? Ngayon ka lang tinablan?"

"Tse!" walk-out na ito.

Ilang minuto lang nagsimula na ang program. Nagtatalak na yung host ng program. Isa isa na nagbigay ng birthday message ang mga bisita. At syempre kasali ako haha.

Si Via? Ayun nasa backstage at inireready ang plano namin.

Medyo madami ang nagmessage kay Papa. Nakakainip kaya pinatigil ko na sila.

"Ako ang anak diba? So ako dapat ang unang mag-message!" banat ko.

Then ayun na nga ako na hahaha! Taas noo pa ako umakyat ng stage. Nakita ko naman si Via na nag-okay sign.

"Hi guys! Wala naman akong mahabang message kay Papa. Pero may suprise gift ako for you Papa" Wika ko.

Nagtaka naman si Papa dahil hindi ko ugali ang magbigay sa kanya ng regalo haha. So baduy eh!

Maya maya pa at bumukas na ang projector. Nag-play ang video. Umalingawngaw ang boses ni Bea at ang kalandian nito sa video. Lahat ng tao napanganga. May nagbubulungan, may nagulat. Pero priceless ang mukha ni Bea hahaha at ng Nanay nitong mangkukulam.

"See? Sya ba ang pinagmamalaki mo Pa? Yan ba ang matino? O ngayon, ayan ang babaeng kinakampihan mo. Ang galing gumiling diba? Ang galing umungol, siguro cum laude yan sa course nyang Bachelor of Kalandian major in Kapokpokan! My god! Sa bahay pa natin nagdala ng basura?"

Kitang kita ko si Bea na namumula na sa galit. Si Papa? Ayun nag walk out na. Hahahaha!

"Have a wonderful night everyone! The party is over! Goodnight!" banat ko sabay baba ng stage.

Pero bago pa ako makalakad palayo sa stage may humila na ng buhok ko.

"How dare...*pak!*" isang sampal ang isinagot ko dito.

"Sino nagsabing pwede mong hawakan ang buhok ko?" mataray kong tanong dito.

"Bakit mo ginawa yun! Hindi ka na naawa kay Papa! Puro sama ng loob binibigay mo sa kanya..." Banat nito.

"Wow! Just wow! Ako pa ang suwail na anak ha. Eh ano yun? Hahaha! Sino ba nasa video? Sino ba ang nagbigay ng sama ng loob kay Papa? Ako ba ang nasa video at gumigiling sa ibabaw ng isang lalaki? Diba ikaw?" banat ko.

Akmang sasampalin ako nito pero nasalag ko agad.

"Ano? Lalaban ka parin? Hahaha madami akong hawak na video Bea. Lahat ng kalandian mo at kalokohan alam ko. Mild pa nga lang yan eh!"

Maya maya ay natanaw ko na si Via kasunod si Monique.

"Ano ba Bianca! Ano yun?" tanong ni Monique.

"Bulag lang?" banat ni Via kay Monique.

Tiningnan ko mula ulo hanggang paa si Bea.

"Kinalaban nyo ako, magsisi ka ngayon. Umpisa pa lang yan Bea. And by the way, goodluck later. Bye!" banat ko dito sabay walk-out.

Nakangiti akong sumakay ng kotse ko. Hahahaha! Good job Bianca!



A/N: Whooo welcome back to me! Mejo boring update ko huhu sorry guys! Busy lng talaga...I'll try my best para makapag update ulit. Mwah!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Beautiful MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon