Chapter 13

10 1 0
                                    

"Oh Hi my dear step mother!" Bati ko kay Dina Bruhilda.

Inirapan lang ako ng bruha. Oh well, si Bea ang hinahanap ko. Plinaplano ko na kasi ang paghihiganti ko sa ulikbang babae.

"Where's Bea?" tanong ko pero dedma ang bruha.

"Kelan ka pa nabingi Dina Bruhilda?" banat ko.

Natigilan ito sa pagbabasa ng magazine at tinitigan ako ng masama.

"Oh bakit? Ngayon ka lang nakakita ng maganda?"

"Anong binabalak mo at hinahanap mo si Bea, little monster"

"Wala kang pakealam, sabihin mo na lang kung nasaan yang anak mong ulikba!" banat ko dito.

"At bakit ko naman sasabihin sayo?"

"Sasabihin mo sakin kasi kung hindi sasabihi ko kay Papa na nagsugal ka kagabi! Kilala mo si Papa, ayaw nya sa mga sugarol" wika ko.

Nanlaki ang mga mata ng bruha sa sinabi ko.

"Oh nagulat ka no? Alam ko bawat galaw mo Dina Bruhilda. Anytime pwedeng pwede ko ipakita kay Papa ang video mo habang nasa casino"wika ko.

"Do it and I will kill you!" banta nito.

"Hahahaha really? Then do it!" hamon ko.

"Maldita ka talaga!"sigaw nito

"And maganda!" dugtong ko.

At syempre nag walk-out na ako. Ang tunay na dyosa nag-wa-walk-out.




*****School...

Ang bilis talaga ng panahon. Hindi ko man lang namalayan na malapit na pala ang Christmas. Two months na lang. Pero syempre mauuna muna ang araw nina Dina at Bea sa November 1.

"Bestfriend!"

Sino pa nga ba edi si Monique. Ilang araw din kami hindi nagkakausap ng babae na ito. Ilang araw kasi akong hindi pumasok kas nabwibwiset ako sa lalaking bwiset sa buhay ko.

"Hi Ms. Bianca, long time no see"

Speaking of the devil. Nasira na agad ang araw ko.

"Buhay ka pa? My gosh! Ilang araw din ako hindi pumasok para lang hindi kita makita tapos nandito ka parin?!"

"Hindi mo ba ako na-miss?" ang nakakakilabot nitong tanong.

"Kilabutan ka nga! Bakit ba ang epal mo ha!"

"Excuse me, Ms. Bianca Alvarez?" tanong ng isang...hmmmm I thing delivery boy.

"Yes? Anong problema mo?!"pagtataray ko.

"May pinadeliver pong flowers for you" sagot nito.

"At kaninong hampaslupa galing!?" mataray kong tanong.

"Tingnan mo kaya yung card" singit ni Monique.

"Ikaw ang nakaisip edi ikaw ang gumawa!"mataray kong sabi.

"Eh wala naman nakalagay na pangalan. Baka sa secret admirer mo yan bestfriend ayiiii!" panunukso ni Monique.

"Gusto mong ihampas ko sayo to?! Oh ayan, sayo na lang. Kung ayaw mo naman itapon mo!" pahagis kong iniabot kay Monique.

"Teka,para sayo yan diba? Bakit mo itatapon?" tanong ni boy epal.

"Ang epal mo! Kung gusto mo sayo na lang kainin mo tutal mukha kang patay gutom!"

"Bianca, that's too much! Kawawa naman si Sydney" wika ni Monique.

Wow, hero ang peg ni bestfriend.

"Oh edi magsama kayo, bagay kayo!" wika ko.

Iniwan ko sa labas ng classroom ang dalawa para may moment naman sila.

Nakaka stress naman ang araw na ito, buti na lang maganda ako.

Akala ko makakapag relax na ako pero may isa lang bwiset na pumasok sa room.

"Oh anong ginagawa mo dito! Bawal ka dito, alis!" pagtataboy ko.

"School to ni Papa kaya karapatan ko din pumunta dito" pagtataray nito.

"Stupid! This is my school, ilang months na lang sa akin na totally ang School na ito. And for your information, stupid! Si Mama ang nagpundar ng School na ito. So sa makatuwid, wala kang karapatan tumapak sa terotoryo ko! Just leave or else ipapalapa kita sa mga alaga kong dogger man na nakakulong sa basement ng School KO!!" Ang mataray kong pagyayabang.

"Malalaman ito ni Papa!" wika nito.

"Edi gawin mo samahan pa kita, gusto ko?!" banat ko.

Edi walk-out ang bruha! Ako pa ang kakalabanin nya. Kahit magsumbong pa sya kay Papa, alam ni Papa na matagal nang akin ang School na ito. Ito na lang ang alaala ni Mama. Hindi ko hahayaang kunin din ng mga bruha na yun!


After class pinatawag ko lahat ng School staff, Professor and Security para sa isang important Meeting.

"Ipinatawag ko kayo para paalalahaan na bawal dito ang mga hayop. Once na may makita kayong mukhang hayop like Dina and Bea wag na wag nyong hahayaang makapasok sa SCHOOL KO!!"

"Pero Ms. Bianca baka po magalit si Mr. Alvarez. Diba asawa nya si Ms. Dina?" wika ng isang staff.

"Hindi sya asawa ng Papa ko! Kung gusto nyong magtagal sa trabaho nyo sundin nyo ang sinabi ko! Ayoko ng madaming tanong! Maliwanag?...SAGOT!!!!" sigaw ko.

"y-yes Ms. Bianca" sabay sabay nilang tugon.

Nagpagalay na din ako ng karagdagang CCTV camera sa ilang area. Nagpalagay na din ako ng signboard with matching pictures of Dina and Bea bruhilda para naman aware sila na hindi sila welcome sa School ko. Nagpadagdag na din ako ng security para mas mabantayan ang School ko.

Alam kong may balak sila na kunin ang school ko at hindi ako papayag na manyare yun. Kaya ngayon pa lang alert na ako.

A Beautiful MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon