Chapter 1

31 2 0
                                    

"Ouch!"

"Stupid!"

"What did you say? Stupid? Eh ikaw itong tatanga-tanga!"

"Miss, ikaw ang bumangga sa amin so sinong tanga?"

"Whatever!" inirapan ko lang ang mga ito at nagpatuloy sa paglalakad.

"Hey! Wait hindi ka man lang ba magsosorry sa friend ko?" tanong ni girl with a dark skin.

"What? Ako? Magsosorry? No way, sa ganda kong to?" wika ko pa.

"Aba ang maldita nito ah!" aktong sasampalin ako ni girl with a chubby body.

"Sige subukan mong lapatan ng madumi mong kamay ang face ko, sa kulungan ang bagsak nyo!"

"Really? Aww takot kami!" pang aasar pa ng mga ito.

"Ganito na lang, para matapos na ang kadramahan nyo..." Wika ko at tig-isang malalakas na sampal ang pinatikim ko sa mga ito. Ang ending tulaley sila.
"Bye guys!" wika ko pa sabay walk out.

Ako pa ba ang tatakutin nila? Wala akong kinatatakutan no! Sila ang dapat matakot sakin. Bukod sa kagandahan ko, talo sila sa kamalditahan ko.

Hi I'm Bianca Alvarez, actually may lahi ako. Half human, half Dyosa.

"Good Morning Ms. Alvarez" bati ng panot kong professor.

Dere-deretso lang ako sa upuan ko. Sorry pero wala sa Dictionary ng Dyosang katulad ko ang bumati sa mga manyak na tulad ni Mr. Manzano. If I know pinapantasya nya ako. Well, sanay na naman ako pero ang creepy at kadiri naman kung dirty old man ang magpapantasya sa kagandahan ko. Ewww!

"Ms. Alvarez, can you please stand up and follow me?"

"Sir kung ano man yang balak nyo wag nyo na ituloy"pagtataray ko.

"Ms. Alvarez, I'm your professor. Respect me!"

"Sa tingin nyo karespe-respeto yang attitude nyo?"

"Sumosobra ka na Ms. Alvarez ha"

"So what? Kami ang may-ari ng school na ito. Kahit anong sabihin mo kayang kaya kita patalsikin dito" banat ko.

Pesteng manyak to, bini-beastmode ako.

Hindi na nakasagot pa si Mr. Manzano. Nag walk-out na din ito.

Oo,maldita na kung maldita...so what? Sa panahon kasi ngayon, kahit magpakita ka ng kabaitan, sa huli ikaw pa rin ang kawawa.

O sya tama na ang chika! I have to go, may mga chararat pang nag aabang sa kamalditahan ko sa cafeteria. At dahil nga sa na-beastmode ako, kailangan ko ng mga masasampulan.

A Beautiful MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon