Chapter 21

11 2 0
                                    

Tanghali na ako nagising. Well, actually nagising ako dahil sa ingay.

"Lola yung Menudo po ba dito ilalagay?"

"Oh Lolo yung mga plato po ok na po"

"Mika pakidala nga sa kusina ito"

Jusko kanya kanyang dakdak ang mga tao dito. Ang iingay!

Fiesta na pala, ako eto maganda parin.

"Good Morning Ms. Sungit, mukhang masarap ang tulog mo ah. Tara sa kusina paghanda kita ng almusal" aya nito na may bitbit pang upuan.

"No need, hindi ko kailangan ng tulong mo. Where's Monique?!"-tanong ko.

"Oh Bff gising ka na pala, maligo ka na para makapag almusal ka na. Baka magdatingan na mga bisita"-si Monique.

"Inuutusan mo ba ako? Ipaghanda mo ko ng breakfast, bilis!"-utos ko.

"Heto na naman po ang mahal na Prinsesa, tinotopak na naman. Palibhasa nagseselos"-banat ni Monique.

"Monique shut up!!"

"Nagseselos si Ms. Sungit? Kanino?"-tanong ni Syd na forever epal.

"Wala kang pakealam, pwede ba iwan mo na ako dito!"-pagtataboy ko.

"Si Ms. Sungit talaga tinotopak na naman oh sige na, basta kapag may kailangan ka just call my name and I'll be there!"- sabi pa nito bago maisara ang pinto.

Grrr!!

10am na ako lumabas ng kwarto. Nasa labas ang karamihan ng bisita. May nagkakantahan, nagtatawanan at may mga batang naglalaro. Nasaan na naman kaya si Monique?

"Ate Bianca!"-bati ni Mika.

"Oh anong problema mo?"-tanong ko.

"Tara sama ka sa amin, punta kami sa tabing ilog"-aya nito.

"Ha?"

Sasagot pa sana ako pero nahila na ako ni Mika. Tutal naiinip na din ako at walang makausap, sumama na ako.

"Wow ang ganda!"-namangha ako sa ganda ng ilog. Ang linis linis kasi ng tubig at ang lamig lamig.

"Gusto mo maligo Ate?"-tanong ni Mika na nagsimula na lumusong sa ilog.

"Hindi ako marunong lumangoy, saka baka malalim yan"

"Hindi ka marunong lumangoy? Diba kayo tinuturuan sa School nyo kung paano lumangoy? Yung kapit-bahay kasi namin na nag-aaral sa Manila swimmer"-kwento ni Mika

"Takot ako sa tubig...hoy ingat ka dyan oh, ang daming bato oh baka madulas ka"-paalala ko.

"Relax ka lang dyan Ate, sanay na po kami dito"-pagmamalaki nito.

Nag-race pa sila ng mga kalaro nito. Ang gagaling nila lumangoy, nakakainggit.

"Ate Bianca!" Kumakaway pa sa akin si Mika.

Palihim ko ito kinuhanan ng Picture. Ang cute cute talaga ni Mika, makulit nga lang. Sana may Little Sister din ako.

"Syd, ang sakit na ng paa ko. Pasanin mo naman ako"

Napalingon ako.

At ano namang ginagawa dito ng mga haliparot na to! Sinisira nila ang araw ko.

"O sige pasan ka na" umupo si Syd. Sumakay sa likod nito ang babaeng sawa.

"Thank you Syd, na-miss ko ito"-sabi nung babaeng sawa.

Maya maya lang ay nakita na ako ng mga ito.

"Ms. Sungit nandito ka lang pala, kanina ka pa hinahanap ni Monique"-sabi ni Syd.

"Pake mo? Saka bakit ba kayo nandito!"-pagtataray ko.

"Aba at maldita ka talaga ha. Kung umasta ka kala mo kung sino ka. Ang panget ng damit mo!"-banat ni Babaeng sawa.

"Kyla!"-awat ni Syd.

"Eh kasi naman Syd ang----"

"Bakit? Anong akala mo sa sarili mo maganda ka? Sa tingin mo ikinaganda mo yang kalandian mo? Excuse me lang ha, mas mahal pa sa buhay mo itong damit ko. Baka kapag ikaw ang nagsuot nito magmukha ka lang katulong. Saka pwede ba manahimik ka, kami ang nag uusap ni Epal wag kang sumasabat!"-sabi ko.

Umuusok ang ilong sa galit ang babaeng sawa na anytime gusto nang manuklaw haha.

Akmang sasampalin ako nito pero ready ako kaya naunahan ko na agad itong sampalin.

"Ooopss! Sorry, automatic kasing nanampal ang kamay ko sa mga mukhang hayop!"-sabi ko, sabay ngiti.

"How dare you!!"-sigaw nito.

"Wow, nakakapag english pala ang babaeng sawa? Bigyan kita ng award, you want?"-sabi ko.

"Kung inaakala mo na maaagaw mo sa akin si Syd nagkakamali ka!"-galit na sabi nito.

"As if naman na aagawin ko sayo yang Syd MO! Isaksak mo pa dyan sa dede mong flat!"-mataray kong sabi.

"Anong sabi mo!?"

"My gosh! Chaka na nga, slow pa! Kawawa ka naman!"-sabi ko.

"Ms. Bianca please tama na. Sobra ka na,nasaktan si Kyla"-sabi ni Syd.

"So kinakampihan mo ang babaeng sawa na yan? Oh well, bagay nga kayo!! Mga bwiset! Tabi nga!"- sabi ko at hinawi sila.

Kainis!!
Naglakad ako pabalik ng bahay nina Epal. Uuwi na ako ng Manila. Bakit ba ako nagpunta pa dito. Bakit pa ba ako sumama sa pesteng lakad na ito!

*Bahay....

"Anong nanyare sayo?"-tanong ni Monique.

"Uuwi na tayo ng Manila" nagsisimula na ako mag empake.

"Ha? Pero bukas pa ang uwi natin diba?"

"Monique, kung ayaw mong umuwi edi wag! Basta ako uuwi na ako! Isang katangahan na pumayag akong sumama sa lalaking yun!"-inis kong sabi.

"Ano ba kasi ginawa sayo ni Sydney?"-tanong nito.

"Kung sasama ka sa akin pabalik ng Manila mag empake ka na, kung hindi naman ay bahala ka na dyan"-sabi ko.

"Hija saan ka pupunta?"-tanong ng Lolo ni Syd nang makita akong lumabas ng kwarto bitbit ang maleta ko.

"Uuwi na po ako Manila, sige po, salamat sa pagpapatuloy"-paalam ko.

Hindi ko na ito hinintay pang makasagot. Dere-deretso ako lumabas ng bahay. Natanaw ko pa si Syd at ang babaeng sawa na papalapit sa akin.

Grrrrr! Ang sarap nyong pagbuhulin!.

Pumara ako ng tricycle at nagpahatid sa terminal ng jeep. Nadinig ko pa ang pagtawag sa.pangalan ko ni Monique at Syd pero dinedma ko lang.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero inis na inis ako tuwing makikita si Syd at ang babaeng yun! SELOS? No way! Hindi pwede! No way!

A Beautiful MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon