"Breakfast is ready! Wake up my dearest step mother!!" wika ko.
"Ano ba Bianca, istorbo ka sa tulog ko"
"Wake up, here oh pinaghanda kita ng breakfast. Hurry up, after mo magbreakfast mag ready ka na"
"Bakit ba! Ano bang meron, wala namang sinabi ang Papa mo na may lakad tayo"
"Naiisip ko kasi Tita Dina oh I mean Mama Dina (ewwww) na wala pa tayong bonding (ewww) kaya naisipan ko na ayain ka na lang mag shopping tutal hilig mo yun. So be ready my dearest step mother"
"Anong nakain mo at ang bait bait mo ata little monster? Natanggap mo na ba na talo ka at kami ang panalo ni Bea"
"Eto naman ang gusto ni Papa right? Kaya tigilan mo na ang katatanong at kumain ka na dyan para may lakas ka mamaya"wika ko.
Lumabas na ako sa kwarto ng bruhang si Dina. Nakakadiri yung mga pinagsasabi ko pero kailangan.
Bumalik ako sa kwarto ko at tinawagan si Via.
"Ano okay na ba?"
"Eto nga at kumakain na ang bruha, mga 10 am tayo magkita sa mall ha"
"O sige"
"Ready na ba yung mga tao mo?"
"Oo okay na daw, tayo na lang ang hinihintay"
"Good! See you! Bye"
Napangisi ako. Sa wakas makakaganti na din ako sa bruha na yun.
Bea you will be the next so be ready.
***Mall
"Look Mama bagay sayo to, eto din oh, isukat mo din ito Mama" sunod-sunod kong iniabot kay Dina Bruhilda ang mga mamahaling damit.
"Ang dami naman nito"
"Sige na Mama isukat mo na, sayang naman yan bagay sayo. Give me your bag Mama para mabitbit mo lahat. I'll wait for you na lang dito sa labas ng fitting room" pang uuto ko.
"No thanks, ako na lang magdadala ng bag ko baka kung ano pa ang gawin mo eh"wika nito.
Sige lang...
Pumasok ito sa fitting room habang si Via naman ay nasa kabilang fitting room.
"Mama balikan ko na lang kayo ha, may nakita kasi ako sa kabilang store na magandang shoes na bagay sayo"
"Okay little monster" tugon nito.
At dahil dyosa ako at mayaman, binayaran ko ang security staff na iedit agad ang cctv kung saan pumasok sa fitting area hanggang sa paglabas sa fitting area si Dina Bruhilda
Text Convo namin ni Via.
Me: Via nakalabas na ako ng botique. Ok na ba ang plan A?
Via: Ok na
Me: The best ka talaga, labas ka na dyan bago ka mahalata ni Dina.Natanaw ko na agad naman lumabas si Via at binayaran ang sinukat nito. Isinunod na din nito ang plan B.
Habang nasa kabilang store ako nadinig ko na agad ang pag eeskandalo ni Mama Dina sa loob ng kabilang store.
"Oh my gosh! Hindi ko yan ninakaw, mayaman ako! Kaya ko kayong sampalin ng pera!" Pag mamayabang nito.
"Kung hindi nyo yan ninakaw bakit nasa bag nyo?"
"Malamang may naglagay nyan sa bag ko!"
"At sino naman po ang maglalagay nyan eh kayo lang po ang customer namin na nasa loob ng fitting area"wika ng cashier.
"Imposible!"sigaw ni Dina Bruhilda.
"Sumama na lang po kayo sa amin Ma'am" aya ng mga security.
"No! Don't touch me! Bianca! Bianca where are you? Wait, may kasama ako na magpapatunay na may pera ako. Kasama ko ang anak ko" Sigaw nito.
Sorry for you Dina, hindi mo ako anak no. Kadiri.
Halos mamula na ako sa katatawa kasama si Via. Poor Dina Bruhilda. Nakakahiya ang itsura nya hahaha. Agaw eksena ito habang nagpupumiglas ito sa mga security.
"Oh my gosh! Via ang taray! Na-video mo ba? Patingin bilis!"
"Here!"
Tawa ako ng tawa habang pinapanood sa video ang pagwawala ni Dina Bruhilda.
-------Chinese Restaurant...
"May lahi ka bang ninja Via? Ang bilis mo kasi nailagay sa bag ni Dina bruhilda yung damit"
"Sakto kasing may kausap sa phone yung bruha. Sinilip ko pa nga eh, nakatalikod sa bag nya so mabilis ko nai-shoot sa bag nya yung damit and that's it! Job well done"
"Ang galing galing mo talaga friend manang mana ka sa akin"wika ko.
"At dahil successful ang plano natin ikaw ang magbabayad ng kinain ko" wika nito.
"No problem, kahit kainin mo pati ang restaurant na ito kayang kaya kong bayaran" wika ko.
"Good! Waiter!" tinawag nito uli ang waiter na akala ko ay kukunin na ang resibo....
"Order na din ako nito, saka ito, pati na din ito, then mag take out na din ako nito" wika ng patay gutom kong kaibigan.
"Oh my gosh! Patay gutom?" Wika ko.
"Minsan ka lang manlibre, susulitin ko na. Saka nagutom ako sa mga pinagawa mo no!" Wika nito.
Pasalamat ang patay gutom na ito at masaya ako. Napasaya ako ng katangahan ni Dina Bruhilda.

BINABASA MO ANG
A Beautiful Monster
Dla nastolatkówSa sobrang ganda ko ang daming insecure sa akin. Well, I don't care kasi maganda ako.