Chapter 16

6 1 0
                                    

Humihikab pa akong pumasok sa kotseng bulok ni epal.

"Are you ready guys?"tanong pa nito sa amin ni Monique.

"Yes we are ready! Laguna here we come!" sigaw ni Monique.

"Alam nyo ang iingay nyo, sinira nyo na nga ang maganda kong panaginip! Magsitahimik nga kayo"

"Pasensya na Ms. Sungit, sige matulog ka na muna para mamaya, pagdating natin may lakas ka para mamasyal. Ipapasyal ko kayo dun" wika ni Epal.

"Whatever, just shut your mouth!"sigaw ko.

Natatawa namang umiiling si Monique.

Inabot na kami ng lunch time sa daan. Itinigil muna ni Epal yung bulok nyang kotse sa tabi ng daan.

"Ms. Sungit alam kong gutom ka na, eto kumain na muna tayo ng tanghalian"wika nito.

"Ano yan? Pagkain ng baboy eww! Ayoko nga nyan"maktol ko.

"Grabe ka naman, kare-kare yan. Ako mismo nagluto nyan para sayo"

"Ikaw? Nagluluto ka? Are you kidding me?"

"Tikman mo, baka makalimutan mo magtaray kapag natikman mo yang luto ko"

"Eww ayoko!"

"Ikaw talaga nagluto nito Sydney? Infairness ha, ang sarap!" sabat ni Monique na napaka patay-gutom talaga.

"My ghad Monique, pati kaning baboy?"

"Tikman mo kaya, ang sarap! Palibhasa puro sosyal na pagkain ang natitikman mo. Iba parin lutong bahay" pagyayabang ni Monique.

"See? Si Monique na nagsabi, try it. Sampalin mo ako kung hindi ka masasarapan" hamon ni boy epal.

"Fine! Pag ito hindi masarap mamagain ko ang mukha mo sa sampal"banta ko.

Never ako nakatikim ng ganitong pagkain. Para kasing kaning baboy. Pero para lang makasampal ako kay boy epal gagawin ko.

"Eww! Kadiri kasi oh, are you sure masarap to? Kadiri kasi itsura"

"Isubo mo na lang bilis!" utos ni epal.

"Inuutusan mo ko? Sa ganda kong ito!"

"Ang dami mo pang sinasabi eh"

Para matapos na ang kasasatsat ng pesteng lalaking ito isinubo ko.

"What? Good right?" tanong ni epal.

"See? Masarap diba?" dugtong na tanong ni Monique.

Hindi ako makasagot. My gosh!

"Ms. Sungit? Hey, are you okay?"

"My ghaddddd.... Are you sure luto mo ito?"tanong ko.

Inaamin ko kahit nakakadiri para sa isang magandang tulad ko, MASARAP! MASARAP NA MASARAP.

"Sabi ko naman sayo diba, hindi ka magsisisi. Inihanda ko yan para sayo, para sa Ms. Sungit ko" banat nito.

"What?! Eww kadiri ka"

Natatawa naman sa isang tabi si Monique.

"Why are you laughing?!" tinaasan ko ng kilay si Monique.

"Sige na, tapusin na natin ang pagkain at mahaba haba pa ang byahe natin. Don't worry Ms. Sungit mas madami ka pang matitikman na lutong bahay sa fiesta"pagyayabang ni epal.

"Hoy! Kung inaakala mong madadala mo ako sa masarap mong luto nagkakamali ka. Gutom lang ako kaya sige pagtyatyagaan ko yang luto mo!" wika ko pero tinawaan lang ako ng dalawang gunggong.

Hay! Biance Alvarez ano bang nanyayare sayo. Bakit ka nandito at kasama ang jologs na lalaki na yan. Waaaah! Hindi si Bianca na maldita ito! No! Hindi ka pwedeng bumalik sa dati. Nasaan na ang kamalditahan mo. Mayaman ka, pwedeng pwede ka magbakasyon sa palawan o around the world pero heto ka at kasama ang epal na yan sa simpleng probinsya? Noooooooo!!!!! Why Biancaaaa!!

A Beautiful MonsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon