Chapter 15

7 2 0
                                        

brrrrrrrr! Ang lamig, my gosh para akong nasa malaking refrigerator!

"Yung kape ko asan na!!" sigaw ko mula sa malaking sala.

"Eto na po Miss Bianca" inilapag ng maid ang umuusok na kape.

"Bakit black coffee ito! Ayoko ng black gusto ko creamy! Bilis palitan mo ito!"utos ko.

"Opo, pasensya na po"

"Dami mong sinasabi, bilis na!" utos ko.

Pag-alis ng hampas lupa dinampot ko ang magazine na nasa harap ko.

"Excuse me, Miss Bianca may bisita po kayo"biglang singit ng isang maid.

"O e ano naman edi papasukin mo, anong gusto mo ako pa ang haharap sa bisita!"

"Opo Miss"

Maya maya ay nadinig ko na ang yabag ng mga paa ng bwisita.

"Good Morning Ms. Sungit"

"At sinong nagsabi sayo na pumunta ka dito, bawal dito ang mukhang aso!"pagtataray ko.

"Ang cute mo talaga, sungit!" banat nito sabay hawak sa braso ko.

"Don't touch me!"tinampal ko ang kamay nito pero ngumiti lang ito.

"Nakakainis yang ngiti mo, wag ka ngang ngumiti!"

"Busy ka ba?" tanong nito.

"Anong pakealam mo?!"

"Gusto mo sumama sa province namin? Fiesta kasi sa makalawa, gusto mo sumama? Isama mo na din si Monique"wika nito.

"Sa province? Eww ayoko nga"

"Pumayag kana, promise mag-eenjoy ka"

"Umuwi ka na nga!"

"Basta susunduin kita bukas ha"

"Ewan ko sayo alis!" pagtataboy ko.

Umalis naman ang epal. Bwiset talaga ang lalaki na yun napaka epal.

"Hoy yung coffee asan na!! Pinaiinit nyo ulo ko eh!"sigaw ko.

--------------

6:00 am...

*Blagggg!!

Napabalikwas ako ng bangon sa lakas ng pagkakabukas ng pintuan ng kwarto ko.

"Good Morning Ms. Sungit, get up!"

"Bwiset ka! Anong ginagawa mo dito! Sinira mo ang napakaganda kong panaginip!" inis na inis kong sabi.

Hahalikan na sana ako ni Coco Martin nagising lang ako.

"I told you....susunduin kita diba? Kilos na, baka ma-trapik pa tayo. Si Monique on the way na dito"

"Di ba sabi ko sayo ayoko sumama! Kung gusto mo kayo na lang ni Monique tutal bagay kayo, pareho kayong bwiset"

Ipinikit ko uli ang mata ko at pinipilit bumalik sa pagkakatulog. Naramdaman ko na lang na para akong lumulutang. Nang idilat ko ang mata ko......

"Waaaaaaah! Don't touch me! Ano ba! Kadiri wag mo ko buhatin!!!"tili ko.

"Ayaw mo kasi kumilos kaya ako na lang magpapaligo sayo" wika nito at ipinasok ako sa banyo.

"Bastos! Bastos! Walangya!" sigaw ko habang pinaghahampas ito pero tawa lang ito ng tawa.

"Papa!!!!!!!!" sigaw ko.

Pero naalala ko na wala nga pala si Papa, nasa Cebu kasama ang kabit nyang bruha.

"Ang arte mo kasi eh"

"Ibaba mo nga ako!" hinampas ko ito.

"Oo na, pero maligo ka na ha. Pinahanda ko na din yung baon natin sa byahe"wika nito.

"Sayo ba ang mansyon ko? Epal ka na nga ang kapal pa ng mukha mo mag utos sa mga maids ko!!"

"Ang dami mo pang sinasabi maligo ka na o baka naman gusto mong paliguan pa ki-----aray!!" Binato ko ito ng towel sa mukha saka ko isinara ang pintuan ng malaki kong banyo.

Epal! Grrrr!

A Beautiful MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon