"Good Evening po Ms. Bianca, kanina pa po kayo hinihintay ng Papa nyo"
"Oh eh pakealam ko, tabi nga dyan!"
Pagpasok ko ng mansion nakaabang na ang bwiset na matanda katabi ang bruhang si Dina. Oh wait! There's more! W-wait...binabangungot ba ako?!
"B-bea?!"
"Hi to you sister!" bati ng napakagandang patayin kong half sister.
"Buhay ka pa pala? Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito?" tanong ko.
"Bakit? Masama bang umuwi ako sa sarili kong bahay?"
"Sariling bahay e sampid lang kayo ng nanay mong bruha dito!"
Nanlaki ang mga mata nila sa sinabi ko. Oh diba?
"Bianca! Stop it!" saway ni Papa.
"Why Papa? What's wrong? Tama naman ako diba? Sampid lang ang mag ina na yan!" Sigaw ko.
"I said stop it!" Sigaw ni Papa. Kasunod nito ang isang sampal na halos ikabingi ko.
Natigilan si Papa, tulad ko nabigla din sya sa katangahang ginawa nya! Mula pagkabata, ni minsan hindi nya ako pinagbuhatan ng kamay o sinaktan. Pero ngayon? Nang dahil sa dalawang bruha na to?
Tumakbo ako papunta sa kwarto ko. Ni-lock ko ang kwarto ko at dumapa sa kama.
Ayokong umiyak! Pero paano ko uutusan ang mga luha ko na wag pumatak. Masakit! Sobrang sakit.
"Bianca, anak I'm so sorry please open the door"
"Sorry? Sinaktan mo ako Papa, sinaktan mo ang anak mo nang dahil sa mga sampid na yan! How dare you!!!" sigaw ko.
"Bianca, pamilya mo sila. Hindi sila iba sa akin, sayo..."
"Pamilya? No way! Sila ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya natin!"
"Alam mong hindi totoo yan"wika pa nito.
"Pinatay nyo si Mama! Nang dahil sayo namatay ang Mama ko! Nang dahil sa inyo nawalan ako ng Mama! I hate you!" Sigaw ko.
"Bianca! Open the door now!"
"No! Just leave me alone Pa! Just leaveeeee!!!" sigaw ko.
Hindi ko na napigilan pa, bumuhos na ang luha ko. Ang sakit sakit, ayoko maging mahina uli. Ayoko na uli maging api!
BINABASA MO ANG
A Beautiful Monster
Teen FictionSa sobrang ganda ko ang daming insecure sa akin. Well, I don't care kasi maganda ako.